CIERRA RAVEN FIOR
Napa tingin ako sa aking pam-bisig na relo at nakita kong halos 8 hours ang aming flight mula Melbourne Australia to Manila Philippines.
Naramdaman ko ang lapag ng eroplano namin sa NAIA International Airport. Yakap hawak ko ang kamay ng dalawang anak ko. Dahil takot sila sa pag landing ng eroplano.
"We're here na.." bulong ko sa twins ko. Agad naman nila sinilip ang labas na kina tawa ko.
"Kiddos, behave hindi pa tayo tumitigil." awat ni Luna.
Hinahayaan ko lang si Luna dahil na rin pamilya ko na rin ito, dahil ako din kasi ang nag paaral sa kanya. Hindi ko rin inaasahan na magiging secretary ko siya dahil na rin sabi ko after ko siya patapusin.
Bahala na siya saan niya gusto mag trabaho, and she choose to stay on my side na pinag papasalamat ko."Opo!" sabay na sagot ng anak ko.
Nang tumigil tumayo na ako pag una at kinuha ko ang mga bata. "Luna ikaw sa kids ako sa gamit, please hold their hands okay? Maraming tao dito ayoko mawala ang mga anak ko." mahigpit kong paalala kay Luna.
"Opo ma'am. Let's go, never let go of my hands okay?" narinig kong pagka usap ng sekretarya ko sa kambal.
"Opo!" masayang sagot ng kambal. Natawa lang ako at binuhat ang bag ko at hinawakan ko ang luggage namin.
"Goodbye! Thank you for caring for us while we were on the flight!" sweet na pasasalamat ng anak kong si Tilly sa flight attendant na halata naman nagulat.
"Ba-bye! Take care po! Thank you Mr. Pilot!" si Heather naman ang nag salita.
Natawa na ako at umiling. "Sweet naman, thank you too.." wika ng isang flight attendant.
Ganun din ang ibang crew. Dahil hirap bumaba ang kambal binuhat ito ng isang lalaki tingin ko ay isang co-pilot din. "Salamat Mr. Pilot!" pasasalamat ng kambal ko.
"Walang anuman sweet babies!" nakangiti wika ng pilito. Ngumiti ako at nag pasalamat din ng maka baba kami.
"Ms. Cierra may nag hihintay po sa atin daw ba itim na Van sabi ni Madam. Catherine." wika ni Luna.
"She message you?" tanong ko dito.
"Mommy can I push my luggage? Because that's too heavy for you.." my daughter Tilly said.
Ngumiti ako at umiling," I'm fine sweetie, watch your step." utos ko na lang dito.
Nakita ko naman na panay lingon ang anak ko sa akin kaya alam ko natatakot ang mga ito na mawala ako sa paningin nila.
"Luna, tawagan mo yung number ng sinend ni Mama sayo. Siya ang driver natin," utos ko dito. Nakita ko naman ang maraming tao na labas masok ng NAIA terminal 3.
Agad akong tumigil ng makalabas kami at hinawakan ko ang anak kong si Tilly, at si Heather naman ay naka hawak sa kambal niya.
"Ms. Cierra nandito na daw po yung driver," sagot ni Luna sa akin kaya luminga ako sa buong paligid.
"Mommy? Why is it so hot here? I feel dizzy, I want to vomit!" reklamo naman ng anak kong si Heather.
"Me too mommy! Can we back to Australia now? Is too hot!" reklamo naman ang anak kong si Tilly.
"Tillyiah-----" i can't finish my sentence ng may pumarada na itim na van sa harap namin.
"Ma'am. Cierra! Pasensya na po bumili po kasi ako ng pagkain ko nagugutom po kasi ako, kanina pa po kayo? Pasok pasok bilis mainit!" nag mamadaling wika at tanong ni Tommy sa'kin.
"Go kids pasok na! Okay lang po kalalabas lang namin ng airport." sagot ko at sinensayan ko si Luna na pumasok na rin.
Tumulong ako sa pag lagay ng bagahe namin. "Pasensya na po talaga Ma'am! " Paghingi ng pasensya sa akin nito ulit.
"Kuya, okay lang po ang importante hindi kayo nagugutom. Tara na po at pagod ang mga bata.." naka ngiti kong sagot at hinayaan ko na ito ang mag sara ng likuran.
Sumakay na ako na at doon ko nakita ang anak kong kumakain ng fries, "Pinigilan ko po sila kaso... ayaw po mag pa-pigil Ma'am." nakangiting alanganin ni Luna
Pumasok naman ang driver namin at umalis na kami, "Gusto niyo ba mga babies? Huwag niyo na ubusin yan kasi kuya Tommy yan." suway ko.
"Opo Mommy can we po? " sabay na sabay na tanong ng kambal ko.
Ngumiti ako at tumango. Nilingon ko ang driver namin at tumango naman ito bilang pag sang-ayon. "Mommy! Tita Luna, kuya Tommy? Gusto po namin doon sa Mcdo!" wika ng anak kong si Tilly.
"Sure, hindi sila pamilyar sa Jobie kaya yun na lang kuya Tommy." naka ngiti kong wika.
"Kaya pala okay, sige may malapit sa bahay ninyo meron doon." naka ngiting wika sagot ni kuya Tommy.
Ngumiti ako at hinayaan ang mga bata na naka tingin sa labas ng bintana habang bumabyahe kami. "Wow! Ang taas!" manghang wika ni Tilly habang naka tingin sa mala globe na estraktura.
" Wow ang laking bilog, I'm sure Tilly magugustuhan yan ni Tito Trevor kasi diba? Mahilig siya sa mga bilog?" wika ni Heather naman.
Ngumiti lang ako habang nakikinig sa kambal ko. "Ang tawag d'yan ay Mall Of Asia Globe. Then doon sa medyo kalayuan ay ang Mall Of Asia Arena, kung saan gina-ganap ang mga mahahalagang event ng bansa. Tulad ng palaro." paliwanag ni Luna sa kambal kong anak.
Nilingon ko sila sa likod ko, umupo kasi ako sa tabi ng driver dahil gusto ko dito. Nakita ko silang naka upo pa sa magkabilang hita ni Luna. "Wow! Pwede po kami pumasok doon at manood?" tanong na naman ni Heather.
"Oo naman pero kapag may event.." nakangiting sagot ni Luna. Ngumiti na lang ako at umayos ako ng upo.
Saktong pag harap ko nakita ko ang billboard ng dati kong asawa at ang girlfriend nitong si Mildred. So, sila pa rin pala?
Well bagay sila, bagay sa lahat ng aspeto.
Pumikit na lang ako at hinayaan na makarating kami. "Kids ano gusto niyo? Si Mommy na ang bababa." tanong ko sa mga anak ko habang kinukuha ko ang wallet ko.
"Mommy yung akin po si Chicken with rice po." sagot ni Heather.
"Me too Mommy I'm hungry." sagot ng anak kong si Tilly. Ngumiti ako at binigyan ng halik ang mga ito bago ako bumaba..
Alam ko na ang bibilhin ko para sa mga kasama ko. Malayo pa ang bahay namin dito kaya hindi pa sila makakain agad.
Pag pasok ko nakita ko na konti lang ang mga taong bumibili, pumila ako hanggang may nag salita sa kabilang pilahan.
"Is that you Cierra?!" gulat na tanong nito. Nilingon ko ito at binigyan ng malamig na tingin.
"Yeah.. why?" tanong ko pabalik dito. Kung sino siya? She's Mildred Anderson ang girlfriend ng dati kong asawa.
"Oh my god buhay ka pa pala? Matapos kita paiyakin noon?" sarkastiko na tanong nito.
Lumingon ang mga tao sa gawi namin, kaya nag salita ako at tiningnan ito ng malamig. "Yeah sa pagiging home wrecker at kabit. Probably yes." sagot ko at nag order na ako ng pagkain ng mga kasama ko at anak ko.
Narinig ko pa ang singhap ng mga tao kahit ito. Nang masabi ko ang gusto kong bilhin nag salita ito. "That's not true.. so how life?" tanong nito halata sa tono nito ang pagka pahiya.
"Much better than before.." malamig kong sagot at inabot ko ang Black card ko.
"Ano trabaho mo mukhang nakaka angat ka ngayon ah? Alam mo akala ko nga noon magpapakamatay ka na eh, diba inagaw ko na ang asawa mo at worst? Ipinatapon ka pa at nakipaghiwalay pa sayo si Laxus and then namatay ang unang anak mo.." nakangiti nitong tanong.
"Thank you Miss." pasasalamat ko at nag lakad na ako. Hanggang matapat ako sa kanya.
"Una mali ka ng pagkaka alam na si Laxus ang nakipaghiwalay, dahil ako ang may gawa. Tandaan mo ito kapag nangyari sayo ang nangyari sa akin noon? Ikaw ang unang papanaw. Trust me hindi mo kakayanin." bulong ko dito at tiningnan ko ito diretso sa mata niya.
Nag salita muli ako. "Please next time don't embarrass yourself in public. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, mas apektado ka kesa sa akin." huling paalala ko at lumabas na ako ng fast food restaurant.
Mabilis akong nag lakad patungo sa van at sumakay na ako. Nakatingin lang si Luna sa akin at umiling ako. "Twins ito na kumain na kayo muna. " wika ko habang umaandar na ang sasakyan.
"Mommy sa house ko na lang po kainin yung rice ko po pwede po?" tanong ni Tilly sa akin.
"Sure anak ito na lang kainin mo muna para may laman na yang tummy mo. Heather, kumain kana rin, ikaw din Luna." utos ko.
Isa isa sila kumaha, nag order naman ako ng drinks, burger and fries para makakain na sila. Kahit kumain na sila sa eroplano kanina.
"Yehey! Thank you lord for the food and Mommy!" pasasalamat ng anak kong si Heather.
Humalik ito sa pisngi ko kaya ngumiti ako, "Thank you po papa God and my Mommy Cierra!" wika ng anak kong si Tilly.
Ngumiti ako at hinayaan ko na silang kumain. Hindi nag tagal nakarating na kami patungo sa Mansion na binili ni Mama ng umuwi dito noong nakaraang buwan.
Pag baba ko doon ko binuksan ang pinto sa likod "Ang laki po ng bahay Mommy! Para pong katulad doon sa Australia! Kaso puro glass po.." nag tatalon na wika ng anak kong si Heather.
Lumabas naman ang mga katulong at kinuha ang gamit namin. Bumati sila sa amin at ganun din ako at ang mga bata.
"Take a rest for a while then we eat lunch na. Go upstairs, Yaya Janet paki hatid po at paki tulungan ang mga bata please?" pakiusap ko.
"Opo Ma'am Cierra, twins let's go para ma preskuhan na kayo.." nakangiting aya ng magiging yaya ng kambal.
Ngumiti ako at pinanood silang umakyat, naglalaro pa ang dalawa kong anak habang naglalakad paakyat.
Naupo muna ako at kinuha ko ang cellphone ko upang mag padala ng email sa headquarters. Sinabi ko ang dapat kong sabihin ang pansamantala kong pag leave muna habang nandito ako sa pilipinas.
Pwede din naman ako makipag kita sa isa pang Secret Agent na naka base dito sa bansa.
Matapos nito napa lingon ako sa katabi ko. "Luna? Bakit hindi ka pa umakyat?" tanong ko dito.
"You saw her Ms. Cierra, saka ma'am hindi niyo pa po sinabi saan ang kwarto ko." naka nguso na parang pato nitong sagot.
Hindi ko maiwasan hindi umirap. "Come, ituturo ko na lang. I don't really care Luna, tapos na ako sa mga taong yun. Alam mo kung ano pinunta ko dito." sagot ko at tumayo na ako.
Nag lakad kami ng sabay pa akyat sa taas. "Ms.----" i cut her.
"Call me Raven or Cierra kapag magkasama tayong dalawa or with Mama." utos ko dito.
"Okay Raven, panigurado ipapamalita niya sa buong pamilya ng mga Ferrer na nandito kana at nagpakita ka ulit.." wika nito.
Nag lakad ako patungo sa kwarto nito. "She can do whatever she want Luna, I can't stop her. Pwede ko naman sila iwasan." sagot ko na lang at binuksan ang pinto.
"Ito Luna ang magiging kwarto mo habang nandito pa tayo. Pahinga ka muna tapos kakain na tayo." malamig kong sagot at paliwanag dito.
"Salamat Raven.." nakangiti nitong pasasalamat. Tumango ako at nginitian ito ng tipid.
Pumasok na ako sa kaharap na kwarto, doon ko nakita ang kambal ko na natutulog na. Nilipatan ko ito at binigyan ng halik sa noo.
Simula ng mangyari ang lahat ng yun, hindi na ako masyado ngumingiti tulad ng dati. Siguro ganun talaga ginusto ko baguhin ang sarili ko, hanggang sa nasanay na ako.
Nag bihis na muna ako ng pambahay, mabuti at presko ang damit na sinuot ko ng umalis kami sa Australia, dahil kung hindi sobra pala ang init sa Pilipinas.
Nang hindi ko matiis ang init nag quick bath ako, hindi nagtagal lumabas na ako ng naka roba. Habang nagbibihis ako nakita kong umilaw ang logo sa likod ng laptop kong itim.
Mismong agency ang nagbigay sa akin ng laptop na ito, para lang ito sa mga mission namin. Tinapos ko mag bihis at agad kong binuksan ito.
Kinabit ko sa tainga ko ang black earpiece sa tainga ko at pinakinggan ang sasabihin sa laptop.
"Welcome to Dangerous Conquerors,"wika ng A.I
"Agent. Freyah Knoxville agent number 009 i want to talk Agent. Willis." wika ko at binaba ko na sa maliit na table ang laptop ko.
Nakita kong pumasok si Luna sa kwarto ko at umupo ito sa tabi ng aking kambal. "Agent. Knoxville we are sorry but Agent. Willis is not available right now.." sagot sa akin ng A.I hindi naman ito basta basta A.I lang.
"Okay, what I want you to do is send this message to him. Agent Freyah Knoxville is here now in the Philippines.." yun lang ang sinabi ko at sumagot ito.
Ito na rin ang bumaba ng tawag nito. "May bago ka na namang mission?" tanong sa akin ni Luna.
Sinara ko ang laptop ko at umiling. "Wala gusto ko lang ipaalam, may balita ka ba kay Peterson?" tanong ko dito.
"Ang nasagap ko lang na balita ay umalis ito ng bansa kasama ang bestfriend nito at ang asawa ng kanyang kaibigan." sagot ni Luna.
Tumango na lang ako at hindi na umimik pa. Hanggang tawagin na kami ng katulong mula sa intercom. "Mga maganda kong anak gising na kakain na tayo ng lunch.." malambing kong wika sa mga anak ko.
Binigyan ko ng halik ang mga ito sa leeg nila na kina tawa ng dalawa.
"Mommy! Hahaha stop po!" awat ng anak kong si Heather.
Natawa naman ako at binuhat na ito. Sunod ang panganay ko na si Tilly, "Ang cute niyo mag iina. Here may picture ako na kinunan ko kayo." wika ni Luna at pinakita ito sa'min.
"Wow! Ang ganda po ng Mommy Cierra po namin d'yan tita Luna." wika ni Heather at nag pabuhat ito kay Luna na agad naman binuhat ni Luna.
"Ay oo naman maganda talaga ang Mommy mo!" pagsang-ayon ni Luna, umiling na lang ako habang tahimik si Tilly na buhat ko.
Distracted ito sa pendant ng necklace ko, my zodiac sign kasi ang aking pendant. Bumaba na kaming apat.
Kung ako ang tatanungin bilang ina ng kambal na ito, ay hindi madali. Una dahil minsan may pagka pareho sila ng ugali minsan naman ay hindi.
Minsan nag aaway sila sa isang bagay na maliit lang ang pinagmulan. Kaya para maiwasan yun kailangan lagi silang kausapin, bantayan at bigyan ng parehong atensyon. Dahil hindi maiiwasan ang hindi mag selos ang isa..
Si Tilly ang maingay na sa kambal mahilig ito ngumiti sa mga tao at mabilis itong makagaanan ng loob. Habang si Heather ang bata na mag tatago sa likod mo kapag may bagong tao sa harap mo o niya mismo.
Pero kapag gusto niya ang tao na yun, she always smile to you and talk and talk more. "Luna, ibigay mo sa akin ang sales report ng Fior Scent bukas and then we need to go there.." utos ko kay Luna habang kumakain kami
"Opo, hawak ko na po ang report ma'am nasa email ko na siya. Iprint ko na lang po." sagot nito.
"Nah, just send ito to me later na lang para aralin ko and then meeting tomorrow morning 10:30 am to be exact no Late!" sagot ko.
"Got it!" sagot nito.
Nag patuloy kami sa pag kain hanggang matapos kami, ang mga bata naman ay hinayaan ko muna mag laro sa likod kasama ang kanilang bagong yaya.