-Geraldine POV- Mula sa kotse ni Kuya Dante ay nauna na akong umibis. As usual seryoso pa rin ang awra nito at palaging galit sa mundo kapag ako ang kasama. Pero in fairness din sa pagiging suplado nito dahil caring itong tao. Sabihin nating panay utos ito sa akin ng ilang mga gawain sa opisina nito pero ni minsan hindi nito nakalimutang pinaalalahanan akong magpahinga. Hindi ko tuloy maiwasang sumilay ang kakaibang ngiti na ngayo'y nakapaskil sa aking mga labi, pero agad ko ring inayos ang sariling mukha at pumasok na sa loob ng mansion, sigurado akong kanina pa naghihintay sina Tita Thalia at Tito Diego. Kung nag-anyaya ng lunchtime si Tita Thalia inaasahan ko na ang paborito kong Sinigang na baboy. "Hija, mabuti naman at dumating na kayo. Si Sir Dante?" Nakangiting salubong sa ak