Habang nag-iinuman ang lahat ng lumapit sa akin si Terrence kaya inabutan ko siya ng drinks.
"You want to drink?" alok ko dito. Tiningnan niya lang ako ng malagkit kaya napalagok ako ng hawak kong glass wine sabay lagok at tingin sa malayo.
"Ayaw mo?" tanong ko dito sabay abot ng wine glass na may lamang alak na kakasalin ko pa lang. Kinuha naman niya sa akin ito sabay inamoy at nilapag. Napakunot ang noo ko ng lumapit siya sa akin ng malapitan halos magkanda duling na nga ako sa lapit ng mukha naming dalawa at nanlaki ang mga mata ko ng dilaan niya ang labi ko. Para akong natuod at hindi nakapag salita. Ibang Terrence yata ang nasa harapan ko.
"The wine is good for me." sagot niya sabay wink at tayo pabalik sa table ng mga kaibigan niya.
Ilang segundo akong napatulala bago makabalik sa huwisyo. Hindi ko akalaing gagawin niya ang ginawa niya sa akin kanina lang. Nawala ako sa katinuan at naghuhurimintando ang puso ko sa sobrang bilis ng pag t***k ng puso ko. Gusto kong rendahan ang puso ko ngayon pa lang. Ayokong mahulog at masaktan sa mga ginagawa niya pero, hindi ko rin inasahan na darating ako sa puntong mamahalin ko siya.
Natapos ang party na masaya ang bawat isa. Medyo napagod ako kaya nauna na akong umalis ng venue at hinayaan kong makipag halubilo si Terrence sa mga bisita. Pagpasok ko sa loob ng room bagsak agad ako at nakatulog.
KINABUKASAN
Nanginginig ako sa lamig ng aircon at medyo mainit ako ng salatin ko ang noo ko. Babangon sana ako kaso nabubuwal ako. "Uhmm! Nanlalabo ang paningin ko hanggang sa may bulto ng tao ang pumasok at hindi ko na alam ang susunod na nangyari.
Nagising na lang ako na nasa harapan ko na sina Lolo at Terrence kasama ang doktor na nag check-up.
"A...Anong nangyari?" tanong ko.
"Nahilo ka Sands, okay ka na ba ngayon? May sakit ka pala bakit hindi ka tumawag sa amin?" tanong ni Terrence.
"M-Medyo okay naman na pero, masakit pa rin ang ulo ko." sagot ko.
"Magpahinga ka na lang muna, hija. Nandito naman si Terrence hindi ka niya iiwan." sagot ng Lolo ko.
Ngumiti lang ako kay Lolo at umalis na rin siya. Hinatid siya ni Terrence sa labas. Pakiramdam ko nga kaya siguro ako nilagnat, dahil sa ginawa niya kagabi. Sariwa pa sa alaala ko ang pagdila niya sa labi ko.
Nang makabalik ito nagtulog tulugan na lang muna ako. Hinaplos niya ang ulo ko sabay sabi na; "Sleep well, Sandz. I'm here."
Dama ko ang init ng buga ng hininga niya. Pero, nagkibit balikat ako at nanatiling nakapikit ang aking mga mata.
Nakikiramdam ako kong ano ba ang gagawin niya ng marinig kong tumunog ang pintuan at mukhang lalabas ito. Napalingon ako sa labas at nakita kong kakasara lang ng pintuan. Napabangon ako at sinalat ang noo, leeg at maging ang kilikili ko. Medyo bumaba na rin ang lagnat ko. Kasalukuyang nag-aayos na ako ng gamit ko para ma-i-discharge na ako ng dumating ito at nagmamadaling hawakan ang kamay ko.
"Are you okay now? Don't move fast, Sandz. Baka mahilo ka na naman." paalala niya at alam kong nag-a-alala siya sa kalagayan ko.
"No worry. I'm okay now, Terrence. Gusto ko na umuwi at sa bahay na lang muna ako ni Lolo magpapagaling. Pwede mo bang tawagan si Lolo?" ani ko. Pakiramdam ko kasi pag nasa ospital ako lalo lang akong magkakasakit. Mas mainam nang umuwi na ako.
"Are you sure? Baka pag inuwi kita mapaano ka naman. Hindi na kita mababantayan sa bahay ng lolo mo at may meeting na rin ako." aniya.
"Oo, okay lang. Hindi mo naman ako kailangang alagaan pa. Kaya ko naman ang sarili ko at isa pa kasama ko naman sila Manang sa bahay ni Lolo kaya hindi ako mapapaano doon."sagot ko para hindi na rin ako makaabala sa kan'ya, lalo na't sinabi niya ring may meeting siya at hindi ko na kailangan pang mag paalaga dito. Hindi naman niya ako kailangang bantayan pa.
"Okay, wait I will settled your bills and I will call your Lolo after." sagot niya. Tumango lang ako at tanda na pumapayag ako sa sinabi niya. Wala rin naman akong choice at wala akong dalang pera dito. Haixt!! Babayaran ko na lang siya pag naiuwi niya na ako.
Lumabas na ito ng room at nag ayos na rin ako ng sarili ko. Maya maya lang bumalik ito kasama ang nurse na magtatanggal ng swero ko sa kamay.
"Hi! ma'am, hingang malalim ha. Aalisin ko na ang swero mo." aniya. Sinunod ko ang sinabi niya kaso medyo malikot ako kay sumirit ang dugo mula sa kamay ko na inalisan ng swero. Nakita kong nagpanic si Terrence at agad lumapit sa akin. Kong wala lang kaming contract na pinirmahan iisipin ko na totoo lahat ng ipinapakita niya sa aking pag-a-alala kaso alam ko naman na umacting lang siya para mas convincing ang drama namin. At walang makahalata sa mga plano naming dalawa. Na kami rin naman ang magbebenefits in the end.
"Are you okay?" tanong nito.
"Okay lang ako." sagot ko dito. Inayos na rin naman ng nurse ang pagkakalagay ng bulak sa kamay ko at dinagdagan pa niya ng paper tape para mas makapit ito sa balat ko at hwag nang matanggal.
"Pakidiinan na lang po ma'am." aniya.
Sinunod ko naman ang sinabi nito at hindi na nga siya dumugo pa. Tumayo ako at inalis ang suot na lab gown. At nagulantang ako ng makitang naka short lang pala ako.
"Terrence, bakit wala akong suot na pants?"
"Ahmm! I don't know Sandz. Wait nagpadala naman ako kay Ate ng susuitin mong pamalit. Ang mabuti pa hintayin na lang muna natin siya bago tayo umalis. Okay ba 'yon sayo?" tanong niya ulit sa akin. As if naman may choice ako kaya ngumiti na lang ako sabay sabi na; "Yah!"
Natahimik na kaming parehas at walang may gustong magsalita sa aming dalawa. Maliban na lang ng dumating si Manang dala na ang gamit ko.