Chapter 16

1133 Words
Matapos ang ginagawa ko sa opisina lumabas na ako ng company at sumakay sa sasakyan ko sabay pinasibat agad papalayo sa kumpanya. Naisipan ko munang dumaan sa flower shop para bigyan ng bulaklak si Sandra, ang fiance' ko. Baka sabihin niya hindi man lang ako nag e-effort para sa aming dalawa. Habang nagdadrive ako sinadya kong puntahan ang flower shop, medyo out of way kasi siya sa pupuntahan kong location na tinext sa akin ni Sandra pero, gusto kong bumili talaga para ibigay dito. Nag-iba ako ng daan at tanaw ko na rin ang flower shop at doon ko balak magpa arrange ng flower para kay Sandra. Nang makarating ako doon nagpark muna ako. Naglakad ako palabas ng kotse ng masigurado kong okay na ang pagkaka park ko ng sasakyan. Diretso ako na naglakad sa loob ng shop at inassist naman agad ako ng staff. Medyo kilala na ata nila ako at dito nagpapagawa ng flowers ang mga kilala ko. Naupo muna ako habang hinihintay ang bulaklak. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Sandra kaso hindi naman ito nasagot kaya hinayaan ko na lang muna. Malayo layo pa rin naman ako at iba ang way nitong shop. Gusto ko lang dito magpa arrange at alam ko na kasi kong paano sila gumawa at masasabi kong quality ang mga ginagawa nila dito. Kinuha ko ang magazine na nasa ibabaw ng table. At napakunot ang noo sa nakita ko. "Hmm! Nagbalik na pala siya." usal ko. Ang tinutukoy ko ang babaeng nagwasak ng puso ko 5 years ago. She's my ex-girlfriend Kylie. She left me without saying anything. Napa ismid ako ng malaman na nagbalik na siya. Ibinaba ko na ang magazine ng tawagin ng staff ang pansin ko kaya tumayo ako at nagpunta doon. Tapos na pala ang pina arrange kong bulaklak at ibinigay na rin ito sa akin. Inabot ko ang card ko at agad naman nitong swinipe sa scan coder ang card ko at ibinalik rin nito agad sa akin. Kinuha ko ang wallet ko sa likod ng pocket na suot kong slacks sabay balik binalik ko ulit doon ang aking card. Hawak ko ang bulaklak at naglakad na ako palabas ng shop at dumiretsong naglakad patungong sasakyan ko. Inayos ko lang ang pagkakalagay nito sabay pinaharurot ko na rin ang sasakyan. Diretso na ako sa location kong saan ko susunduin si Sandra. May two hours pa naman ako at hindi pa ako late. Pakanta kanta pa ako at sinasabayan ang music sa phone ko. Mahilig kasi ako sa kanta kaso ang kanta naman ang walang hilig sa akin. Dinama ko ang ganda ng lyrics ng bawat kanta at dahil dyan hindi ko na namalayan na malapit na pala ako dito. Itinabi ko na ang sasakyan ko para magpark. Kinuha ko na ang bulaklak at naglakad na ako patungo roon. Naabutan kong nakatayo na si Sandra sa labas. "Kanina ka pa ba naghihintay sa akin?" tanong ko. "Hindi naman katatapos lang rin ng rehearsal." sagot niya. "Okay, good. Para sayo pala." wika ko sabay abot ng bungkos ng mga bulaklak na itinago ko muna sa likuran ko. "For me. Why??" tanong pa nito sa akin. Imbes na abutin na lang. "Yes, for you. Hindi mo ba nagustuhan?" tanong ko dito. "Hindi naman. Maganda na gustuhan ko, salamat ha. Nag abala ka pa talaga." sagot niya. Maya maya lang nakita kong lumabas si Yuki. Yukirama is my friends lil-sister. We met in Kairo's birthday. "Hoy! Sinong