-Dante POV- "Tita, Kristine?" Mula sa aking swivel chair ay tumayo ako at nakangiting sinalubong si Tita Kristine Lucchese Cohen. "Akala ko pa naman hindi mo ako makikilala." Ibang-iba ang gandang taglay ni Tita, hindi ko akalaing mas maganda pala ito sa personal. At ang ikinagulat ko, ay may pagkakahawig ito kay... Geraldine. Her smile and those smiling eyes of her. Ipinilig ko ang sariling ulo sa iniisip, pilit inaalis sa isipan ang imposibleng iniisip. Nagkataon lang siguro na may resemblances si Geraldine kay Tita Kristine. Ika nga ng iba, there's a doppelganger, right? "Maupo ka, Tita." Iminuwestra ko ang malambot na couch sa aking opisina. "No need, hijo. Hindi naman ako magtatagal. Narito ako para makita ng personal ang dalagitang si Geraldine na siyang kinupkop ng iyong mga