Two days Later..
It's a Fashion Show night of course nar'yan si Lolo at si Terrence, gulat na gulat ako ng makita ito pero, kailangan kong umakto na parang wala lang at hindi ko siya nakita. Binigay ko ang best ko ng gabing 'yon at sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko kahit ano pang mangyari. Natapos ang fashion show na nagpalakpakan ang lahat pati na si Terrence. Hindi ko alam kong ano ang ginagawa niya dito pero, hindi na rin ako magtataka kong na invite siya ng lolo ko na manuod.
Nakababa na ako ng stage ng lapitan ako ni Terrence at alalayan patungo sa table nila ni lolo. "Thank you." pabulong na wika ko. Ngiti lang ang sinagot niya sa akin at hanggang sa pag upo ko ay todo alalay ito sa akin. Hindi ko alam kong ano nga bang nakain nito ngayon at kong bakit siya ganitong kabait sa akin. Hindi naman siguro, dahil sa spare ng gulong na binigay ko sa kan'ya at ang babaw naman noon para bigyan niya ako ng importansya.
"Lo, akala ko wala kayo ngayon." patanong na wika ko dito. Hindi ko kasi alam kong bakit siya narito gayong ang alam ko lumipad siya ng bansa.
"Hija, palalagpasin ko ba ito. Alam kong mahalagang araw sayo 'to, hindi ba?" balik na tanong ng lolo niya sa kan'ya.
"Thank you so much Lo. Alam ko naman na hindi mo palalagpasin ito." ani ko. Never naman kasi akong binigo ng lolo ko simula't sapul. He supported me all along. Siya talaga ang number one supporter ko simula ng pasukin ko ang mundo ng pagmomodel nar'yan siya para sa akin.
"Aba! Syempre naman hija. Ikaw ang pinakamaganda sa lahat.." aniya sabay baling na tanong kay Terrence. "Hindi ba hijo? Ang apo ko ang pinakamaganda sa lahat ng rumampa ngayong gabi???" tanong ni Lolo dito. Na medyo abala pala sa cellphone nito kaya hindi niya masyadong naintindihan ang itinatanong ni Lolo sa kan'ya.
"Ah! Ano nga po 'yon ulit. Sorry, may kausap lang, important matter." sagot nito. At napa ismid na lang ako sa sagot nito.
"Nothing. Mr. Stuart." sagot ko at medyo nairita ako sa aksyon niya.
"Lo, may gagawin po ba kayo?" tanong ko dito gusto ko kasing makasama si Lolo pa at sana makaramdam tong Mr. Stuart na to. Hindi ba niya alam naalibadbaran ako sa kan'ya.
"Wala naman apo. Pero, pagod na ako. Bakit hija?" balik niyang tanong sa akin.
"Wala naman po Lo, gusto ko lang mag dinner kasama ka." mas diniinan ko ang salitang kasama ka. Para naman malaman niya na ayaw ko siyang kasama. Ayokong maungakat niya kay Lolo ang kagagahang nagawa ko kundi malalagot ako sa Lolo ko. Mabuti na nga lang hindi ako nabuntis e, paano na kong nag bunga yon sira ang career ko. Pililitin pa ako ni Lolo na magpakasal dito.
"Naku! Pwede bang next time na lang hija. Kong gusto mo si Terrence na lang ang sumama sayo. Para naman magka usap kayong dalawa ng masinsinan." sagot ni Lolo na may pahiwatig ang pag ngisi nito. Alam ko naman na nirereto niya sa akin ito. Kaso hindi ko talaga siya type at naprepreskuhan ako sa taong 'to.
"Yah! I'm free tonight." singit nito. As if naman kausap ko siya.
"Alright. So, I have to go hija. Enjoy with your date. Terrence, ikaw na bahala sa apo ko ha." wika ni Lolo at may pahabol pang bilin dito.
"B..But Lo." alanganing sagot ko kaso hinawakan na ng kamay ko ng Terrence na 'to.
"We have to go sir. Schmidt." aniya bago kami lumabas ng restaurant. Iritang irita ako sa kan'ya pero, wala na akong magawa.
"Get in." utos niya sa akin na mas malamig pa sa yelo ang boses. Kanina lang patawa tawa pa 'to ngayon parang yelo na sa lamig.
Pumasok ako sa loob ng kotse at mabilis niyang pina andar ito papalayo ng sasakyan. Hindi kami nag iimikan hanggang sa basagin niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tumabi siya sa gilid bago niya ako kausapin.
"Miss Sandra, parang nakalimot ka na yata. Hindi mo na ba maalala ang performance ko ng gabing 'yon?" tanong nito.
Napalingon ako sa sinasabi niya. "What did you say? Nababaliw ka na ba, Mr. Stuart. Again, hindi ko alam yang pinagsasabi mo. Okay! Kong ipagpipilitan mo pa yan sa akin wala na akong magagawa kundi iwan ka dito." iritang sagot ko. At hindi ko pinapahalata na tama siya sa mga pinagsasabi niya. Hindi ako naghihint ng kahit ano.
"Hmm! Kunsabagay sino bang aamin. Anyway, meron namang CCTV footage. Ano kayang mararamdaman ng lolo mo kapag nakita niya ang apo niya ay may hinalikang lalaki na hindi naman niya kilala. At--" hindi ko na siya pinatapos pa.
"What do you need?" diretsahang tanong ko.
"Oh! I thought you don't remember me. Bakit parang nag iba yata ang ihip ng hangin." sagot niya at hindi ko alam kong nang-iinis ba siya sa akin.
"I said what do you need. Ayoko ng paligoy ligoy pa. Tell me! Do you want money??" tanong ko dito.
"I don't need your money. I want you to be my fiance'--"
I interupt him at nagpanting ang tainga ko sa narinig ko mula dito.
"W...What did you say. Why me??? Pwede ka naman kumuha ng iba. Desperate move Mr. Stuart. And look, alam mo naman yata na wala ako sa sarili ng gabing 'yon pero, nag take advantage ka sa kalagayan ko." tahasang saad ko dito. Hindi naman pwede ang gusto niya. Ano to blackmail-an. Siraulo ba siya.
"Ikaw ang gusto ko may angal ka. Ayoko pang mag-asawa naipit lang ako sa lolo ko. Anyway, hindi naman tayo magsasama after ng wedding. As if naman gusto kitang makasam no. Ano deal?" sagot niya na medyo presko talaga ang dating sa akin kaya hindi ako papayag talaga. Bweset siya!!
"No way! Hwag mo kong idamay sa kabaliwan mo." sagot ko. At ayoko talaga hinding hindi ako papayag.
"Well, final answer na yan." tanong niya sabay kuha ng cellphone niya at may idina dial nahagip ng mga mata ko ang pangalan ng lolo ko sa screen ng phone niya kaya agad ko itong inagaw kaso maagap ito at nakuha niya rin sa akin. Nagpupuyos ako sa galit sa ginagawa niya sa akin.
"Fine! Okay, deal. Pero, may kondisyon ako at ipapadala ko sa office mo yan." sagot ko at pumayag na rin ako at wala na akong magagawa sabi naman niya ay hindi kami magsasama sa isang bahay.
"Papayag din naman, dami pa inarte." pabulong na sambit nito. Na akala niya hindi ko narinig.
"Anong sinabi mo??? Hindi ako maarte, mag drive ka na nga lang." bulyaw ko dito. Naramdaman ko na lang na umaandar na ulit ang sasakyan kaya natahimik na ako. Wala na akong magagawa at sukol na ako. Ayoko namang madissapoint ang lolo ko sa akin. Haixt!!