Nang maka alis ako ng Mansyon ng kong kanino ba 'yon. Nag hintay ako ng taxi at bweset na yan naiwan ko ang sasakyan ko sa bar at kailangan ko itonh balikan doon. Nakakainis kasi bakit naman ako nagpakalasing ng todo. Hindi na sana ako sinundo ni Sandra doon. Pero, sa kabilang banda medyo natuwa naman ako nang malamang may pakialam sa akin ang babaeng 'yon. Nang nakarating ako sa bar agad akong nagbayad at bumaba ng taxi, mabuti na nga lang nasa bulsa ko pa ang wallet ko. Pagkababa ko ng taxi hinanap ko agad ang sasakyan ko at nakita ko ito na nakapark kaya agad ko itong nilapitan at binuksan. Pumasok ako sa loob para maka alis na rin dito at gusto ko pa talagang matulog at antok na antok pa ako. Tulog pa sana ako kong hindi nito inistorbo ang tulog ko.
Nang makarating ako ng bahay hindi na ako namansin ng kahit na sino at antok na talaga ako at kailangan ko ng matulog. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko naghubad ako ng lahat ng suot ko at wala akong tinira kahit boxer short ko pa. Agad akong sumalampak at natulog na rin.
KINAGABIHAN
Nagising ako sa hampas ni robotics. Gusto ko na lang siya ibato at nakakainis talaga siya pero, naisip ko mahal pala ang bili ko dito at malaki ang tulong niya sa akin. Bumangon na ako ng makaramdam ng pagkalam ng aking sikmura naalala kong hindi pa nga pala ako nakain mula noong umalis ako ng Mansyon ng Madam Ursula na 'yon at napabaling ang tingin ko sa sa clock na nakapatong sa mini table ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang 7 p.m na pala kaya hindi na tumigil ang pagkalam ng sikmura ko.
Pagbangon ko isa-isa kong pinulot ang damit ko at nilagay sa laundry room area at naghanap ng bagong susuotin pagkatapos kong magbihis naglakad na ako pababa ng hagdanan at nakasalubong ko si Manang Narcing. Binati pa niya ako ng; "Magandang, gabi sir." bati niya.
"Magandang gabi, Manang." sagot ko naman. On call ko lang siya maglilinis ng bahay at uuwi rin kaya nagtataka ako kong bakit gabi na ay hindi pa rin siya nakakauwi ng silipin ko sa labas sobrang lakas pala ng ulan. At kong susuungin niya ito ay tiyak kong mababasa rin siya.
"Sir, baka pwede hong dumito muna ako at bukas na lang ako uuwi kasi sobrang lakas po ng ulan." aniya.
"Sige po, Manang pwede naman po." sagot ko sabay lakad patungo sa kitchen sink para magwash ng hands. Pagkatapos nagtungo naman ako ng comfort room. At doon naglagi ng ilang minuto para mag ayos naman ng aking mukha. At nang makatapos ako dito lumabas na ako at nagtungo sa dining area para kumain. Sakto may mainit na sabaw na nilagang baka kaya nagutom agad ako ng maamoy ko ito. Pinaspasan ko lang ang pagkain at babalik ako sa pagtulog, dahil hindi pa rin sapat ang tulog ko. Nakakaramdam pa ako ng hilo sa dami ng nainom kong alak.
Matapos akong kumain niligpit ko na ang pinakainan ko at hinugasan. Pumanhik na ako sa itaas at naupo muna sa kama at nagmuni muni. At inalala ang masasayang sandali na kasama ko si Sandra. Hindi ko akalaing may taglay na kalibugan ang babaeng 'yon. I can't expected what she did, while I'm at sleep.
