-Geraldine POV-
"WAIT, pwede ko bang makuha ang cellphone number mo?"
Nakatitig lang ako sa mga mata ni Jaylord. Paano kung pagalitan ako lalo ni Kuya Dante kung ibibigay ko sa kaibigan niya ang cellphone number ko? Mas lalo itong maiinis sa akin.
"P—Pasensya ka na pero wala akong cellphone, e." Pagsisinungaling ko rito.
"What?!" Bulalas nito. Halata sa anyo nito ang labis na pagkagulat. "That's impossible, Ms. Geraldine."
"Pasensiya ka na pero kailangan kong mahanap si Kuya Dante," ani ko at nagmamadaling naglakad palayo kay Jaylord.
"Sandali lang!" Tawag nito pero dire-diretso lang ang aking lakad at wala na akong balak pa na lingunin ito.
Mahigpit na ipinagbilin ako nina Tita Thalia at Tito Diego kay Kuya Dante. Ayoko namang magalit sila kay kuya ng dahil na naman sa akin. Mas lalo lang na maiinis si Kuya Dante sa akin kapag nangyari iyon.
Kahit hindi ko kabisado ang naturang lugar ay kailangan kong tunguhin sa kung saan ko nakitang dumaan si Kuya Dante. Literal na kabado-bente ako dahil first time ko sa mga social na okasyon at ang makipaghalubilo sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ko mapigilang mapangiwi nang may makita akong magkasintahan na naghahalikan sa kahit saan.
Nang marating ko ang hardin ay nakita ng aking mga mata si Kuya Dante with a beautiful sexy woman. Nakagat ko ang pangibabang-labi kung tatawagin ko ba ito o lalapitan.
"Excuse me?"
Nagulat ako sa baritonong-tinig ng isang lalaki kaya gulat na napalingon ako rito. Nagulat din ito sa reaksyon ko.
"I'm sorry to scare you but what are you doing here, anyway?"
Hindi naman ako nakaintindi ng gaanong Ingles kaya tameme ang Lola niyo. Wala akong maapuhap na sasabihin. Konti lang ang alam ko sa wikang banyaga, palibhasay hanggang Grade-3 lang ako sa edad kong 18.
Palabuy-laboy lang kasi ako sa kalye at nag-aangkat ng sampagita sa kapitbahay naming si Aling Gloria para ibenta para may pagkain ako sa araw-araw. Umalis kasi ako sa ampunan dahil palagi akong binubully doon ng mga kalaro ko.
Isang bagay lang ang tanging konektado sa tunay kong pagkatao. Ang kwintas kong suot kung saan naroon ang larawan ng aking ina at ama.
Minsan naitanong ko sa sarili kung nasaan na kaya ang mga ito at bakit ako iniwan ng mga ito sa bahay-ampunan?
Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata. Hindi ba ako kamahal-mahal na anak?
"Hinanap ko lang ang Kuya Dante ko at nakita ko siya don may banda?" sagot ko sa lalaki sabay turo sa banda kung saan nakita ko si Kuya Dante.
Nagtaka ako nang wala roon si Kuya Dante. "You mean, Mr. Lucchese? Teka, ka anu-ano ka ba ni Mr. Lucchese?"
"K—Kapatid," nauutal kong sagot dito.
"Excuse me, pero nag-iisang anak lang si Dante nina Tita Thalia at Tito Diego."
"Inampon ako ni Tita Thalia at Tito Diego. Kaya maituturing na ring kapatid ko si Kuya Dante."
Pansin kong hindi kumbinsido ang lalaking kausap. Kaya minabuti ko na lamang na talikuran ito.
"Sandali lang, anong pangalan mo?"
"Patawad pero hindi ko ibinibigay ang pangalan ko sa mga taong hindi ko kilala at pinagkakatiwalaan," inis kong sagot dito at mabilis na naglakad patungo sa lugar kung saan ko nakita si Kuya Dante kasama ang isang maganda at seksing babae.
Pero nang marating ko ang naturang lugar ay bigla akong napayakap sa sarili nang may marinig akong ilang ungol at halinghing. Hindi ako inosenti pagdating sa mga ganoong bagay lalo na sa edad kong disiotso.
Gulat na napatakip ako sa sariling bibig at hinintay na matapos ang dalawa. Duda ko ay nasa may halamanan ang mga ito. Naramdaman ko ang kakaibang init sa aking katawan. Napalunok ako, tila ba parang may kung anong nabuhay sa aking kaibuturan.
"I'm cum...ming...ahhh!"
Hinding-hindi ako nagkakamali at boses iyon ni Kuya Dante.
"Ohhh...fúck, Dante. Hmmm..." Boses naman ng babae.
Wala sa sariling dahan-dahan akong napaatras. Hindi ko tuloy napansin ang hagdan na yari sa landscaping dahilan para mahulog ako.
"Aray!" Sigaw ko sa sobrang takot.
"What the fúck, sino 'yan?" Narinig ko ang inis na boses ng aking Kuya Dante.
"Tulong... aray ko po..." Daing ko nang hindi ko maigalaw ang aking binti, nabalian kaya ako?
Narinig ko ang ilang yabag at saka ko napansin si Kuya Dante kasunod nito ang kasamang babae.
"Anong nangyari sa'yo?"
"Kuya, tulungan mo ako. Iyong binti ko..." Maluha-luha kong daing.
"Sino siya, ba't kuya ang tawag sa'yo? Ang alam ko wala kang kapatid, hindi ba?"
Narinig kong sabi ng babaeng nasa likuran ni Kuya Dante. Kaya nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata ni kuya ng mga luhaan kong mga mata.
