Nagtataka si Terrence kong bakit nagtatakbo si Sandra ng makita siya. Kagabi lang naman pinasakit nito ang puson niya. Nang nakita niya itong naka suot lang ng nighties na pair tapos tayong tayo pa ang u***g nito. Nang gigil tuloy siya kagabi pati ang alak na nainom niya ay lalong uminit sa pakiramdam niya.
"Hijo, aalis ka na ba? Why don't you join us to eat breakfast??" tanong ni Mr. Schmidt.
"Ahmm! Hindi na po siguro may meeting pa ako. Maybe, next time na lang Mr. Schmidt." sagot ko at inaya ko na siyang pumasok sa loob at ako naman at uuwi na rin. Gusto ko nang makapagsolo at masakit na talaga ang puson ko.
"Okay, hijo, mag-ingat na lang sa pagdrive." sagot nito. Pumasok sa ako sa loob ng sasakyan ko at bago ako umalis kumaway pa ako dito ng ibaba ko ang bintana ng sasakyan ko.
Nang tumalikod na ito saka ako humarurot ng mabilis.
Nakarating ako ng Mansyon pasado alas syete ng umaga. Mabilis ang naging pagkilos ko, dahil naalala ko na may meeting pa pala ako with board members. Nakita ko pa nga si Robotics na natutulog pa rin. Himala hindi niya ako ginising, alam niya rin na wala ako. Pagkatapos kong maligo at mag bihis nag pahid lang ako ng hair cream sa buhok ko para hindi tikwas tikwas at maayos ang pagkakabagsak nito. Naka ilang sulyap pa ako sa salamin at final look para sa aking sarili bago ako lumabas ng kwarto at hindi na rin nag abalang kumain pa.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko palabas ng Mansyon.
Nakarating ako ng opisina quarter to 7 at mabuti na ring mas maaga ako kumpara malate pa ako. 8 a.m pa naman ang meeting ayon sa secretary ko na si Analia. At heto nga may pa coffe na agad siya, kaya yan ang gusto ko dito maasahan at hindi na kailangang utos utusan pa para gumalaw nagkukusa ito pag nakikita niya na may mga kailangan ako.
"Analia, after board meeting. What is my next schedule?" tanong ko dito para wala akong makaligtaan man lang.
"Ahmm! Nothing sir." sagot nito.
"Okay, good! Don't get any appointment to me after the board meeting. I need to do something important. Then, call Miss. Sandra--" natigilan ako ng maalalang hwag na lang pala. Ako na lang mismo ang susundo sa kan'ya para sure akong hindi siya aatras sa napag usapan naming deal.
"Sandra, what, sir???" tanong ni Analia.
"Nevermind!!" sagot ko. Nakita kong nagkamot ng ulo ito at tiyak kong naguluhan ito sa akin.
Nang maka alis na si Analia nag asikaso na rin ako para sa meeting with the board members. Gusto ko well prepared ang lahat at ayokong nang magkaroon ng kahit anong gusot. Nang masiguro kong ready na ako tumayo na ako at bitbit ang laptop ko palabas ng opisina.
Nang makarating ako sa board room. Naroon na si Analia at naimpress talaga ako na ayos na ang lahat naka set up na. Inabot ko dito ang dala kong laptop para i-play niya na ang presentation habang nag hihintay kami ng mga iba pang board members. Every new project na ilo launch nagpapatawa talaga ako ng meeting para malaman ko kong okay ba sakanila o need pa ng revision ng plan. Ayoko namang solohin lang ang lahat gusto kong makuha ang ideas nila lalo na't mas bihasa pa sila sa akin.
Habang inaayos ni Analia ang pag set-up ako naman ay nakikipag usap kay Mr. Schmidt. Isa siya sa board of members ng kumpanya at investors na rin ng makuha ko ang interes niya kamakailan lang. Kaya kailangan ko siyang ipakilala sa mga board members para ma welcome na rin ito.
Nang malapit nang makumpleto ang lahat tumayo na ako at sinenyasan na rin ako ni Analia.
"Before we start, I would like to itroduce to you our new board of members, Mr. Schmidt. Let us give him a round of applause." bungad na pakilala ko sa matanda...
Nagpalakpakan ang lahat hanggang sa tumayo si Mr. Schmidt.
"Thank you so much to everyone, especially Mr. Stuart, my future grandson-in-law." wika nito na ikinagulat ng lahat miski na ako.
"Wow! That's a great news." singit ni Mr. Buenaflor. Ngumiti na lamang ako at nag simula ng magpresent na pinakinggan naman ng lahat. Wala nga akong narinig na kahit anong tanong mula sa kanila hanggang sa matapos ko ang pagsasalita sa harapan.
"Thank you so much for listening. Anyone who wants to add something?" tanong ko. Pero, ngiti lang ang sinagot nilang lahat sa akin.
"So, I guess this is the majority. My plan is approved by all of us." wika ko.
