Nag tungo muna ako sa opisina at magtatrabaho muna ako at mamaya pa naman ang dinner namin with Lolo. Nang makarating ako ng opisina nagpark lang ako ng sasakyan at bumaba hanggang sa maglakad papasok sa loob ng kumpanya at maging sa opisina ko. Nakita kong tambak ang mga files sa desk ko at agad kong hinanap si Analia.
"Analia, where are you??" tawag ko sa pangalan nito. Ngunit hindi ito nasagot man lang kaya baka wala ito doon at hindi naman nagsabi sa akin na hindi siya papasok ngayon.
Nagsimula na akong mag open ng computer at nag basa ng unang folder at okay naman sa akin kaya agad ko itong pinirmahan at itinabi sa gilid ng desk ko. Para malaman ko kong ano na ang mga natapos ko sa hindi. Ayoko ng paulit ulit na trabaho at naiirita talaga ako. Nang matapos ko ang iba pang files at hindi pa rin nagpapakita sa akin si Analia. Natigil ako sa ginagawa ko at kinuha ko ang cellphone ko na nasa tabi ko. At dinial ang number ng cellphone nito kaso lang operator lang ang nasagot sa akin. Gusto kong mainis kaso hinayaan ko na lang inisip ko na lang na baka may mahalaga siyang ginawa o emergency kaya hindi na rin ito nakapag paalam sa akin. Wala akong karapatang mainis dito kasi simula ng nagwork siya sa akin bilang secretary ko ay ngayon lang ito nag absent. Napaka sipag nito at maasahan ko talaga sa lahat ng oras.
At dahil sa dami ng trabahong ginawa ko, saka lang ako nakaramdam ng pagod kaya heto tumigil na muna ako at lalabas ako sana para kumain ng pumasok si Analia sa pintuan.. I was stunned and mesmerized her look and attire now. From Manang na always wear her eye glass with turtleneck longsleeve na parang ayaw padapo ng lamok sa balat at ang mahabang skirt niya hanggang floor into a fine young lady wearing her sexy outfit. Nagtataka ako kong bakit siya nakaganyan, hindi naman siguro niya birthday ngayon para magsuot ng ganyang outfit. At aamin ko muntik ko na siyang hindi nakilala.
"A...Analia, is that you???" di makapaniwalang tanong at naninigurado na rin at baka may nakapasok na ibang tao sa loob ng opisina ko.
"Yes, sir, do you like my outfit for today? How about my look. Do I look attractive now??" sunod sunod na tanong niya habang nalapit sa akin at hanggang sa unting dipa na lang ang agwat naming dalawa at mahahalikan ko na siya kaya napaupo ako sa couch.
"A...Analia, wait birthday mo ba today?" tanong ko. At ngayon ko lang kasi siya talaga nakitang ganyan. Sa tagal niyang naging secretary ko from ojt days hindi talaga siya ganito kaya nagtataka ako.
"No, sir. I just want to--" sagot niya at sinadyang bitinin pa ang ibang sasabihin nito sa akin. Kinabahan tuloy ako at bakit pakiramdam ko inaakit niya ako na hindi.
"Analia, by the way. I have a dinner with my abuelo so, cancel all my apppointment tomorrow." biling ko bago ako tumalikod papalayo dito. Nakahinga lang ako ng maluwag ng mawala siya sa paningin ko.
Agad akong sumakay ng kotse at pinaharurot ito. Hindi pa sana ako aalis ng company kaso naasiwa na ako sa mga sinasabi at ikinikilos ni Analia. She's totally weird today. And I don't understand it.
Nang makarating ako sa restaurant nag order agad ako pagkapasok at pagkahanap ng table ko. I want solo table para makapag isip isip pa ako. Mamaya susunduin ko na lang rin ng maaga si Sandra para naman hindi masyadong late kong makakarating kami sa bahay ng abuelo ko.
Nang dumating ang order ko kumain agad ako at hindi na nagpatumpik tumpik pa. Nanuyo yata ang lalamunan ko sa pag iwas ko kay Analia kanina. Inenjoy ko na lang ang pagkain ko hanggang sa makatapos ako at tumambay muna ako ng ilang minuto bago ako nagtungo sa lokasyon kong saan naroon si Sandra. Siguro naman tapos na rin ito na magreahearsal.
