-Geraldine POV-
Pasimpleng pinalis ko ang mga luhang tumulo mula sa aking mga mata. Sinusubukang maging okay ang nararamdaman pero mahirap palang gawin, nawalan na tuloy ako ng gana sa pagkain na kasalukuyang nasa harapan ko ngayon.
Siguro kailangan ko pang habaan ang pasensiya sa kinakapatid kong ubod ng suplado at arogante.
"Gera, Dante?!" Kapwa kami napalingon ni Kuya Dante nang marinig ang pamilyar na boses ni Mommy Thalia, kasunod nito sina Tito Diego at Jaylord.
"Tita," ani ko.
"Ano'ng nangyari?" Takang-tanong nito sa akin. Lumapit naman agad si Jaylord sa akin.
"May nangyari ba sa'yo?" Pansin ko ang pag-aalala sa boses ni Jaylord.
"Okay lang po ako, Tita, Jaylord," sagot ko sabay yuko.
"Her one leg is hurt," tugon ni Kuya Dante.
"Bakit, anong nangyari?" Hindi maipinta ang mukha ni Mommy habang nakatitig sa mukha ni Kuya Dante.
"Tita, hindi ko kasi nakita ang dinaraanan ko kaya—heto, napilayan ako," sagot ko kay Tita Thalia.
"Hey, may pagkain pa sa loob," ani Jaylord sa akin.
"Thanks, pero busog na ako Jaylord. Salamat."
"Huwag mong pagtakpan ang Kuya Dante mo, Gera. Alam kong siya ang dahilan kaya nangyari 'yan sa'yo."
"Sweetheart, huwag dito. Stop scolding our son." Narinig kong lambing ni Tito Diego kay Tita Thalia.
"Sumusobra na iyang anak mo, Diego. Kausapin mo 'yan!"
Gigil na sagot ni Tita Thalia at hinarap ako nito na ngayo'y makikita sa anyo nito ang labis na pag-aalala para sa akin.
"Masakit ba kapag naglalakad ka?" tanong ni Tita sa akin. Nahihiyang napatango ako rito.
"Tita, I can carry her if you let me."
Narinig kong sabi ni Jaylord pero nagulat na lamang ako nang biglang lumapit sa akin si Kuya Dante at walang-sabing pinangko ako nito gamit ang matipuno nitong mga braso dahilan para mapasigaw ako.
"For pete's sake, Dante!" Inis na tugon ni Tita Thalia.
"Tita, okay lang po," ani ko.
Napasulyap ako kay Jaylord, pansin ko ang labis na pagtataka sa anyo nito hindi ko rin alam kung bakit.
"Salamat sa pag-aalala mo, Jaylord."
"May pagka-maharot ka rin, ano?" Mahinang sabi ni Kuya Dante sa akin sapat para marinig ko.
"H—Hindi ako gano'n, Kuya Dante."
"Bakit nagpahiwatig ka ng motibo kay Jaylord? Alam mo bang hindi kayo nababagay?"
"Nagkakamali ka ng iniisip kuya."
"Tumahimik ka!" Mahinang asik nito. Napakislot ako at napayuko.
"Salamat, Mr. Chiu."
Narinig ko ang boses ni Mommy. Lihim akong napangiti. Ang totoo, na appreciate ko ang kabaitan ni Jaylord. Hindi tulad ni Kuya Dante na laging galit at sobrang mainitin ang ulo.
"My pleasure, Mrs. Lucchese."
"Once again, happy birthday to your sister, hijo."
"Thank you po."
"Dalhin mo muna sa kotse si Gera, Dante at magpapaalam lang muna kami ng Daddy mo kina Mr. and Mrs. Chiu. Kailangang madala natin si Gera sa hospital para masuri ang sprain niya."
"Naku, huwag na lang po, Tita." Mariing tanggi ko. Nakakahiya, tiyak akong mas lalo lang maiinis sa akin si Kuya Dante.
"No, kailangan madala ka."
"OA mo kasi." Mahinang pang-uuyam ni Kuya Dante. Damang-dama ko ang munting kirot sa aking dibdib.
Hanggang sa tuluyan na nga kaming umalis sa maingay na lugar at narating ang kotse nito. Inaasahan ko ang inis ni Kuya Dante kaya expected na pabalang ako nitong ibababa, ngunit nagkamali ako ng maramdaman ko ang tila may pag-iingat sa mga kilos nito.
"S—Salamat, Kuya." Kinakabahan kong ani rito.
