Always knew I didn't belong in this world. Wasn't made for me.
But I'll never forget those who BETRAYED ME, and those who never FAILED MY TRUST.
-
" You play games, I play tricks."
- CIERRA RAVEN FIOR " a.k.a " Agent. Freyah Knoxville -
~
RATED; R-18 !!
WARNING TRIGGERED !!
(Maaaring may mararahas na eksena at halo halong eksena ang kwento na ito. Maaari pong hindi basahin kung ikaw ay under 18 years old."
SALAMAT PO !
*************************************************
Napa hilot ako sa sentido ko matapos ko marinig ang sinabi ng secretary kong si Luna, "Wala na bang ibang mag aasikaso niyan?" tanong ko dito.
Tiningnan ko ito at umiling ito ng marami, kaya lalo akong nainis. "Ma'am Cierra kailangan po ninyo bumalik sa Pilipinas para sa dalawang branch niyo ng Fior Scent." nahihimigan ito ng pakiusap.
Tumango na lang ako at nag salita na. "Mag book ka ng flight kasama ka at ang mga bata bukas na bukas. Gusto ko maaga para hindi sobrang init pagbaba ng eroplano." malamig na paliwanag ko dito.
Ngumiti ito na kina irap ko. "Stop it Luna! Hindi ako pwede mag tagal doon, alam mo kung anong trabaho ko dito sa bansa na ito.." suway ko dito dahil alam ko na ang ngiting yan.
Agad naman itong sumimangot at tumayo na agad. "Opo Ma'am Cierra, aasikasuhin ko na po ang kailangan ninyo at ng mga kids.." paalam nito at yumuko na.
Napa hinga ako ng malalim at umiling, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mama. Agad naman itong nag ring at sumagot kalaunan. "Ma, ipag impake mo ang mga gamit ng mga bata please?" Pakiusap ko sa Mama ko Catherine ko.
"Wait-- why I'm gonna do that?" tanong ni Mama sa akin.
Bumuntong hininga muna ako at in-explain ko na lahat sa kanya kung bakit.
"Oh? Do you need to do that? May mga tao ka doon anak, paano kung harasin ka ulit ng pamilya ng dati mong asawang impakto?" tanong ni Mama.
I know she's worried. Pero may takot pa ba ako? The only thing that I should be scared of is for my children's safety.
"Ma, ang kumpanya ang dahilan bakit ako bumalik doon at hindi sila. If ever na mag cross ang landas namin ulit, ako na mismo ang unang iiwas." paliwanag ko kay Mama para mapanatag na ito.
Narinig kong nag pakawala ito ng malalim na buntong hininga. "Okay sige, sasama ako anak dahil hindi ako -----" i cut my mom.
"Ma, dito ka na lang paano ang kumpanya ko dito? Haist mag usap tayo pag uwi ko. I Love you ma." paalam ko at hindi ko na ito hinintay mag salita pa.
Napa sandal ako binaba ang cellphone ko sa table ko, It's been 3 years simula ng umalis ako ng bansang Pilipinas para dito tumira sa Australia.
Na ipikit ko ang mata ko at naalala ko ang lahat ng nangyari noon.
Napahawak ako sa aking t'yan nang makita ko kung paano ako tinulak ng dati kong asawa ko sa hagdan to get rid my baby and he succeeded.
Tumulo ang luha ko, nakita ko ang maraming dugo sa hita ko at kamay. "My baby Moon.." bulong ko, lahat ng pasakit ko sa pamilyang yun tiniis ko sa loob ng dalawang taon.
Dahil mahal ko ang dating asawa ko, ka martiran man pero ginawa ko yun, hanggang dalhin niya ang kanyang first love sa bahay na si Mildred.
Imbes na ako ang asawa ako ang naging katulong, hanggang dumating ang panahon na inakusahan akong nag nakaw at nag pa buntis sa ibang lalaki.
Napa higpit ang hawak ko sa tiyan ko at dinilat ba ang mata ko. "Hindi mo na dapat inaalala ang nakaraan Cierra. Tapos na yun, kalimutan mo na.." bulong ko at tumayo na ako upang mag handa sa pag uwi ko.
Sisiguraduhin ko pa maayos na ang mga gamit ng mga anak ko. Matapos ko mai suot ng panlamig ko na makapal na Coat Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng aking opisina.
