Narinig ko na lang tumigil ang pag tunog ng engine ng makina ng sasakyan nito. Hindi ko alam kong nasaang parte kami na lugar pero, ang alam ko lang talaga nakakabweset siya para i-blackmail ako.
Buong byahe lang akong nakasimangot at hindi ko siya pinansin after niyang sabihin sa akin lahat ng 'yon.
"There we are." sagot niya at hindi ko naman siya pinapakinggan. Nakita kong bumaba ito at hindi naman ako sumunod. Bakit pa nakakainis lang naman siya. Hindi niya nga ako tinanong sa gusto at ayaw ko.
"Baba ka ba o hindi? It' getting late now." masungit na tanong nito sa akin. Hindi ko pa rin siya pinansin at nagbingi bingian lang ako.
"Miss Sandra, baba ka o hindi." ulit na tanong niya sa akin. At natutulilig na ang tainga mo kaya bumaba na rin ako.
"Heto na baba na nga. Nasaan ba kasi tayo?" bulyaw na patanong ko dito. Hindi kasi ako pamilyar sa lugar na 'to.
"Bumaba ka na lang bakit ba ang dami mong tanong dyan. Wala naman akong balak sayo. Ikaw lang naman 'tong aggresive.." pang-iinis niya sa akin kaya lalo akong hindi bumaba at hinayaan ko siya. Bweset siya e, nakakairita talaga. Nagsisi ako kong bakit ako sumama sa kan'ya at nakakairita siya talaga.
"Miss Sandra, look I don't have time to argue to you. Baba ka ba dyan o gusto mo pang buhatin kita?" tanong nito sa akin na aakma na bubuhatin na ako kaya nag desisyon na rin akong bumaba.
"Hmmmp! Fine!!" bulyaw ko dito sabay flip ng hair ko at sinadya kong ipasayad pa sa kan'ya.
"Haixt! Ang arte talaga, baba rin naman." pabulong na wika niya na rinig ko naman.
"Nasaan ba kasi tayo? Baka niligaw muna ako ha. Sinasabi ko sayo Mr. Stuart hindi ako basta bastang babae na kaladk--" hindi ko na natuloy ang ibang sasabihin ko ng dumampi ang isang daliri niya sa labi ko. Para akong nakuryente sa ginawa nito.
"Ayan! Kaya mo naman palang tumahimik, bakit hindi ko gawin kanina pa. At kanina pa nasakit ang tainga ko sa kakangawngaw mo para kang bata alam mo 'yon???" wika niya na hindi ko alam kong iniisulto na naman ako.
"Talagang magsasalita ako ng magsasalita, dahil may bibig ako--"
"Yes! I know, Miss Sandra and I saw the hidden one." makalahulugang sagot nito at bweset siya talaga, dahil pinaalala na naman niya ang kagagahan ko. Kaya nga ayaw kong siyang kasama at nanliliit ako sa sarili ko. Hindi ko alam ang gagawin kapag nalaman ng lahat ang ginawa ko, talagang masisira ang career na pinakaiingatan ko.
"Talaga bang pasmado yang bibig mo at hindi mo maawat talaga! Huh!" singit ko kaso dedma lang naman ito.
"You will be shut up! Kita mong may pini film ako." saway niya sa akin.
"Ano ba kasi yang ginagawa mo??" curios na tanong ko. Namangha ako sa ginagawa niya ng makita to. He wae filming the night with so much stars. Nakaka gaan ng pakiramdam.
"Bulag ka ba, nakita mo ng nagpi film ako ng mga stars. This is my favorite to filming the night with a lots of stars. Bihira lang kasi silang magpakita lalo na ang isang 'yon." sagot niya at kahit kailan talaga napaka ng ugali nito. OMG! Ngayon pa lang sumasakit na ang ulo ko kong sakaling magpanggap kaming mag-asawa nitong bweset na lalaki na 'to.
"Fine!!" sagot ko at nakinuod na rin ako. In fairness sa taong 'to maayos naman kausap. Hindi nga lang madalas pero, pwede nang pag tyagaan.
Nang matapos itong mag filming bigla itong humarap sa akin.
"Did you like it??" tanong niya.
"Ang alin ba???" wala sa sariming sagot ko.
"Hmmm! Yong stars, alangan naman ako. Ah! Gets ko na. Ako ang pinag masdan mo buong gabi. Aminin muna gusto mo bang ulitin natin?" tanong niya sabay lapit sa akin lalo. Sinadya pa nitong ilapit ang bibig niya sa tainga ko sabay bulong na; "I Miss your moaning, darling." pang-aasar niya sa akin kaya lalo akong nabweset. Hindi ko alam kong anong trip niya at bakit niya ako binubweset. Umiwas ako sabay tayo kaso lang medyo clumsy ako kaya napatid ako at natumba. Napa pikit na lang ako handang bumagsak pero, laking gulat ko n may bisig na sumalo sa akin. Nagkatinginan kami ng ilang minuto bago ko siya itulak. Tumayo ako at inayos ang nagusot kong blouse.
"Tingnan mo 'to, siya na nga ang tinulungan siya pa galit. Kayong mga babae talaga hindi maintindihan kong minsan." sagot nito. Parang susumbatan pa yata ako sa tulong niya. As if naman na gusto kong tulungan niya ako.