Naupo na ako at nagkaroon nang munting salu-salo para sa lahat. Kan'ya kan'ya silang usap hanggang sa napunta sa akin ang topic. At may tahasang nagtanong kong kailan ba ako magpapakasal. Hindi ko naman alam at hindi ko pa nga nakakausap si Sandra sa aggreement namin mamaya sabihin pa nito excited akong makasal kami.
"As of now, we still talk about it. My fiance' wanted a simple wedding." sagot ko para hindi naman mukhang bastos na hindi ito sagutin sa harap ng mga board of members.
"No! I don't like the simple wedding idea. I want the best for my granddaughter. I hope you'll understand, Mr. Stuart." ani nito. Nginitian ko na lamang siya sabay sabi na; "But of course, I want the best wedding that I can give to her." sang-ayon ko dito. Para matapos na rin ang bulong bulungan ng iba.
Nang matapos ang kainan at pag-uusap isa-isa ng umalis ang lahat at naiwan na lang kaming dalawa ni Mr. Schmidt.
"Thank you, Mr. Stuart, or should I say my gradson-in-law. Hehehe." wika niya sabay tawa.
"By the way, do you have a meeting after this?" tanong niya ulit sa akin.
"No! But I will fetch Sandra for our date." sagot ko. Nakita kong lumapad ang ngiti niya.
"That's nice idea. Makukuha mo rin ang loob ng apo ko. Alam kong ikaw ang nararapat sa kan'ya." sagot nito. Kong alam lang niya na aggreement lang ang lahat ng mangyayari. Para naman tantanan na ako ng Lolo ko. Naiirita na din kasi ako sa mga sinasabi nito at pagrereto ng kong sino-sino apo ng mga kilala niya.
Matapos naming mag-usap hinatid ko na ito at hinintay na umalis bago ako umalis. Susunduin ko na si Sandra sa Mansyon ni Madam Ursula. Alam kong naroon siya kapag wala sa bahay ng lolo niya.
Pagkarating ko doon nag doorbelk muna ako at bago ito lumabas.
"Ano namang ginagawa mo dito, Mr. Stuart??" tanong niya at mukhana nakalimutan na niya yata ang napag usapan naming dalawa.
"Talaga ba, Miss. Sandra, wala kang natatandaan?" balik na tanong ko dito. At gusto ko sanang ipapa aalala sa kan'ya pero, mukhang alam niya na.
"Fine! Mag hintay ka dyan at mag bibihis lang ako." sagot nito sabay layas. Grabe talaga ang babaeng to. Hindi man lang ako inalok na pumasok. Bumalik na lang ako sa loob ng kotse. At doon ko na lang siya hihintayin.
Mga twenty minutes bago ko nakitang lumabas ito. At kinatok na ang bintana ng kotse ko. Hindi ko na binaba at binuksan ko na lang ang pintuan ng kotse. Nang pumasok ito sa loob at naupo sa backseat kumunot ang noo ko sabay sabi na; "I'm not your f*****g driver, so just seat beside me." mariing utos ko na sapat na para marinig niya. Nakakainis kasi siya napaka insensitive. Alam naman niya na ayaw na ayaw kong nagmumukhang akong driver lang nito.
"Fine!!" sagot niya sabay pabalayang sinara ang pintuan ng backseat at tumabi sa akin sa harapan. Isusuot ko na sana ang seat belt niya ng sawayin niya ako. "Ako na, hindi naman ako baldado no." mataray niyang sagot kaya hinayaan ko na lang siya kaysa magtalo pa kami. Pinaandar ko na ang sasakyan at dinala ko siya sa restaaurant. Doon kami mag-uusap ng masinsinan para naman maayos ang usapan. Mahirap na kong sa maingay na lugar at hindi niya maintindihan ang mga nakasulat.
Pagkarating namin doon pumasok kami agad sa loob ng VIP table at doon kami mag-uusap. Pagka kuha ng order namin umalis na ang staff at doon ko na nilahad lahat ng nakasulat sa contract at meron rin pala ito. Nag exchange lang kami at binasa napakunot noo ako sa nabasa ko pero, hinayaan ko na lang. After all hindi naman talaga kami legal na mag-asawa pepekein ko ang kasal namin. After 3 years maghihiwalay rin naman kami.
"Ano deal?" tanong ko. Pagkatapos naming pirmahan ang contract.
"Ako na ang magtatago at ipapa notarized ko mamaya maghabol ka pa dyan sa akin." sambit ko.
"Wow! Ang kapal mo naman talaga no. Ano kong tapos na tong pag-uusap natin aalis na ako. Mag-isa kang kumain dito." iritang sagot niya.
"Parang binibiro ka lang. Sige na samahan mo muna ako mag lunch wala pa akong kain."sagot ko baka lang sakaling maawa ito sa akin at pag bigyan ako. Ayoko naman kumain dito ng mag-isa at mukha akong tanga lang.