"Luna?" tawag ko sa secretary ko.
Nakita kong tumayo ito at tiningnan ako.
"Yes Ma'am?" tanong nito sa akin at lumapit sa akin.
"Si Mama ang tatayo bilang CEO simula bukas. Mag bigay ka ng Permission for power na sa kanya muna ang kumpanya iaasa. Alam mo ba kung ano ang tinutukoy ko." pagpapaliwanag ko dito.
Tumango ito at nag salita. "Opo special power ang gusto niyo. Ma'am i send ko na lang po sa inyo ang passport ninyo with kids po." magalang na wika nito.
Umiling ako at nag salita. "Pumunta ka sa bahay mamayang 8pm sa bahay ka matulog, sabay na tayo bukas para hindi kana mahirapan pa." malamig kong sagot dito.
Tumango ito at nag paalam na ako na uuwi na ako. "Ingat po kayo ma'am!" palala nito
Nagtataka kayo kung bakit filipino ang dayalekto namin? Dahil halos lahat ng empleyado ko ay pilipino na nangimbansa upang maitaguyod ang kanilang pamilya.
Nang malaman ko yun nag bukas ako ng hiring na mababa ang expectation at bumase lang kami sa kanilang klase ng trabahong inapplayan.
Ganito naman talaga dito, kung ano ang papasukin mo hindi mo kailangan ng komplikadong requirements. Pag sakay ko ang elevator may naka sabayan pa ako na bumati sa akin.
Nginitian ko lang ito hanggang makarating na ako ng underground parking ng kumpanya ko. Lumabas na ako at nag tungo sa aking sasakyan na Mercedes Benz.
Kung paano ako nagka pera para mag patayo ng kumpanya? Simple, nagtungo ako sa Australia para maghanap ng trabaho hanggang matanggap ako sa isang Perfume Company.
Naging maayos ang trabaho ko at binigyan ako ng promotion hanggang naging supervisor ako. Hanggang tinuruan ako ng amo ko paano gumawa ng Perfume.
Sabi niya sa akin pag dumating ang tamang oras at may pera na ako pwede ako mag patayo ng sarili ko. Nalaman niya ang nangyari sa akin sa dati kong asawa ko.
Tinulungan niya ako na tinanggihan ko naman, dahil ang gusto ko pag hirapan ko, pumayag siya at hinayaan akong sumama sa mga seminar, minsan bilang representative ng kumpanya.
Nang matuto na ako sa lahat, nagaral naman ako ng kolehiyo dito ang hindi ko na ituloy sa Pilipinas ay dito ko tinapos. Nagbunga ang lahat ng ginawa ko.
Ang paghihirap, puyat at sakit sa ulo dahil sa mga perfume na ang tatapang ng amoy dahil sa mali kong ginawa. Habang si Mama binenta ang lahat ng ari-arian namin na iniwan ng yumao kong ama, upang sumunod dito sa Australia.
Mabilis kong minaneho pauwi ang sasakyan ko sa bahay kung nasaan ang pamilya ko. Kung may balita pa ba ako sa ex husband ko?
Wala na, Siguro dahil hindi ko na rin pinagtuunan ng pansin pa. Dahil yun naman talaga ang dapat gawin.
Dumaan muna ako sa paboritong bakery ng mga anak ko. Bumaba ako matapos ko iparada ang sasakyan ko, nag tungo ako sa pinto at pumasok.
"Good evening Ma'am." naka ngiting bati ng babae sa'kin.
Ngumiti ako at nag salita din. "Good evening too, I would like to order five onion bread and 5 pieces strawberry cupcakes and vanilla and chocolate cupcakes 5 pieces too. " wika ko at tinuro ko ang mga gusto ng anak ko at ang gusto kong onion bread.
"Okay Ma'am, anything else?" tanong nito habang naka ngiti.
Hanggang naalala ko ang mga katulong at si Mama sa bahay. "Please i like this one, what is this sorry?" pagtatanong ko.
"Oh, that's a new flavor Ma'am. Roasted peanut with vanilla extract cake, and this one is Chiffon Cake." sagot nito habang inaayos ang order kong nauna.
Nginitian ko ito. "Give me that two. Thank you!" pasasalamat ko at inilabas ko ang black card ko.