"Dàmn it, lagot ako nito kina Mommy at Daddy."
"Huwag ka pong mag-alala kuya ako na po ang bahala sa kanila," sabi ko rito.
"Shut up!" Inis na sabi ni Kuya Dante sa akin.
Pagdakay, wala itong choice kundi ang buhatin ako gamit ang mga matipuno nitong mga bisig. Napilitan akong kumapit dito.
"Wait, what about me?" ani naman ng maarteng babae na sa tingin ko'y ang kaanuhan ni Kuya Dante kanina.
"Malaki ka na at sigurado naman akong kaya mo na ang sarili mo."
"What?!" Bulalas nito na tila hindi makapaniwala sa narinig mula kay Kuya Dante.
"You bìtch!" Inis na turo sa akin no'ng babae dahilan para itago ko ang aking mukha sa matipunong dibdib ni Kuya Dante.
Nakiramdam ako, pansin kong nagmamadali si Kuya Dante sa paglalakad, mayamaya ay maingat ako nitong ibinaba sa may bench paharap sa isang fountain na may iba't ibang kulay.
"Wow?!" Bulalas ko. First time kasi sa buong-buhay ko na makakita ng ganitong fountain.
"May I see your leg, please?"
Hindi ngumingiting ani Kuya Dante. Pero sa paraan ng pakikipag-usap nito ay ramdam mo ang pagiging polite nito. Napakislot pa ako nang maramdaman ang mainit nitong palad na ngayo'y nakahawak sa nasaktan kong binti. Sinusuri nito iyon.
Nakatitig ako sa napaka-gwapo nitong mukha. Kilalang mga tao ang mga Lucchese at isa sa mga crushes ko si Kuya Dante. Pero sino nga ba ang mag-aakalang mag-krus ang aming landas sa hindi inaasahang pagkakataon?
Dati akala ko usap-usapan lang ang pagiging red-flag nito, pero ngayon napatunayan kong totoo nga pala. Hindi ito ang tipo ng lalaki na pinapangarap ko pero bakit nga ba may kung ano rito na pumukaw ng pansin ko?
"Nabalian ka," turan nito.
"Masakit po," daing ko nang mahawakan nito ang banda kung saan may kirot.
"Dàmn, anong sasabihin ko nito kina Mommy at Daddy?" Inis nitong sabi.
"Ako na po ang bahala. Huwag na po kayong mag-alala," sabi ko rito.
Nang hindi sinasadyang biglang kumalam ang aking sikmura. Nagbaba ako ng tingin dahil sa matinding kahihiyan.
"Gutom ka na?" tanong nito at tango lang ang naging tugon ko.
"K—Kanina pa po."
Narinig kong nagpakawala ng isang marahas na buntong-hininga si Kuya Dante. "Dito ka lang at babalikan kita, kukuha lang ako ng pagkain."
"Huwag kang magtagal kuya please..."
"Pwede ba huwag kang o.a!" Asik nito sa akin.
Napayuko ako sabay laro ng aking mga daliri. Inilibot ko ang tingin sa aking kinaroroonan, sabagay, hindi naman katakut-takot ang naturang lugar. Nakakaaliw pa nga ang ilang mga iba't ibang kulay sa naturang fountain.
Napahawak ako sa aking binti sabay ngiwi. Ano kayang sasabihin ko kina Tita Thalia at Tito Diego patungkol dito sa nangyari sa akin? Kailangan ko silang makumbinsi na hindi ito kagagawan ni Kuya Dante. Malakas kasi ang kutob kong si Kuya Dante ang sisisihin ng mga ito. Unfair naman din sa parte ni Kuya Dante kung sakali.
"Here's your food." Lumapit sa akin si Kuya Dante at ibinigay nito ang dalang pagkain.
"Ikaw kuya bakit walang para sa iyo?"
"Hindi ako nagugutom. Mukhang hinahanap na tayo nina Mommy at Daddy dahil napansin ko kaninang panay linga si Mommy."
"Kung gano'n, tara na po," ani ko rito.
"Hindi pa pwede, t'saka kainin mo muna iyang pagkain mo, teka, may naisip ka na bang sasabihin sa kanila kung sakaling makita ang hitsura mo?"
"Opo." Maagap kong sagot dito sabay dampot ng kutsara at kumain. Nanlaki pa ang aking mga mata sa sobrang sarap ng pagkain.
"Ano ang sasabihin mo kung sakali gusto kong malaman."
"Na... hindi ko po nakita ang dinaraanan ko kaya ko natamo itong nangyari sa aking binti. Mabuti na lamang at dumating ka Kuya Dante."
"Sige na, ubusin mo na iyang pagkain mo at aalis na tayo rito. Kailangan na rin kasi nating magpakita kina Mommy at Daddy."
"Hindi ka na ba naiinis sa akin, Kuya?"
"You wish!"
Napayuko ako at napatitig sa aking pagkain. Tila ba bigla akong nawalan ng gana. Akala ko pa naman okay na kami ni Kuya Dante.
"Kung iniisip mong okay na tayo diyan ka nagkakamali. Hindi agad ako nagtitiwala sa isang tao at tandaan mo 'yan. Ginampanan ko lang ang responsibilidad ko bilang tumatayong kapatid mo na hindi naman nababagay na gawin ko sa isang sampid na katulad mo."
Tila dinurog ng mga salitang lumalabas sa bibig ni Kuya Dante ang aking puso. Masakit itong magsalita at talagang tagos sa puso. Napansin ko ang namumuong luha mula sa aking mga mata.