Sana ginising niya ako para mas exciting pa ang ginawa naming dalawa. Natatawang iniisip ko hanggang sa magring ang cellphone ko at nang i-check kong sino ang natawag. It was him. My abuelo, sino pa nga ba. Ayoko sanang sagutin ang tawag niya kasi alam kong kukulitin niya lang ako sa paghahanap ng ka date. Pero, nang mabasa ko ang text messages niya dali dali kong sinagot ang tawag nito. Knowing may abuelo's na ayaw pinaghihintay ng tawag at pinapatayan ng tawag lalo kong on-going ang conversation niya 'yon. Kapag ginawa mo 'yon magtago ka na. At bakit ba siya masungit na tao, simple lang matandang binata kasi ito. At ang pagkaka alam ko lolo ko siya, dahil magkapatid ang lolo ko at siya.
"Yes, Lo. Sorry if--" I pause, because he started to nagged at me. As usual galit na naman siya, ano bang bago. Pero, kailangan ko siyang pakinggan lang at hindi sumagot. Kilala ko na kasi siya pag galit ito hwag mong sasabayan para hindi siya lalong mag-init. At nang kumalma siya sa ako sumagot na; "Yes. I will, Lo." simpleng sagot ko. Matapos naming mag-usap nang end call button na ito at ang off na ako ng cellphone muna at baka tumawag na naman ito. Sumasakit ang ulo ko sa Lolo kong demanding na mag asawa ako at magkaroon siya ng apo. Gusto na daw niya makita bago siya mawalan ng hininga. Ang exaggerated niya talaga, 70 years old pa lang siya at hindi pa hukluban na amoy lupa. Arrgh! Paano ko sasabihin kay Sandra, na gusto siyang makita ng Lolo ko at bukas na bukas rin. Lalong sumasakit ang ulo ko sa mga demand ni Lolo sa akin.
Habang naka upo ako nag-iisip ako ng idadahilan kay Sandra para pumayag lang ito. Hanggang sa pumasok sa isipan ko ang isang kalokohan, bahala na wala na akong maisip na ibang dahilan pa. Hmmm! Nahiga na ako at bumalik sa pagkakatulog bukas ko na lang kakausapin si Sandra after her walkshop and rehearsal. Alam kong naghahanda na naman siya sa fashion week nabanggit kasi ni Mr. Schmidt ang lolo nito ang tungkol doon at inaaya niya na naman ako. Isa pa 'yon todo reto sa apo niya sa akin. Bakit ba ganon ang mga lolo sa kanilang apo napaka demanding. Haixt!!
KINABUKASAN
Nagising ako sa ingay ni robotics.
(Terrenge pogi, wake-up! wake-up) Naririnig kong paulit ulit nitong sinasambit. Kaya napilitan akong bumangon kahit na antok pa ako. At naalala kong kailangan ko pang makausap si Sandra.
Matapos kong maligo at magbihis lumabas na ako ng Mansyon at sumakay ng sasakyan pinasibat ko na ito diretso na ako kong saan sila nagrerehearse ngayon. Pagkarating ko roon nagpark muna ako bago bumaba ng sasakyan. At naglakad patungo doon. Hindi na ako kumatok sa pintuan at open naman na ito. Pag dungaw ko nakita ko agad si Sandra at nakasimangot ang mukha nito. Halatang wala siya sa mood. Nakita kong palapit siya patungo sa akin hanggang sa bulyawan niya ako nang nasa harapan ko na siya.. "What??? Ang aga pa Terrence ha. Wala ako sa mood makipag talo." ani niya. At parang may pagbabanta na kasama.
"Chill, wala akong gagawing kalokohan..Gusto ka lang ma meet ng abuelo ko mamaya. Pwede ka ba?" tanong ko at sana lang pumayag siya.
"Hmm! Busy ako." mataray na sagot niya.
Kaya dito ko na binulong ang kalokohang naiisip ko.
"What???" nagulat na sagot niya pagkatapos kong bumulong.
"Okay, sige.." mabilis na sagot nito.
"Thank you, Sand'z the best ka talaga my fiance' " sagot ko sabay ngiti. "Paano later na lang daanan kita dito mamaya." sagot ko. Tumango lang ito at naglakad papasok sa loob at ako naman pinasibat ko na ang aking sasakyan..