Luminga ako sa paligid hanggang matapos ito at mag salita. "Here Ma'am thank you for coming!" pasasalamat nito at balik sa akin ang card ko.
Kinuha ko naman ang binili ko at nginitian ito, lumabas na ako ng store at nilagay ng maayos ang binili ko sa passenger seat ng makarating ako sa sasakyan ko.
Nang mag umpisa na akong maneho agad nakita ko ang logo ng Organization. Napa iling ako ng maalala ko na kailangan ko pa pala mag report sa headquarters. "Totoo ba na babalik ka ng Pilipinas? Cierra?" tanong ni Trevor sa'kin.
"Oo Trev, kailangan ako ng Kumpanya doon." sagot ko dito habang nagmamaneho.
Nag flash ang mukha nito sa maliit na monitor ng sasakyan ko. "You want me to come with you? Kasama ba ang kids?" tanong nitong sunod sunod.
Hindi ko makuha na lumingon dahil narin kumakapal na ang hamog sa paligid. "Yes, Hindi na Trev kapag nasa pilipinas na ako, i Call you at saka ako mag bubukas at mag rereport sa organization." sagot ko at binaba na ang tawag nito.
Ayoko kasi na tatanungin nila ako sa maraming bagay, basta nag bigay ako ng isang salita okay na iyon. Hindi nagtagal nakauwi na ako at doon ko nakita ang dalawang anghel ko na naka silip sa salamin ng pader ng bahay, hindi ko maiwasan hindi mapangiti at inayos ko ang parada ng sasakyan ko muna bago bumaba.
Matapos bumaba ako at kinuha ko ang mga binili ko. "Ma'am tulungan ko na po kayo, bago ko ipasok ang sasakyan sa garahe.." pagkukusa ng driver ko na si Kuya Jojie.
"Sige po, salamat po. Bilisan niyo lang kuya at sobrang lamig!" pakiusap ko dito.
Tumawa lang ito at tumango na lang, mag ka sunod kaming pumasok at agad sumalubong ang dalawa anak ko. "Mommy Cierra!" tawag ng mga anak ko sa'kin.
Lumuhod naman ako at binaba ang bag ko at niyakap ko ang dalawang anghel ko, pinag halik halikan ko ang mga mukha ng mga ito. "I miss you both sweetie. Tilly and Heather." tawag ko sa anak ko.
I heard them little giggle at niyakap ako mahigpit. "We miss you too Mommy! " sagot ng dalawa kong anak.
Tumayo na ako at binuhat silang dalawa na kina tuwa naman nila. Well kaya ko naman sila, twins ang anak ko both are girls.
"Mommy, sabi ni Mamita uuwi tayo ng Pilipinas and Hindi siya kasama. Why po?" tanong ni Tilly sa'kin. Siya ang panganay ko sa kambal.
Natawa naman ako at umupo muna ako sa mahabang couch at inupo ko silang dalawa sa tig isang hita ko. " Well, kasi wala mag aasikaso sa business ni Mommy Cierra dito, so kailangan talaga maiwan si Mamita. But, don't worry babalik tayo agad kapag natapos na ni Mommy ang trabaho okay?" mahabang paliwanag ko sa anak kong si Tally.
"Then we can play again Mommy?" tanong ni Heather sa'kin. Ngumiti ako at hinaplos ang malambot nitong pisngi.
"Yes baby.." sagot ko at nginitian ito.
"Kailangan ba talaga na isama ang dalawa? Pwede naman sila maiwan dito." tanong ni Mama, hawak nito ang platito na may pagkain ng anak ko.
" Oo ma para naman makapag pahinga ka sa pag aalaga, gusto ko din maka sama ng mahaba ang anak ko. Kung wala naman problema dito sumunod ka lang." nakangiti kong sagot.
Mabilis bumaba ang dalawa kong anak at lumapit sa Mamita nila. "Okay sige usapan yan ha? Kapag ginulo ka nila tell me uuwi ako agad." may pagbabanta sa tono ng boses ng Mama ko.
Natawa naman ako at kinagatan ang hawak nitong onion bread. "Hey! You ---" suway ni Mama sa'kin at pinalo ang braso ko.
Narinig ko tumawa ang anak ko kaya natawa na ako. "What? Ma baka nakakalimutan mo anong trabaho ko ngayon bukod sa kumpanya? Tingin mo ba papatalo ako?" tanong ko kay Mama.
