—Thalia POV— "Kailangan nating maging mapagmatyag, Diego. Hindi natin alam kung sino ang kalaban ng kapatid mo. Magpahanggang ngayon wala pa rin tayong balita kung sino ang nagpadukot sa walang kamalay-malay na sanggol." Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ng aking asawa. Lumapit ako rito at niyakap ito. "Umaasa akong makita na ang aking pamangkin, sweetheart." Ewan ko ba pero malakas ang kutob kong natagpuan na namin si Karizza Lucchese Cohen. Kahit saan anggulo tingnan may resemblance talaga ang dalagitang pinagdudahan kong anak ng kapatid ng aking asawa. Malalaman ko kapag nakuha ko na ang DNA test na iniutos ko sa isa sa mga tauhan. Kailangan kong malaman ang katotohanan. Kapag na-confirmed kung ang dalagita nga ang nawawalang si Karizza, gagawin ko ang lahat ma-protektahan