Chapter 19

1204 Words
At Hotel De La Luna Today is the day, kanina pa abala ang mga tao sa hotel kong saan inaayusan ako ng mga make-up artist at stylist na rin. He wants to be perfect my look. Hindi ko naman alam na sobrang bongga ng hinandang enggagement ng lolo ni Terrence. "Matagal pa po ba yan?" tanong ko kay ate na nagme make-up sa akin. "Saglit na lang po ma'am." sagot niya. Pinagmasdan ko ang ayos ko sa salamin at okay naman sa akin. Hindi naman ako mukhang magang ewan. Naghintay pa ako ng ilang saglit hanggang sa wakas natapos rin ang pag-aayos sa akin nila. Akala ko aabutin pa kami ng isang oras. "Perfect!" ayon na lang ang nasambit ng make-up artist matapos niya akong maayusan. Maganda naman talaga ako noon pa. Ewan ko ba dito kong maka react e, akala mo ke pangit pangit ko naman. Nagbihis na rin ako sa fitting room at nang matapos ako sa pagbibihis agad akong lumabas. Napatingin ako sa salamin at maganda ang pagkakahakab sa katawan ko. Naka ilang sulyap pa ako sa salamin bago ako lumabas ng kwarto. Inalalayan naman ako nila ateng make-up artist. Ayoko sana at nahihiya ako sakanila. Pero, nag insist naman sila kaya pumayag na rin ako. Habang nalalakad na ako hindi ko na lang pinapansin ang mga tingin sa akin ng staff. Aba! Malay ko sa kanila kong napapangitan o nagagandahan ba sila sa akin. Pagdating namin sa venue naglakad na ako papasok kong saan nakita ko ang ilang tao na pamilyar sa akin ang mukha at si Lolo na present din sa araw na ito. Paano ba siya mawawala e, siya ang dahilan kong bakit kami nagkakilala ni Terrence ngayon. Isa isa kong pinagmasdan ang mga taong nadaraanan nang mga mata ko, tanging kaway at ngiti lang ang naitugon ko sa kanilang lahat. Hanggang sa makalapit ako kay Lolo. "Hija, you're beautiful tonight." bungad na wika ni Lolo. Gusto ko sanang sumimangot sa narinig ko at dinaan ko na lang sa biro sabay sagot na; "For tonight lang Lo?" "Syempre as always hija.." dagdag pa nito. "Ay! Si Lolo nangbola na naman." Natahimik kami ng magsalita ang host at mula sa may gilid lumabas si Terrence. Bakit parang nag 360 ang tingin ko sa kan'ya. Napaka gwapo niya sa suot niyang tuxedo. At nakatingin rin siya sa akin parang malalaglag pa yata ang garter ng panty ko. At nang makalapit siya sa akin para akong nabatubalani sa kakisigan niya. Natigil lang ang pagpapantasya ko ng bulungan niya ako na; "Close your mouth. Masyado ka namang nagpapahalata na gwapong gwapo ka sa akin." aniya sabay ngiti sa mga bisita. "Baliw. As you wish." ganting sagot ko para hindi ako mapahiya dito. Sabay na kaming naglakad habang naka abrisyete ako sa braso nito. Paakyat na kami ng stage ng tawagin ng host ang mga pangalan namin ay iniimbitahan kaming umakyat sa taas. "Ladies and gentleman. May we call on stage the soon to be newly wed. Mr. Terrence Stuart and Miss. Sandra Diaz.. Let us give them a big round of applause." malakas na wika ng host. At lahat ng tao ay nakatingin sa aming pag akyat. Mga taong masaya para sa aming dalawa lalo na ang mga lolo namin na mukhang close na close na rin. Nang makaupo na kami sa center chair. Nagsimula na ring magserved ng food ang mga staff ng hotel para sa mga bisitang naroon at maging kami ay nabigyan na rin ng makakain. Tahimik akong nakain habang si Terrence naman ang nasagot ng ilang katanungan para sa aming dalawa. Mas mabuti na nga siya lang ang tanungin at baka mag-iba pa