-Geraldine POV- "Huwag naman sana naming malamang isang pole dancer lang ang bibihag sa iyo, Dante." Palatak ni Tita Thalia. Ang totoo natigilan ako sa narinig mula kay Tita Thalia. Medyo nakaramdam ako ng munting kirot sa kaibuturan ng aking puso. Napasulyap ako kay Kuya Dante at nakita kong naiiling lang ito sa sinabi ni Tita. Narito kaming lahat sa kotse ni Kuya Dante since gusto ni Tito Diego na isang kotse na lang ang gagamitin para mag-lunch kaming apat sa isang mamahaling restaurant, ang narinig ko kanina ay Korean Restaurant. "Ang tahimik mo, hija?" Napasulyap ako kay Tita gamit ang front view mirror. "Wala rin naman po akong sasabihin, Tita." "Kumusta naman ang naging pagbisita mo sa puntod ng Nanay Farrah mo?" "Okay lang naman po. Nagulat nga po ako at gumanda ang paligi