Ilang araw na ang nakalipas ng naganap ang halik na pinagsaluhan naming dalawa ni Terrence, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kong bakit ako nagkakaganon. Ang alam ko it just a dare lang naman. A contract, a fake wedding and so on. Pero, bakit ang sakit sakit na makitang may kasama siyang ibang babae. Kanina kasi sa Mall lalapitan ko sana siya kaso may kasama siya at mukhang bata pa nga sa akin. Nagtatawanan silang dalawa, hindi pa nga kami nakakasal nagkakaganito na ang nararamdaman ko. Arggh!! "Sandra, wake-up! You, listen to me. Hindi ka dapat nagkakaganyan. After all walang kayo, walang namamagitan sayo ng lalaking 'yon. You help him and he helps you. That's it!!" paulit ulit kong inuukol sa isipan ko. Ayokong magmukhang tanga sa harapan niya. Ayokong makaramdam ng ganito, dahil hindi dapat. Hindi dapat, hindi..
Iwinaksi ko na lamang ang nakita ko kanina at nag patay oras ako sa loob mg kwarto. Wala ako sa mood mag gagala kahit anong ayaw nila sa akin. Gusto ko lang matulog nang matulog pa. Bukas na kasi ang engagement party namin ni Terrence at napa alam ko na rin ito kay Madam Ursula, mabuti na nga lang mabait ito sa akin at hindi ko alam ang gagawin kong magkataong hindi siya pumayag sa kasunduan namin. Basta ang bilin niya sa akin na pwede akong magpakasal pero, wala munang baby. Gusto ko sanang masamid sa sinabi nito at wala naman talagang ganon na mangyayari. Two years lang ang usapan namin na valid ng contract namin at malaya pa rin naman kaming magagawa ang gusto namin. Hindi kami titira sa isang bahay kasama yon sa rules ko at ayokong katabi siya matulog. Uuwi pa rin kami sa sari sarili naming bahay na pumayag naman siya.
Sa kakaisip ko hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako.
KINABUKASAN
Maaga pa lang at abala na kami sa pagkain at mamaya nga ay may rehearsal na naman kami. Pukpukan na ang ang practice at malapit na raw ang fashion week. Kailangang galingan raw namin para mas sumikat pang lalo ang mga damit na minomodel nila. Nakita ko sila Yuki nauna pang nagising sa akin.
"Yuki, aga mo yata nagising ah. Himala yan." pabirong tanong ko kaso bigla naman itong sumimangot sa akin at sabay walk-out. Napakunot noo tuloy ako sa ginawa nito.
Luh! Anong problema ng gagang 'yon. Ngayon lang ata nawala sa mood ang isang 'yon. We're closefriend since day one na tumapak ako ng Europa. Mga Pinay kami na nakipag sapalaran dito. Pero, iba naman ako sa kanila may Lolo ako dito na nakatira at mostly sa sides ng Mommy ko ay nandito rin halos lahat. Si Mommy ko lang naman ang napadpad sa Pilipinas gawa ng minsang nagbabakasyon daw siya sabi nila sa akin sa Aklan, may kilalang beach kasi doon at maraming nagpupunta talaga at doon nakilala niya si dad ko at ayon nagkamabutihan sila at 'di naglaon nabuntis si Mommy at nagpakasal sila ni dad and the rest is history.
Naupo ako sa sofa para magpatay oras ng tumunog ang cellphone ko. At hindi ko na tiningnan kong sino ang natawag at alam ko naman kong sino ang natawag sa akin.
"Hello! Sandra, susunduin kita mamaya. Hwag kang aalis muna. May mga kailangan tayong pag-usapan." paalala niya sa akin.
"Okay, but I have a rehearsal today. Anong oras ka ba magsusundo?" tanong ko dito.
"Siguro, after work ko sunduin na kita. Bakit namimiss muna ako??" hirit na asar nito. Gusto kong mabweset sa narinig ko na sinabi niya kaso bumanat pa ulit na; "I Miss You, too. Sige, na e-end ko ang call button. See you, later! Mi Amore!" huling wika niya bago pa mawala sa linya.
Pasimple naman akong natawa ng pagak. Siguro kong talagang may relasyon kaming dalawa, baka kinilig pa ako. Pero, sa sitwasyon namin ngayon. Medyo malabo na talaga. After two years lagi kong tatandaan na mag e-end ang contract namin at magkakahiwalay na kami ng landas.
Nanuod na ako ng palabas ng magkaroon ng balita. Hindi ko alam kong anong balita ito kaya nakinig na lang rin ako. As usual mga balita sa Pinas ang madalas kong pinapanuod. At na shock ako sa nakita ko. "OMG! Nagkita na si Drake at si baby Nathaniel??? Imposible, nasaan si Gillian??" mga tanong na bumabagabag sa aking isipan ng mga sandaling 'yon.
Nakinig pa ako hanggang sa nagsalita si Nathaniel ang batang iniwan ko at akalain mo 'yon kamukhang kamukha siya ng daddy Drake niya.
"Mr. Nathaniel, paano mo nalaman na isa ka pa lang Saavedra??" tanong ng host kay Nathaniel.
"Actually, hindi ko po alam ma'am. Lumaki ako sa hirap kasama ang aking Mama Gillian na ngayon ay matagal ng namayapa." sagot niya at hindi maiwasang maging emosyonal kapag naitatanong ang Mama nito. Napa hawak ako sa bibig ko at bigla na lamang tumulo ang luha ko nang malaman kong patay na ang kaibigan ko at base sa kwento ni Nathaniel naghirap sila. I felt guilty sa nangyari sa kaibigan ko. Hindi niya deserve palayasin sa Mansyon nila. Pero, nagpapasalamat pa rin ako sa kan'ya kasi inalaagaan niya ang bata at hindi pinabayaan man lang.
"Nakaka lungkot na pangyayari." ani ng host.
"Mabuti Mr. Drake nahanap mo ang anak mo. Sa tagal ng panahon. Paano mong nalaman na mag-ama kayo?" tanong ng host kay Drake.
"Well, he's been working in my company as janitor. The very first time that I lay my eyes on him. I feel something connection between yong tinatawag nilang lukso ng dugo. Ang nakakatawa pa roon kasi nakikita kong close sila ng asawa kong si Hannah, muntik ko ng pagselosan ang sarili kong anak. Good things happen, may nalaman ako sa bestfriend ko at doon ako nagstart na magpa imbestiga at ipa DNA Test kaming mag-ama na hindi alam ng asawa ko. I kept it in her, ayoko kasing umasa at masaktan na naman ang asawa ko. I know it's been too painful to her and to me nang inakala naming patay na ang anak namin at nakasama sa nasunog sa ospital. But, luckily nabuhay siya. Itinago siya sa amin pero, hindi ko magawang magalit sa taong 'yon. Kundi dahil sa kan'ya wala na talaga ang anak naming si Nathaniel." mahabang sagot at paliwanag ni Drake sa host ng talk show.
Tatapusin ko pa sana ang panunuod ng tawagin na kami ng assistant ni Madam Ursula at pinapasabi na mag ready na at darating na ang sasakyan na magsusundo sa amin sa rehearsal. Agad kong minessage si Terrence at baka dito naman kasi siya magpunta. After kong mag iwan ng messages dito pumanhik na ako sa taas para mag ayos ng mga gagamitin ko sa rehearsal.