ang sagot naming dalawa. Panay kalabit naman niya sa braso ko at gusto na yatang ipasa sa akin ang microphone kaso patay malisya lamang ako at pangiti ngiti sa mga tao. Nakita kong kumunot ang noo niya pero, dedma lang ako hanggang sa ako na ang binalingang tanungin ng host. Nahihiya pa ako at kitang kita ko ang pasimpleng pang ngisi ni Terrence sa akin. Ipinasa niya sa aking ang microphone. "Good evening everyone." paunang pagbati ko sa lahat ng taong naroon. "Good evening, Miss. Sandra. I have a little more question for you.." aniya. "Sure. What is it?" confident na sagot ko dito. At hindi ko pinapahalatang ninerbyos na agad ako wala pa nga ang tanong nito. Alam ko kasi kong about kay Terrence ang tanong wala akong maisasagot bukod sa I hate him. "Wow. I like the confidence of our soon-to-be-bride. My question for you, Miss. Sandra, where did you meet first?" "Ahmm! Thank you for that wonderful question. Well, honestly we met at the bar." wika ko. At medyo nagkaroon ng bulong bulungan sa sinabi ko. Well, totoo naman 'yon. Doon ko siya unang nakita at nakausap pero, hindi na kasama doon ang mga nangyari sa amin at wala ako sa sarili that night. "Wow! At the bar. So, after that, when is the next?" tanong ulit nito. "My lolo's dinner date set-up. He set me up an a date with Terrence." sagot ko. Nakita kong kumaway si Lolo sa akin. At ngingisi ngisi pa. "Nice. So, you mean your matchmaker is your grandfather. Well, your grandfather is very happy now."dagdag pa nito. Alam ko naman at kitang kita ko sa kislap ng kan'yang mga mata. "Yah! Yah!" "This is the last question for you, Miss. Sandra. Since, we all know that you are a famous model, So, the question is, are you willing to give up on your career to get pregnant?" tanong ng host na hindi ko napag handaan kaya medyo natagalan ang pagsagot ko. At miski ako ay nagulat sa isinagot ko na rin. "Well, if by God's grace. I will accept it." sagot ko. Sana lang talaga hindi mapanuod ni Madam Ursula ito, dahil mayayari ako pag napanuod niya. Wala kasi sa usapan namin na magbubuntis ako. At wala rin naman sa plano namin ni Terrence yon. Mahirap kapag may mainvolved na bata tapos maghihiwalay rin naman kami after a couple of years. Kaya useless na mag-anak pa kaming dalawa. "So, I think we're satisfied with their answer. Let us enjoy it now." ani nito. Bumaba na rin kami sa stage para makipag halubilo sa mga bisita. Nauna naming pinuntahan sila lolo na naabutan naming nag-uusap. "Lo, mukhang close na kayo ah." pabirong tanong ko dito. "Close naman talaga kami hija. Mag classmates kami ng College." sagot nito. "What???" gulat na wika ko. "Yes, hija. Actually, we planned to do so if we had a grandson or granddaughter in the future. We've decided to arrange their marriage.." sagot nito Lolo. "Huh? So, do you know about this Lo?" singit ni Terrence. "Nope. I don't know. Actually, lately ko lang rin nalaman na apo pala niya si Sandra. Akalain mo 'yon natupad ang plano namin. Hahaha." sagot ng lolo ni Terrence. Nagkatinginan na lang kaming dalawa nito. At mukhang wala pa kami sa mundo kami na ang itinadhana ng panahon. Akalain mo bang magkakilala ang lolo namin at hindi lang basta magkakilala lang, super close pa silang dalawa. "Hehehe. Hindi ko rin alam po, Mr. Schmidt." sagot naman ni Terrence sa lolo ko na ka business partner niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD