-Dante POV- Ang tagal naman yatang bumalik ni Geraldine. Ang alam ko'y walang gaanong tao ang ladies room. Nakabalik na ang isang babae sa kabilang mesa pero si Geraldine ay hindi pa? Saan naman kaya nagsusuot ang babaeng iyon? Napansin kong palinga-linga na si Mommy, halatang hinahanap si Geraldine. "Ang tagal namang bumalik ni Gera," ani Mommy. Wala akong choice kundi ang tumayo mula sa aking kinauupuan. "Puntahan ko lang siya sa ladies room, Mom." Presinta ko. "A—Are you sure, hijo?" Medyo nauutal na tanong ni Mommy sa akin. "Yes, Mom. Don't worry, I won't scold her." "Thank you, hijo. Please... huwag mo naman sanang awayin si Gera. Alam mo namang first time niya rito at baka naligaw na 'yon." "I don't think so, Mom. Isa pa, hindi naman siguro siya tangà o bøbo para hindi magtano