Mapapansin sa mukha nito ang hindi maipagkakailang inis at iritasyon. Umikot ito at tinungo ang driver seat. Narinig ko ang mahinang pag-click ng kotse hudyat na pwede na akong pumasok sa loob ng front seat.
"Hop in!" Iritadong utos nito.
Tahimik na binuksan ko ang pinto at pumasok sa may front seat saka naupo. Napangiwi pa ako dahil sa kirot sa aking bukong-bukong na tila umaakyat ang kirot patungo sa aking binti.
"Buckle your seat belt." Hindi pa rin nakaligtas sa aking pandinig ang tila iritado nitong awra.
Nakagat ko ang pangibabang-labi. Nakalimutan ko kung paano iyong ikabit. "K—Kuya, nakalimutan ko kung paano ito ikabit," ani ko habang hawak ang seat belt.
"Dàmn it!" Inis na tugon nito at heto na mismo ang nagsuot sa akin ng naturang seat belt.
Ewan ko ba pero parang nag-slow-motion sa mga sandaling iyon nang titigan ko ang iritadong mukha ni Kuya Dante. Napaigtad lang ako nang masagi nito ang aking kaliwang dibdib.
"Fúck!" Malutong nitong mura. "Are you trying to seduce me?" Salubong ang kilay na tanong ni Kuya Dante sa akin. Siyempre, nagulat ako sa narinig mula rito.
Napalunok pa ako dahil hayan na naman ang tila nakakaakit nitong pabango na nanunuot sa aking ilong. "Bakit ko naman gagawin iyon, kuya?"
"Malay ko sa'yo, tandaan mong hindi mangyayaring magkakagusto ako sa isang golddigger na tulad mo!" Asik nito at galit na itinulak ang kabila kong balikat.
Pinipigilan ko ang mga luha na ngayo'y kay bilis na namumuo sa aking mga mata. Saka ko naramdaman ang pagkabuhay ng kotse nito at pinaharurot nito ng takbo.
Pasimpleng pinalis ko ang mga luha mula sa aking mga mata. Lahat kakayanin ko para lang magkaroon ng magandang-buhay kasama ang mababait na sina Tita Thalia at Tito Diego. Alam ko naman na darating ang araw na matatanggap din ako ni Kuya Dante.
Hindi ko kailanman iniisip na akitin ito. Kapatid ang turing ko rito. Pero iyong kanina, hindi ko maintindihan, iyong tila parang kuryente na bigla na lamang nanulay sa buo kong katawan nang masagi lang naman nito ang kabila kong dibdib.
Hanggang sa narating namin ang isang klinika. Huminto ang kotse ni Kuya Dante.
"Baba!" Inis nitong utos sa akin.
Binuksan ko ang pinto ng kotse nang akmang lalabas na ako nang nakalimutan kong may suot pa pala akong seat belt. Napangiwi ako nang hindi ko alam kung paano iyon tanggalin kaya mas lalo akong natagalan dahilan para mas lalong mainis sa akin si Kuya Dante.
"Bullshît!" Malutong nitong mura at mabilis ako nitong nilapitan at marahas na tinanggal ang seat belt.
Nanatiling tahimik lang ako. Pero hindi ko maitatangging masakit talaga ang aking bukong-bukong at binti.
Dahan-dahan akong umibis mula sa kotse. Napayuko ako nang lumapit si Kuya Dante sa akin at maingat ako nitong binuhat ng wala man lamang kahirap-hirap.
Pigil ko ang aking hininga. Para akong batang tila takot na magkamali. Hayan na naman ang mabango nitong pabango na tila nang-aakit na ito'y yakapin ko ng mahigpit.
Dinala ako nito sa mismong clinic, sinalubong kami ng isang magandang doctor na sa tingin ko'y kaibigan ni Kuya Dante.
"Who is she?"
"Adopted ng Mommy ko," simpleng sagot ni kuya.
Napayuko ako nang magtama ang aming paningin ng magandang doktora. Nahihiya ako rito.
"Oh, I see. Anong nangyari sa kanya?"
"She has a sprained ankle," sagot ni Kuya Dante.
"Bakit?"
"Careless," inis na sagot ni Kuya Dante.
"There you go, Mr. Lucchese. Hayan na naman ang pagiging suplado mo. Hmm, you must take good care of her, especially since she is going to be your soon-to-be sister legally, am I right?"
"Nope, kinupkop lang siya ng mga magulang ko dahil sa awa." Hindi ngumingiting sagot ni Kuya Dante sa magandang doktora.
"Okay, well, kailangan mo siyang dalhin at maingat na ilapag sa loob ng maliit kong kwarto para ma-examine ko ang kanyang ankle."