“DADDY, PAABOT NAMAN ng baked tahong,” masuyong sabi niya sa asawa. Maganda kasi ang plating, kaya, natakam siya bigla. Tumingin siya ulit sa asawa at nginitian pa ito. Umangat lang ang kilay nito mayamaya. Ibig sabihin, ayaw nito. Nakita pala ni Ezekiel kaya nagsalita ito, “Hoy, Dave! Iabot mo raw ang tahong ni Kristen!” ani ni Ezekiel na nakangisi. Tiningnan lang ito nang masama ng asawa. Bumaling ito sa kan’ya at bumulong, “Abot mo naman, bakit hindi mo kunin.” Inis na hinarap niya ito. “Iaabot lang naman sa akin, a. Ikaw 'tong malapit, kaya, malamang iuutos ko sa'yo. Wala Ka man lang kasi ni katiting na ka-sweetan.” "Wala talaga, kaya magsariling sikap ka," sagot naman ng asawa niya. Matapos nitong istorbohin ang ginagawa nila ni Dennis, ganito lang naman pala ang iaasta? Ang ga