tinitingnan mo dyan?" tanong niya sabay lingon sa likuran niya. "Si Yuki. Magkakilala kayo??" tanong niya. "Yah! Kapatid siya ng friend kong si Kairo." tipid na sagot ko. "I see. Ka team ko kasi siya, wait tatawagin ko lang." aniya. "Yuki, come here." tawag nito kaso parang nakita kong tumaas ang kilay ni Yuki. "Hi! Terrence, sinusundo mo ba si Sandra?" tanong ni Yuki. "Yes! Yuki! Ikaw, anong ginagawa mo pala dito?" tanong ko. "Nag rehearsal ako--" "Kasama ko siya sa team." singit ni Sandra. "Hmmm! Ikaw ba ang kinakausap?" mataray na tanong ni Yuki kay Sandra. "Sorry, Yuki hindi ko sinasadya." hinging paumanhin ni Sandra sa pagsingit niya sa usapan naming dalawa ni Yuki. "Hmmm! Palagi ka namang attention seeker." iritableng sagot ni Yuki. Kaya bago pa sila magka iringan iniwas ko na si Sandra dito.. "Sige na Yuki, mauna na kami ni Sandra. Bye! Paki sabi na lang kay Kairo na kinakamusta ko siya.." "Okay.." Nginitian ko lang si Yuki at hinawakan ko na ang kamay ni Sandra para alalayan ito sa paglalakad medyo mataas kasi ang stilleto na suot nito. Hanggang sa makasakay sa front seat inalalayan ko ito. Inayos ko rin ang bulaklak para makaupo siya ng maayos. "Okay ka na ba?" tanong ko dito. Tumango tango lang siya at mukhang wala siya sa mood, dahil sa mga sinabi ni Yuki. "Hmmm! Akala ko ba friend kayo?" hindi ko mapigilang maitanong sa kan'ya. "Oo, ewan ko ba doon. Hayaan mo na nga siya. Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong niya. "Sa fashion designer para magsukat ka ng gown na gagamitin mo sa enggagement party natin." sagot ko dito habang nagdadrive ako. Salubong ang kilay na sinabi nito na; "Huh! Kailangan pa ba 'yon. Hindi naman real enggagement party ang mangyayari sa atin. Hindi mo na dapat pagka abalahan pa." sagot niya. "Sandra, we have to. How can I convince my abuelo if our party is simple." paliwanag ko dito. "Fine! Fine! Ikaw na ang masusunod." labas sa ilong na sagot nito. At alam ko naman na gusto niya ring magprotesta kaso tama naman talaga ako. "Okay, malapit na rin naman tayo." Nang malapit na kami doon sinabihan ko na siya. "Be, ready at malapit na tayo." ani ko. Baka kasi matulog pa siya at mahirapan akong magising ito. Naalala ko pa naman ng binuhat ko siya noon maagaan naman siya kaso naiilang lang ako sa laki ng dibdib niya. Nagpark na ako at inaya ko na siyang bumaba ng sasakyan. "Thank you." aniya. Hanggang sa makapasok kami ng shop inalalayan ko siya, dahil nakita kong nahihirapan na siya sa suot niyang stilleto na pagkataas taas. Matangkad na nga siya nagtaas pa ng heels. "Kaya mo ba? Wala ka bang extra sandals na mas mababa pa na heels o flat shoes." tanong ko para makapag palit na ito kaso umiling iling siya sa akin hanggang sa sumagot ito na; "Wala e, nakalimutan kong magdala. Haixt." sagot niya sabay mahabang buntong hininga. Pagpasok namin sa loob inasikaso naman agad kami ng staff at tinuro kay Sandra ang mga gown na pwede niyang i-fit kasi kong magpapagawa pa kami ng bago hassle na. Malapit na ang enggagement party naming dalawa na pinahanda pa ng Lolo ko. Hindi naman talaga siya excited na mag-asawa na ako at halos pagtabuyan na nga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD