Chapter 14

1044 Words
"Kayo ho, hindi po ba may taning na ang buhay niyo?" tanong ni Sandra. "Aba'y! Saan mo naman nalaman yan hija?? Tingnan mo nga ako at malakas pa ako sa kabayo." biro ni Lolo pero, alam ko mapipikon na siya. "Kay Terrence po." sagot ni Sandra. Napatingin sa akin si Lolo ng masama. "Hijo, mag-uusap tayo mamaya." mariing wika ni Lolo. "Yes po, Lo." sagot ko at natahimik na lang. Ngayon pa lang nag iisip na ako agad kong anong ipapaliwanag ko dito. Mas naging close pa yata sila ng lolo ko kumpara sa akin. Hinayaan ko na lang muna silang magbonding at sa tingin ko naman nakuha na ni Sandra ang loob ng lolo kong pihikan. Mas okay naman sa akin 'yon. At hindi ko na kailangan pang maghanap ng bagong babaeng ihaharap sa kan'ya. Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila at hindi ko alam kong ano nga bang pinag-uusapan nila at mukhang di nila ako nakikitang dalawa. "Hijo, nice choice." sagot ni Lolo. Hindi ko alam kong ano bang sinasabi niya kong about ba kay Sandra o sa ibang bagay. Nginitian ko lang siya at nagpatuloy ako sa pagkain. Maya maya lang nagtanong si Lolo sa amin na; "Hijo, kailan niyo ba balak magpakasal? Ang enggagement party niyo kailan? Bilis bilisan niyo ng makita ko na ang apo ko hehehe." sunod sunod na tanong ni Lolo. Hindi agad ako nakasagot at pinagmamasdan ko si Sandra kong ma-o-offend ba siya sa sinabi nito. Ngunit nagulat pa nga ako ng sakyan niya ang trip ng lolo ko. "Ilang apo ho ba ang gusto niyo?" tanong ni Sandra dito at ngumiti din si Lolo. "Ikaw hijo, makaka ilan ka ba??" sabay baling na tanong sa akin ni Lolo at napalagok ako ng tubig ng hindi sinasadya. Kinabahan yata ako sa tanong nito. Parang gusto pa akong i-pressure ni Lolo. "Ahmm! Unti lang po Lo, kong ilan ang kakayaning dalhin ni Sandra." sagot ko. Para mabaling sa kan'ya naman ang tanong. Nakakagulat ang mga tanungan ni Lolo, kanina kasal ngayon apo na agad. Ibang klase talaga si Lolo, kong noon sa akin niya lang sinasabi ito. Hindi ko akalain na pati kay Sandra, mabuti na nga lang hindi pikunin ito. At nakikita kong nakiki ride on siya sa Lolo ko. "Mga lima siguro kaya na hehehe." sagot niya sabay tawa at natawa na lang rin ako sa mga pinagsasabi nito. Parang totoo talaga at paniwalang paniwala si Lolo sa drama namin. Pero, alam kong hindi naman matutupad 'yon kasi after ng fake wedding namin ay maghihiwalay rin agad kami. Ayon sa napagkasunduan naming dalawa na pinirmahan namin. At hindi pwedeng mabali 'yon, dahil kong sino ang makakabali magbabayad ng danyos na aabot ng mahigit ilang Milyon. Nang matapos ang masayang dinner namin. Nagpaalam na kami kay Lolo at medyo late na rin kailangan na nitong magpahinga at maging ako. Nang makalabas kami ng Mansyon pinag buksan ko si Sandra ng pintuan ng sasakyan at pumasok naman ito sa loob at hindi nagreklamo. Pinaandar ko na ang sasakyan papalayo ng Mansyon nito at buong byahe kaming tahimik na dalawa hanggang sa magsalita ito at magtanong na; "Bakit ka nagsinungaling sa akin about your Lolo's condition?" tanong nito at hindi agad ako nakapag salita. Wala kasi akong maapuhap na sagot talaga. "Kasi naman baka hindi ka sumama. Sorry, Sandra, naiipit na kasi ako sa sitwasyon. Pero, salamat talaga at naging okay ang usapan niyo ni Lolo." sagot ko. "Hmm! Sa uulitin magsabi ng totoo. Anyway, mabait at malakas ang sense of humor ng Lolo mo same as mine. Mukhang magkakasundo sila kapag nagkita silang dalawa." sagot nito. "Ahhmm! I don't think so. Pihikan ang Lolo ko at natuwa nga ako ng makasundo mo siya. Anyway, paano magpapa engagement party pa ba tayo? Hindi ba kabawasan sa career mo kong malalaman nilang mag-aasawa ka na?" tanong ko dito. At ayoko naman masira ang career nito ng dahil lang sa fake wedding namin. "Ahmmm! Hindi ko pa alam pero, kakausapin ko pag uwi si Madam Ursula. Ikakasal lang naman tayo diba hanggang doon lang 'yon." sagot niya. "Oo, naman! Unless gusto mong--" sagot ko at sinadyang bitinin ang sasabihin ko. Nakita kong kumunot ang noo nito sabay sabi na; "As you wish ma fall ako sayo. Sa katulad mong--" hindi ko na siya pinatapos pa at itinabi ko ang sasakyan sabay sinunggaban ko ng halik ang naka awang niyang labi. Ewan ko ba bigla na lang may kong anong nag udyok sa akin na halikan ko siya. Sa una ay parang nagpipigil ito hanggang sa nararamdaman ko na ang pag galugad ng dila niya sa loob ng bibig ko. Kaya mas pinalalim ko pa ang halikan naming dalawa hanggang sa kapwa kami habol hininga ng makawala ang labi sa bawat isa. Nang matauhan ako agad akong humingi ng; "Look, Sandra. I'm sorry. Hindi ko sinasadya at hindi na mauulit." sagot ko sabay sinimulan ko na ulit paandarin ang sasakyan papalayo ng masukal na daan. Hanggang sa hindi na rin ito umimik pa. Nang nakarating kami ng Mansyon ng Lolo niya..Dito ka na muna siya hinatid para makapag pahinga na rin siya. Nang paglingon ko sa kan'ya. Nahihimbing na palang natutulog ito kaya naman wala akong choice kundi buhatin siya. Katulong na lang ni Mr. Schmidt ang nag asikaso sa amin at tinuro lang nito ang room ni Sandra kaya pumanhik na rin ako sa taas habang karga ko siya. Nang pumasok ako sa elevator pinindot ko lang ang number two button, dahil naroom raw ang room nito. Pagbukas ng elevator lumabas na ako at naglakad at hinanap ang pangatlong kwarto na sinasabi ng katulong kanina. At nang makita ko ito agad kong binuksan ang seradura at maingat kong ginalaw ang isang kamay ko habang inaalalayan namaa ng tuhod ko ang pwet-an niya. Mabuti na lang mahimbing ang tulog niya kundi baka inaway na ako nito pag nalaman niyang ganito ang ginagawa ko. Inihiga ko na siya sa kama at inayos ko ang kumot niya sa katawan. At nang paalis na ako hinawakan niya ang kamay ko sabay sabi na; "Terrence!" nang lingunin ko siya tulog na tulog pa rin ito. Napangiti ako na ako ang laman ng panaginip niya. Naglakad na ako palabas ng kwarto nito na nakangiti pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD