Chapter 10

1148 Words
Hindi ko naman intensyong inisin si Sandra. Ewan ko ba natutuwa ako kapag naiinis siya at namumula ang pisngi niya. Gandang ganda ako sa kan'ya kapag ganyan siya nakakatuwa din ito. "Oh! Anong tinitingin tingin mo dyan?" masungit na tanong niya sa akin. "Wala lang kain ka lang dyan." sagot ko. At hindi ko na rin ito pinansin pa. At kumain na rin ako at baka sungitan na naman ako nito. "Okay." tipid na sagot nito at hindi na ako pinansin pa. Wala kaming imikan nito hanggang sa basagin ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at tinanong ko ito na; "Kailan ka pa nagsimulang magmodel? Hindi ka ba natatakot na baka makita tayo ng mga press at ma issue ka?" tanong ko dito. Tinapunan niya lamang ako ng tingin sabay sabi na; "Hmm! Matagal na, hindi malamang sasama ba ako sayo dito kong hindi ko alam na private place 'to." sagot niya kaya hindi na rin ako nakaimik pa. Walang effect ang pagpapacute ko dito talagang masungit talaga siya. Hindi ko na siya pinansin pa baka mainis pa ito lalo sa akin. Tinapos ko na ang pagkain at hindi ko na siya inimik pa. Halata naman kasing wala siyang kagana gana kausap ako. "Okay, thank you sa pagsama ha. Ihahatid na kita bukas pag okay na lahat susunduin na lang ulit kita para ipakilala sa abuelo ko." wika ko. "Fine! Fine!" sagot nito. Akala ko magrereklamo na naman siya. Buti na lang maayos kausap ito. Hindi na ako mahihirapan pang mag hired ng mapapangasawa ko. "Shall we??" yakag ko dito. At hindi na ako umimik pa. Tumayo ito at tapos na rin palang kumain. Hindi na siya nagpa alalay sa akin at nauna itong maglakad palabas ng restaurant. Nakita kong luminga linga muna ito bago sumakay ng taxi. Hindi ko na siya hinabol pa baka magkasagutan na naman kasi kami. Ang hirap pa naman niyang kausap. Akala mo laging galit sa mundo. Now I know kong bakit wala siyang naging karelasyon e, sino bang tatagal sa isang babae na mabangis pa sa leon. Hahaha. Natatawang naiisip ko at sumakay na rin ako sa sasakyan para maka alis na din ako dito. Didiretso sana ako sa Mansyon pero, hindi pa naman masyadong late dadaan na lang muna siguro ako sa mga kaibigan ko or sa bar basta bahala na kong saan ako mapadpad ngayong gabi. Ang tanging mahalaga wala na akong problemang iisipin pa kay abuelo. Nang makarating ako sa bar sinalubong ako ng ingay at usok doon. Kilala na nga ako ng isang staff doon at alam na agas ang oorderin ko. Nakakatuwa siya hindi ko man siya kilala in person pero, parang mas kilala pa niya nga ako sa mga kaibigan ko. Ako lang muna ang mag-isang uminom at hindi ko na sila inabala pa. May kan'ya kan'yang pamilya na rin kasi sila. Kaya ayaw kong mag-asawa at feeling ko mapipigilan nito ang buhay pagkabinata ko. At mawawalan ako ng oras para sa sarili ko. Pagka hatid ng staff ng alak sa table ko umalis na agad ito. Agad ko namang nilagok ang alak sa harapan ko ng sunod sunod. "Cheers!" malakas na sigaw ko. Para akong batang masaya na binigyan ng candy lang at sa sobrang saya ko hindi ko mapigilang mapaluha, dahil sa tanang buhay ko ngayon na lang ulit ako naging masaya ng ganito. Sad life, akala ng iba ang saya ng buhay ko. Nang nakarami ako ng alak heto nga hindi ko na alam ang gagawin ko. Hanggang sa maubos ko ang isang bote nang wala pang isang oras kaya nag order ulit ako ng isa pa hanggang sa maka tatlong bote na ako at medyo umiikot na ang paningin ko at nakakaramdam ng pagkahilo na. Hindi ko rin alam kong makakapag drive pa ako at nilapitan na ako at kinakausap na ng bouncer sa loob. "Sir, lasing na po kayo, hindi niyo na kayang uminom." ani nito. Kumunot bigla ang noo ko sa sinabi niya. "Ano bang pakialam mo huh. Gusto ko pang mag-ino. Hindi pa ako lashing okay. Look, I can walk too." mayabang na wika ko pa sabay pilit na tumayo kaso nakaka ilang lakad palang ako ng matumba. Kaya naman inalalayan ako ng bouncer at pinaupo muna sa couch. "Sir, may girlfriend ba kayo?" tanong nito. "W. Wala akong girlfriend. Pero, may ashawa ako, call her. And tell her I'am shorry..Hik!Hik!" lasing na lasing na wika ko hanggang sa inabot ko ang cellphone ko dito at inutusan na; "Here's my phone call to my wife, pleashe.." wika ko hanggang sa nakatulog na rin ako sa sobrang kalasingan at hindi ko na alam ang mga pinag gagawa ko. Hindi naman malaman ng bouncer ang gagawin kong sino ang asawa na sinasabi nito. Nang i-check niya ang phone ng lalaki naka off ito at may passcode. Sinubukan niyang hulaan kaso wrong code kaya hindi na niya pinilit at nag try siya na ipress ang limang daliri nito hanggang sa nagbukas at nabuksan niya. Hinanap niya agad sa phonebook ang pangalan ng wife nito kaso kahit isa wala man lang siya nakita. Nababagot na siya at hindi niya alam ang gagawin, naabala na rin nito ang trabaho niya hanggang sa magsalita ito na; "Sandra, sorry. I'm so sorry." nang i-check niya ito tulog na tulog naman ito at nagsasalita lang pala ang lalaki habang natutulog siya. Nang hanapin niya ang pangalan na binanggit nito sa phonebook nakita niya ang pangalang Sandra with heart shape sa gilid ng pangalan nito. Agad niyang dinial ang numero ng babaeng sinasabi nitong asawa. Habang si Sandra naman ay kasalukuyang natutulog na nang magring ang cellphone niya. Kahit antok na antok pa pinilit niyang bumangon para i-off ang cellphone, dahil wala yatang balak tumigil ang tumatawag sa kan'ya at hanggang sa nahawakan niya na ang kan'yang cellphone at hindi sinasadyang nasagot ang tawag. "Hello, si ma'am Sandra po ba ito?" tanong ng nasa kabilang linya. Bigla naman nawala ang antok niya ng marinig ang pangalan niya. "Yes! Who'se this? Alam mo bang dis oras na ng gabi. Kilala ba kita?" tanong niya. "Hindi po ma'am pero, bouncer ako kong saan nandito ang asawa niyo po. Lasing na lasing kasi siya at magsasara na kami ma'am. Hindi namin siya pwedeng iwanan dito." sagot nito. "Huh! Asawa?? Wala akong asawa sir. Baka wrong number lang ho kayo. Sige, n ho magpapahinga na ako." ani ko at mukhang Pinoy ang nakausap ko at marunong siyang magtagalog. "Sabi niyo po kayo si Sandra." balik na tanong nito sa akin. "Yes po, ako nga pero, wala akong asawa. Pwede ba kong sino ka man hwag mo kong pagtripan at inaantok pa ako." bulyaw ko dito. Kong nangjo-joke time kasi siya aba wala akong panahon at pagod ako at bweset pa sa Terrence na 'yon. "Sandra..--" rinig na rinig niya ang boses ni Terrence na tinatawag siya. "Terrence???" usal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD