-Geraldine POV- Kanina pa ako nahihikab hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kotse ni Kuya Dante. Nagising lang ako sa mahinang tapik sa aking kabilang pisngi. "Wake up, hija." Ang nakangiting mukha ni Tita Thalia ang sinalubong ng aking mga mata. Lihim akong nagpasalamat at hindi ang salubong na mga kilay at matiim na titig ni Kuya Dante ang siyang una kong nasilayan. "Tita..." "We're here already sa venue naroon na sina Kuya Dante at Tito Diego mo at tayong dalawa na lamang ang hinihintay. Gusto ko sanang isama ka para naman makapag-suggest ka kung anong nais mong theme sa mismong party." "Tita, kahit ano po kayo na lang po ang bahala at wala naman po akong alam diyan." "Don't worry narito naman ang ilang event and stylist organizer. Sila na ang bahala sa lah