Malayo pa lang ako panay ring na naman ng cellphone ko at ayokong sagutin ito, dahil alam ko si abuelo lang ito. Hinayaan kong magring ang cellphone ko at nang makarating ako sa room sarado na ito. Kaya kumunot ang noo ko at bumalik sa sasakyan at doon ko na nalaman na si Sandra pala ang natawag sa akin. Binasa ko ang text messages dito. At nabasa ko na (Meet me at the Mall.) Napakamot na lang talaga ako ng ulo sa inis na nararamdaman ko. Haixt!!
Nagdrive na ako patungong Mall mabuti na nga lang 10 to 20 minutes lang ang layo nito sa location at kong hindi baka mabweset talaga ako dito.
Pakanta kanta pa ako kanina para iwas bored tapos wala pala akong dadatnan mula dito. Nang makarating ako sa Mall nagpark ako at lumabas ng sasakyan. Dinial ko ang cellphone number niya para tanungin kong nasaan nga ba siya at wala naman kasi siyang nabanggit sa akin kong saan siya banda sa loob ng Mall. Sa lawak nito ayoko namang maghanap san kan'ya. Mabuti na nga lang sumagot agad ito at sinabi niyang nasa pizza room siya kaya agad akong nagtungo doon para sunduin na rin ito. Naabutan ko siyang nakain at nakiupo ako.
"Good listener ka pala." wika niya at hindi ko alam kong iniinis ba niya ako ngayon.
"Matagal ka pa ba?" tanong ko.
"Anong sa tingin mo. Nakita mo ngang wala pang bawas ang pizza ko." mataray na sagot niya. "Sige, saluhan mo muna ako." yakag nito at himala yata at hindi siya allergy sa akin ngayon.
"Salamat," sagot ko sabay kuha ng isang slice at nagutom rin ako sa byahe.
Nakita kong tahimik itong nakain at tila ninanamnam nito ang kan'yang kinakain.
"Gutom ka ba??" tanong ko.
"Hindi gusto ko lang kainin ito at bawal na kapag malapit na ang fashion week. Hindi kami pinapakain ni Madam Ursula na makakasira sa katawan naming mga models niya." sagot nito.
"I see." sagot ko naman at wala naman akong alam sa mga ganyang bagay.
Nang matapos itong kumain niyakag ko na siya na umalis. Aalalayan ko sana siya kaso ayaw niya kaya daw niya at nanahimik na ako.
Pinapasok ko siya sa loob ng kotse at nainis ako ng sumakay ito sa likod. "Sandra, how many times I told you that I'm not your f*****g driver." iritang sagot ko at alam naman niya na ayaw ko at nanadya lang ito para inisin ako ng inisin at tagumpay talaga siya nainis na naman niya ako. Haixt!! Napabuntong hininga na lang ako ng lumabas ito at pumasok katabi ko na. Hindi ko na siya pinansin pa kahit anong dinadakdak niya.
Nang malapit ba kami sa bahay ni Lolo mas natahimik na rin ako. Nauan itong bumaba ng kotse at sumunod naman ako. Pagpasok namin sa loob nakita ko ang pagsilay ng ngiti ni lolo.
"Lo, this Sandra my fiance' proud na pakilala ko dito. Nakita kong nagulat ito pero, saglit lang naman at ngumiti.
"Nice, come in." yakag nito sa amin.
Pumasok na ito at nauna sa akin. Dinala kami ni Lolo sa dining area at nagulat ako sa dami ng pagkaing nakahanda. Ano bang meron? Nagtatakang tanong ko sa sarili. Habang nakain na kami nagsimula ng magtanong si lolo hanggang sa nakapalagayan na yata nila ang bawat isa at ako ay naging tagapakinig na lang nilang dalawa. Hanggang sa magkulay suka ang buong mukha ko ng sabihin ni Sandra na; "Lo, magpagaling po kayo ha. Hwag niyong isiping may taning na ang buhay niyo. Nandito po kami ni Terrence para alagaan po kayo." madamdaming wika ni Sandra na kinakunot ng noo ni Lolo sabay sabi na; "Sinong may taning ang buhay???"
Habang ako ay gusto na lang umalis at lumipad sa kalawakan. Nakita ko kasi ang tingin na masama sa akin ni Sandra.