-DANTE POV-
NASIRA ang aking mood nang malaman kong isasama ng aking ina si Geraldine. "Ikaw ang inaasahan kong magbabantay kay Geraldine, Dante. Isa ito sa paraan ko para makilala siya ng ilang mga kaibigan at kakilala natin."
"Yes, Mom." Pinipilit kong maging maayos ang pakikipag-usap sa aking ina. But deep inside naiinis ako nang malamang isasama pala nito ang sampid.
"Nakapagbihis na ba si Geraldine, Mom?"
"Nasa silid pa niya inaayusan pa ng ilang make-up artist na tinawagan ko kanina. Siyempre gusto ko rin iyong maganda siyang tulad ko."
Hindi maipagkakaila ang kasiyahan sa mukha ng aking ina, samantalang ako ay lihim na naiinis.
"I'm done, sweetheart." Narinig kong ani ng aking ama na si Dante Lucchese.
Lumapit ito sa gawi namin ni Mommy at mabilis ang kilos nitong ipinulupot ang isang matipuno nitong braso sa maliit na bewang ng aking ina.
"How do I look, sweetie?" tanong ng aking ina sa aking ama.
"Still gorgeous, sweetheart."
"You too, you're such a Greek-man. Para kang hindi tumatanda," nakangiting biro ng aking ina sa aking ama.
Ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon ng akmang maghahalikan na ang dalawa sa mismong harapan ko. Naisip kong tunguhin ang garage nang bigla akong tawagin ng aking ina.
"Isakay mo si Geraldine sa kotse mo, Dante."
Siyempre nagulat ako sa narinig mula sa aking ina. "But, mom."
"No buts, Dante."
Hindi maipinta ang aking mukha. Alam naman nitong hindi ko gustong makita ni makausap man lang si Geraldine ay pilit nitong ipinaglapit kami. Naintindihan ko naman ang punto ng aking ina, ang makasundo si Geraldine. Pero dahil sa wala akong tiwala rito kaya hindi pwedeng mangyari ang nais nito.
"Tita, Tito, Kuya!" Mula sa grand staircase ng mansion ay kapwa kami napalingon.
Laglag ang aking panga nang makita ang napakagandang dalagita na akalaing mo talagang isang diwata na nahulog sa lupa.
"Wow, ang ganda mo, hija!" Bulalas ng aking ina.
Tila naman bigla akong nagising mula sa pagkatulala. Naikuyom ko ang aking mga kamao.
"Gorgeous, mana ka sa Tita Thalia mo, hija." Komento naman ng aking ama.
Dumiretso na ako sa garage pilit inaalis sa aking isipan ang kakaibang ganda na nakita ko kanina lang. Mas lalong tumingkad ang ganda ni Geraldine at inaamin ko naman iyon, problema ko na naman mamaya kung sakaling maraming mga kabinataan ang lalapit dito sa party ng kaarawan ng kapatid na babae na kaibigan kong si Jaylord. Lalo na at sinabi ng aking ina na ako ang magbabantay dito. Tang-íná nga naman. Plano ko pa namang mang-hunt ng ilang mga chickababes.
Nang marating ko ang sariling kotse sa may garage ay inayos ko ang sa may front seat since dito maupo ang feeling Lucchese na si Geraldine.
Mayamaya ay narinig ko ang tinig nina Mommy, Daddy at Geraldine. "Hija, sumabay ka na sa Kuya Dante mo, sinabihan ko na siya. Isumbong mo sa'kin kung aawayin ka na naman niya'n, okay?"
Mas lalo akong nainis nang marinig ang sinabi na iyon ng aking ina. So, nagsumbong pala ang babaeng ito kay Mommy kaya gano'n na lamang ang confidence nito? Lagot talaga ito sa'kin mamaya.
"Dante, isakay mo na si Geraldine sa kotse mo." Narinig kong tawag ni Mommy sa akin. Napalingon ako sa gawi nito.
"Yes, Mom."
Umikot ako kunwari para pagbuksan ng pinto ang feeling prinsesa na si Geraldine. Nagmamadaling naglakad naman ito palapit sa aking kotse at mabilis na pumasok sa loob ng aking kotse.
Nagmamadaling naupo naman ako sa may driver seat. "S—Salamat, Kuya Dante. Kahit hindi mo naman sabihin alam kong naiirita ka parin sa akin at naiinis."
"Mabuti naman alam mo. Mas magiging payapa ang buhay ko kapag umalis ka sa pamilyang 'to."
"Hindi ako pwedeng magpa-apekto sa'yo, Kuya Dante. Magandang kinabukasan ang ibibigay nina Tita Thalia at Tito Diego sa akin kaya... I grab the opportunity."
"So, lumabas nga ang tunay mong ugali."
"Wala akong makitang dahilan para mainis ka sa akin. Ano bang kinaiinisan mo sa akin at nang malaman ko, Kuya Dante?"
"Huwag mo akong tawaging kuya dahil hindi kita kapatid, wala akong tiwala sa mga taong katulad mo."
Pansin kong tila parang tumarak iyon sa puso ni Geraldine nang mapansin ko mula sa front view mirror na konti na lang ay bibigay na ang mga mata nito sa luha.
"Kaya kong tanggapin lahat ng mga pang-iinsulto mo sa akin Kuya Dante pero hinding-hindi ako aalis sa pamamahay na ito kung nakataya naman dito ang magandang kinabukasan ko."
"Hindi na ako magtataka kung gaano kagarapal ang pagmumukha mo kung gano'n," simpleng sagot ko rito. At nagpasya na akong buhayin ang ignition ng sariling kotse.