"Bakit sinabi ko bang saluhin mo ako. Hindi naman diba. Pwede ba iuwi muna ako at gusto ko ng magpahinga. sagot ko dito sabay pasok ng kotse nito at hindi ko na siya ulit pinakinggan pa.
Naramdaman ko ang pagpasok nito sa loob at nagdrive ng tahimik. Wala kaming imikan at wala akong paki kahit mapanisan pa ako ng laway. Ang gusto ko lang ngayon ay makauwi na ako at pagod na rin kasi talaga ako kanina pa. Mahirap rin ang fashion show at bago pa 'yon, ang mga rehearsal pa ng ilang araw kaya pagod na rin talaga ako.
Nang tumigil ang sasakyan nito bumaba na agad ako at hindi na ako naghintay pa na pag buksan niya ako ng pintuan.
"Bye. Thank you for the ride." pasalamat ko pa rin dito kahit papaano.
"Okay." tipid na sagot nito.
Pumasok na ako sa loob ng marinig kong umalis na ang sasakyan nito. Hindi na ako nag abalang maligo pa nag diretso na ako sa kwarto ko at sumalampak hanggang sa ginupo na rin ako ng antok.
Madaling araw ng magising ako at naalimpungatan ng bumaba ako ng kwarto para kumuha ng tubig at nauuhaw ako.
May nakita akong bulto ng tao sa harapan ko. Si Terrence pero, paano naman mangyayari 'yon gayong umalis na ito ng bahay. Kaya hindi ko na lang ito muna ito pinansin pa at nag punta ako sa refrigerator para kumuha ng malamig na tubig at nanuyo na ang lalamunan ko. Nakailang lago ako ng tubig bago mapawi ang uhaw ko. At nang isara ko ang pintuan ng refrigerator nagulat ako ng nasa harapan ko na naman ang aparition ni Terrence. Kaya napasabi na lang ako na; "Alam mo ang cute mo kaso nakakabweset ang ugali mo. Hahaha. Pero, cute ka talaga." ani ko.
Nakatingin lang kasi siya sa akin parang estatwa lang.
"Sige, mauna na ako sayo." sagot ko bago tumalikod paakyat sa kwarto ko. Natatawa pa nga ako kasi para akong tanga na kumakausap lang sa hangin.
KINABUKASAN
Nagising ako sa ingay ng busina ng sasakyan mula sa labas. At hindi ko alam kong sino ang taong umiistorbo ng tulog ko. Napabangon ako at sumilip ng bintana. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang sasakyan ni Terrence mula sa labas ng gate ng Mansyon. Anong ginagawa niya sa labas ng ganito kaaga. Nagtataka man ako pero, wala akong magawa kundi babain ito sa labas at baka mapansin pa siya ng Lolo ko at mapagalitan na naman ako. Kainis!!
Nagsuot muna ako ng nighties dress para pantakip ng katawan ko. Hindi kasi ako nakasuot ng bra pa at nagmamadali na ako baka maka abala ang loko lokong 'yon at panay busina. Nakakairita!!
Paglabas ko ng kwarto hindi ko pinansin ang tawag sa akin ni Manang at heto nga paglabas ko ng Mansyon kitang kita ko ang asungot na sasakyan ng Terrence na 'yon na nasa labas ng gate ng bahay namin. At nag iingay pa talaga. Hindi ko alam kong anong trip niya sa buhay niya at sa akin pa siya nang pepeste.
"Hindi mo ba alam kong anong oras na? Bakit ka nang iistorbo ng ganito kaaga sa bahay ko?" tanong ko dito at hindi man lang buksan ang bintana niya. I'm sure ako pinagtatawanan niya na ako sa loob ng kotse niya, dahil nakikita naman niya ako mula sa loob. Lalo akong nabweset ng bumisina na naman ito. Kaya wala na akong choice kundi katukin ito at nang lumabas ito nanlaki ang mga mata ko ng lolo ko ang nasa loob. Paanong nangyari 'yon??? Gulat na gulat ako at hindi ko alam ang gagawin ko.
"Lo, anong ginagawa niyo po sa loob ng kotse ni Terrence?" tanong ko at hindi pa rin makapaniwala.
"Ah! Wala naman apo nagtest drive lang ako. Napasarap kasi ang kwentuhan namin kagabi ni Terrence at napa inom kaya hindi ko na siya pinauwi pa.
"Ho???" sagot ko.
"Lo, seryoso po ba kayo?" tanong ko ulit at baka nagbibiro lang naman siya. Nang maalala ko ang nakita ko kagabi.
"Hindi apo, bakit naman ako magbibiro. Oh! Nar'yan na pala siya." sagot ni Lolo. At nang mapalingon ako sa likuran ko gusto kong lamunin ako ng lupa na lang ngayon ora mismo.
Nang lumapit ito at nag; "Good Morning, Miss Sandra. Kamusta na ang tulog mo?" tanong nito.
"O..Okay naman, sige may gagawin pa pala ako sa loob." patay malisyang sagot ko hanggang sa nagtatakbo na ako papasok sa loob at nakakahiya ang pinagsasabi ko kanina pati ang suot ko.