—Geraldine POV— "Kaloka, ang ganda mo!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Chelsie. "Hindi naman, dahil lang siguro sa makeup at sa damit kong suot kaya ako nagmukhang tao." "Ikaw naman, grabe ka sa sarili mo. Hindi ako nagbibiro, Ms. Gabuten." Ako man ay hindi makapaniwala sa nakita sa sariling repleksyon. Ako ba talaga itong nakikita ko? Honestly, hindi ko agad nakilala ang sarili. Sumilay ang tipid na ngiti na ngayo'y nakapaskil sa aking mga labi, pero hindi ko pa rin maitatanggi ang matinding kaba na nararamdaman. Paano kung biglang magkagulo nang dahil sa akin mamaya? "Hey, smile ka naman diyan. Hindi ka ba masaya?" Nakangiting ani Chelsie sa akin. Masuyong hinawakan nito ang aking baba. "Maganda ba talaga ako, Chelsie?" "Gusto mo ng honest answer?" Nakangiting napatango ako ri