Pansin kong pinunasan nito ang mga luhang tuluyang tumulo, na kanina lang ay nakasungaw sa mga mata nito.
"Hindi ako madadala sa mga ka-dramahan mo, Geraldine."
"Hindi po ako nagda-drama, sadyang tumarak lang po sa puso ko ang mga salitang tila punyal po na isinaksak niyo sa akin. Mas pipiliin ko pang saktan ng physical kaysa sa mga salita niyong wagas kung makasakit."
"Then you must face all the consequences sa pagpasok mo sa buhay namin. Hinding-hindi ako magbabago hangga't hindi ka nawala sa paningin ko."
"Hindi ko rin ipagpapalit ang magandang kinabukasan na naghihintay sa akin dito. Kaya kung tiisin ang mga insulto mo Kuya pero hindi ako makapangako kung hanggang kailan ako magtitiis."
"Makapal kasi ang mukha mo kaya gano'n."
"Wala akong pakialam, kahit ano pang sabihin mo hindi ako matitinag diyan sa mga style mong mapanakit. Tama na sa akin ang ngayong pinaiyak mo ako."
Masasabi kong palaban nga itong si Geraldine, pero hindi ko akalaing ganito pala kakapal ang pagmumukha nito.
Hindi naman nagtagal ay narating namin ang naturang party. Pumarada ako sa area katabi ng kotse nina Mommy. Nauna ng bumaba si Geraldine at nagmamadaling lumapit sa aking Mommy at Daddy.
"Hindi ka ba inaaway ng Kuya Dante mo?" Ang tanong agad na narinig ko mula sa aking ina, nailing na lamang ako sa tanong nito kay Geraldine.
"Hindi po, Tita."
Umigting ang panga ko sa kasinungalingan ni Geraldine. Bakit ba palagi ako nitong pinagtatakpan?
"Let's go?" Narinig ko namang anyaya ng aking ama. "Tara na sa loob, Dante."
"Mauna na kayo at susunod na ako, Dad," sagot ko sa aking ama.
"Hindi pwede dahil ikaw ang magsisilbing excort ni Geraldine," reklamo ni Mommy. Wala akong choice kundi ang sundin ito.
Hinarap ko si Geraldine at walang-sabing inilagay ko ang isang braso nito sa aking kaliwang-braso.
"Masaya ka na?" sarkastikong tanong ko rito.
"Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi." Nakangiting sagot nito.
Inakay ko na ito papasok sa loob ng naturang venue kung saan kasalukuyang nakasunod lang kami kina Mommy at Daddy.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang mga mata ng ilang mga kalalakihan na nakapako sa aming gawi. Sino ba namang hindi kung isang diwata ang aking kasama? Laglag nga ang panga ko kanina sila pa kaya?
Inis na inalis ko kaagad sa aking isipan ang gandang-taglay ni Geraldine.
She's a rag trying to be a princess. She doesn't belong in our circle; she's a trying hard gold-digger who wants to be noticed by some rich guys.
Napansin ko naman ang ilang mga kababaihan na nagsitaasan ang mga kilay ng makita ang kasama kong si Geraldine.
Lumapit agad sa akin si Jaylord. "Si Karina ang inaasahan kong kasama mo, looks like may bago kang kasama, huh?"
"Naku, mali ka ng iniisip. Ako si Geraldine ang kinupkop nina Tita Thalia at Tito Diego," nakangiting sagot naman ni Geraldine.
"Ah, I see. So ikaw pala iyon?" Hindi makapaniwalang sagot ni Jaylord sa tang-ínáng si Geraldine.
"Yes po."
"Stop the po, Miss Geraldine. Call me by my name instead, I'm Jaylord Chiu," nakangiting pagpapakilala ni A
Jaylord kay Geraldine na mas lalo kong ikinairita.
"Jaylord, nice meeting you."
"My pleasure to meet you too, my lady," nakangiting turan pa ni Jaylord kay Geraldine sabay lahad ng isang palad nito sa harapan ni Geraldine. Nakangiting tinanggap naman ni Geraldine ang isang palad ni Jaylord at masuyo nito iyong pinisil at walang-gatol dinala nito iyon sa mga labi nito at hinalikan.
Inis na hinila ko ang kamay ni Geraldine mula rito. "Stop making a scene here, Jaylord."
"C'mon, Dante. I'm just trying to be gentle with Geraldine. May problema ba don?"
"She's not worth your attention, maraming babae riyan huwag ang babaeng ito."
Pansin kong kapwa nagulat sina Geraldine at Jaylord sa sinabi ko. "Ang harsh mo naman kay Geraldine. Ang bagay sa kanya is to treat her like a princess."
Awtomatikong umigting ang aking panga sa narinig sa kaibigan. "Are you out of your mind, Mr. Chiu?"
"Yes, Mr. Lucchese. Kung ganito ba naman kaganda ang nasa harapan ko ay malamang ikababaliw ko."
"Jaylord, salamat sa komento mo pero make-up lang 'yan kaya nagmukhang maganda ako sa paningin mo." Nahihiya pang sabi ni Geraldine sa kaibigan kong si Jaylord.
"Huwag mong sabihin iyan, Ms. Geraldine. You are quiet gorgeous. Ikinagagalak kong makita at makilala ka."
Dahil sa inis na nasaksihan ay walang-sabing iniwan ko si Geraldine na kasama ang kaibigang si Jaylord.
"Kuya!" Narinig ko pang sigaw ni Geraldine sa pangalan ko pero hindi ko man lamang ito nilingon at ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa dance floor. Maghahanap ako ng chickababes na pwede kong angkinin ngayong gabi.