-Dante POV- Pagsulyap-sulyap lang ako sa kinaroroonan nina Mommy at Geraldine kung saan kausap ng mga ito ang kaibigan ng stylist organizer. "Nariyan na ba sila son?" Tanong ni Dad sa akin. "Yes, pero kinausap pa yata ni Mommy ang kaibigan ng organizer." "I see." "Do you think magugustuhan ito ng kapatid mo?" "C'mon, Dad. Why are you asking me, knowing I'm annoyed by that woman?" Hindi maipinta ang aking mukha sa narinig. "Dante, hijo. Alam mo namang mahal namin ang batang iyon ng Mommy mo, hindi ba?" "Dahil nga binilog ng babaeng iyon ang ulo niyo." Inis kong sagot kay Dad. "Pwede bang maging masaya ka na lamang sa kung anong kailangan mong tanggapin, hijo?" Ani Dad sa akin. "Dad, you know me well. Ginawa ko ang lahat ng kontrol para lang hindi mainis sa tuwing nasa harapan k