Pumasok na si Sandra sa loob ng fitting room at nagsimulang magfit ng mga gown. Sa unang labas niya hindi ko nagustuhan kaya naglakad siya pabalik doon, sa pangalawa hindi ko pa rin nagustuhan, sa pangatlo, apat at lima wala pa rin akong nagustuhan hanggang sa lumabas siya muli at naibaba ko ang hawak kong magazine, dahil para akong nakakita ng anghel na bumaba sa langit. Napakaganda niya sa suot niyang gown walang masyadong sequence or beads ito pero, litaw ang ganda niya at ang katawan niyang sobrang ganda. Parang may nabuhay nga sa loob ng pantalong suot ko. Labas rin kasi ang kalahati ng cleavage ng kaliwang dibdib nito.
"Okay na ba??" tanong niya sa akin. Bigla kasi akong napatulala ng makita ko siya.
"Hoy! Okay na ba?" Gusto ko ng magpalit at naiinitan na ako." ulit niya at doon na ako nagbalik sa katinuan.
"Yah! Yah! I like it. Sige na magpalit ka na ng damit at may pupuntahan pa tayo." ani ko.
"Okay, boss! Ano pa boss??" asar nito sa akin.
Hindi ko na pinansin ang pang-aasar niya at nagbasa na lang muna ako ng magazine para hintayin ito hanggang sa makabalik siya at lumapit sa akin.
"Tara na? Oh! Bakit natulala ka yata dyan?" tanong niya sa akin.
"Wala naman, tara na at baka mahuli pa tayo sa pupuntahan natin." ani ko.
"Okay, boss. Saan ba kasi talaga tayo pupunta?! tanong niya at hindi ko na siya pinansin pa basta ko na lang hinawakan ang kamay niya at naglakad na ako wala siyang nagawa kundi maglakad na rin, dahil kong hindi ay makakalakad ko siya.
"Wait lang hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko. Saan ba tayo pupunta?"
"Get in. Mamaya ka na nga magtanong, okay. Hwag kang mag-alala hindi naman kita dadalhin kong saan." sagot ko para magtigil na siya.
"Luh! Kunyari ka pa dyan. Baka ibiglang liko mo ako."
"Bakit pa, pwede naman dito sa car." ngising sagot ko at nakita kong naka ilang lunok siya ng laway. Kinabahan siya sa sinabi ko. Kaya tawang tawa ako.
"Oh! Bakit parang namutla ka dyan kanina lang ang lakas mong mang-asar ah. Alam mo may binuhay kang natutulog baka tuklawin ka." dagdag ko pa. Nakita kong nahintatakutan siya at biglang umiwas ng tingin sa akin.
"Lestse ka! Mag drive ka na nga lang dyan." aniya.
Kaya hindi ko na siya inasar pa at napapangiti na lang ako sa mga pinagsasabi ko.
Nang malapit na kami sa hotel. Pinababa ko na siya at magpapark muna ako. "Mauna ka ng bumaba may aayusin lang ako dito." mariing utos ko.
"What?? Unbelievable. Fine!" iritang sagot niya sa akin. Wala naman akong magagawa kasi kailangan ko siyang pababain para makapag park ako medyo matarik kasi dito kaya pinababa ko siya at baka sumigaw pa ito at mag-ingay lang. Nakakarindi pa naman ang boses nito napakatinis na ewan.
Nang makalabas na ito at binalya pang pasara ang pintuan ng sasakyan. Hinayaan ko na lang at nag focus ako sa pagpapark at baka magkamali ako at bumulusok ako sa ibaba. Mas delikado pa 'yon.
Nang matapos akong makapag park lumabas na rin agad ako at kanina ko pa nakikita ang nagkakanda haba na nguso ni Sandra sa labas. Hindi kasi siya pumasok sa loob para maghintay na lang.
Nang nakalapit ako sinimangutan niya ako. "Oh! Anong mukha niya?" tanong ko.
"Wala bakit ba kasi ang tagal mo magpark. Huh!!" angil niya pero, hindi ako nakipag bangayan dito. Bagkus nagpasensya lang ako sa kan'ya.
"Hmmm! Wala naman ikaw kaya mag park doon. Tara na nga baka naghihintay na yang kasama natin sa loob." ani ko.
"Natin? Sino naman? Babae mo?" tanong niya. Bakit pakiramdam ko parang nagseselos siya sa kakatagpuin namin. Nakaisip tuloy ako ng ideya since kilala ko naman si Charlotte.
"Ang ingay mo, pwede tumigil ka kakadakdak dyan. Halika na sa loob nakakahiya sa tao." ani ko.
Nang makapasok kami sa loob diretso kami sa lobby para hintayin doon si Charlotte. Nang matanaw ko na ito tumayo na ako para yakapin siya pagkalapit pa lang nito sa amin.
"Hmmm!" tikhim ni Sandra kaya naman napakalas na ako ng yakap dito.
"Terrence, let's talk inside my office room. You must be, Sandra?" ani nito sabay baling na tanong nito kay Sandra kaso wala yata sa mood ito makipag usap kaya sinabi ko na lang na; "Shall we???" imbes na sumagot ito umabrisyete lang siya sa akin at sabay na kaming nagalakad pasunod kay Charlotte. Kitang kita ko ang pagsimangot ng mukha nito. Gusto kong isipin na nagseselos talaga siya kaso hindi pa ko ma convince at nakukulangan pa ako. Kaya itotodo ko ang pagseselos ko dito.
Pagpasok namin sa loob naupo ako at tumbi ako kay Charlotte. Na ikinakunot ng noo nito.
"Anyway, Mr. And Future Mrs. Stuart. May motif na ba kayong naiisip para sa wedding niyo?" tanong ni Charlotte.
"Wala pa nga babe, may masa suggest ka ba?" tanong ko dito at ginamit ko ang tawagan namin noong College pa lang kami. Mag best friend kasi kami nito at never na develop sa isa't-isa. Akala nga ng iba magiging kami kaso hindi namin type ang isa't-isa.
"Ask your bride babe." ganting sagot ni Charlotte at ng mapalingon ako kay Sandra halos magsalubonh ang dalawang kilay nito.
"Sand'z what do you want?! tanong ko dito kaso pasimple niyang inapakan ang paa ko. Gusto kong humiyaw sa sakit kaso nagpigil ako.
"Bahala ka na lang kayo ng bahala ng babe mo mag-usap. Mukhang hindi naman ako kailangan dito. Excuse me!!" pagalit na wika nito sabay tayo at nag walk-out. Tawang tawa ako ng umalis ito at bigla akong binatukan ni Charlotte.
"Silly man. Go, sundan mo yong magiging asawa mo. Para ka talagang idiot sa pinag gagawa mo." aniya.
"As if naman babalik pa 'yon." sagot ko. Pero, ayon nga naguilty ako kaya sinundan ko siya. Nagmamadali akong lumabas ng room at malalaki ang naging hakbang ng mga paa ko. Hinanap ko siya kaso hindi ko na ito nakita pa. Inis na inis ako sa sarili ko ng oras na 'yon. Parang ako yata ang nabadtrip sa trip ko kanina. Haixt!!
"Sand'z!!" usal ko.