Nilisan ko ang gilid ng bibig ko at ang mga bata. "Well, walang duda doon pero sana this time tigilan kana nila. Tapos na hindi ba uso mag move on sa kanila?" tanong ni Mama.
Nagkibit balikat ako at saktong pasok ni Luna at agad itong mag Hi sa mga bata at Mama. "Luna, ang kwarto mo second to left in front Mama's room." turo ko sa magiging kwarto nito.
"Opo Ma'am." sagot nito. Nakipag laro pa muna ito sa mga anak ko.
Ako naman ay tinapik na ang balikat ni Mama at ang paalam ako na umakyat na sa kwarto namin ng mga anak ko.
Nag bihis muna ako at nag labas ng susuotin ko bukas at sa mga anak ko. I double checked my twin's luggage, nandun pati ang kanilang mga personal papers at mga gamit nila na kailangan kapag nasa bansa na kami.
Matapos iyon inayos ko naman ang mga gamit ko din. Nilabas ko ang mga personal na gamit ko na hindi pinapakita sa mga anak ko.
Kasama ito sa dadalhin ko dahil kailangan ko, nagpadala ako ng text message sa driver ko at mabilis itong umakyat. "Ma'am, ano po ipag uutos niyo?" tanong nito.
"Dalhin mo po ang dalawang ito, huwag mo bubuksan." sagot at utos ko.
"Sige po ma'am. Ilalagay ko na lang po sa likod ng sasakyan." sagot nito. Tumango ako at inutos ko din na kunin ang mga luggage namin para bukas mga bata na lang ang aasikasuhin ko.
Matapos mailagay lahat ng kailangan ko, bumaba akong muli nakita ko si Luna na kausap ang mga anak ko. "Oh ayan na si Mommy!" wika nito sabay pa ang pag palakpak nito.
"Mommy! I'm super duper hungry na!" nakasimangot na reklamo ng anak kong si Tilly.
Napa ngiti naman ako at binuhat ko ito at pinag hahalikan ulit. "Lagi na lang gutom ang panganay ko!" wika ko
"Hahaha! Mommy! S-stop n-na po!!" tumatawa nitong awat sakin hanggang tumigil na ako. Tiningnan ko ito at nakita ko na hiningal na ito.
Natawa lang ako at inaya na sila, i know magulo ang buhok ko dahil naka nganga si Luna at naka tingin sa buhok ko. Habang ang bunso ko tumatawa lang.
"Kumain na tayo, ang bunganga mo Luna.." malamig kong aya at tumalikod na ako.
"Heather! Buhat ako ni Mommy!" pag papa-inggit ng panganay ko.
"Ako din Mommy!" sigaw ng anak ko kaya wala akong nagawa kundi buhatin silang pareho.
"Happy?" tanong ko sa dalawa girls ko. Inupo ko sila sarili nilang upuan. They both 4 years old but sa kilos nila at pananalita.
Para na silang nasa anim na taong gulang na na bata. "Mommy very very happy po!" sagot ng anak kong si Tilly.
Ngumiti naman ako at umupo na ako sa tabi ng kambal ko. "I'm happy too my beautiful daughters." sagot ko.
"Ay naku kumain na tayo. Jojie, manang Hilda, Panying kain na!" malakas na tawag ni Mama na kina takip ng tainga ng kambal.
Natawa naman kami ni Luna ng sabay, dahil sa sabay na reaksyon ng anak ko. "Mamita is very noisy!" hiyaw ni Heather na lalong kina tawa ko.
"Ganun ba apo? Hayaan mo dahil bukas wala na kayo dito sige kayo ma miss niyo si Mamita!" wika ni Mama at umupo na ito. Sinandukan ko naman ang mga anak ko ng pagkain nila.
"But, Mamita we can do a video call or call po para we can talk parin po. Diba Mommy?" tanong ng anak kong si Heather.
"We sweetie, but for now kumain na muna tayo.." awat ko at tiningnan si Mama para wag na sumagot.
Nang dumating ang mga kasama namin sa bahay ay sabay sabay na kami kumain.
MATAPOS kumain, binashan ko ang mga anak ko ng bedtime story habang nakaupo ako sa gilid ng kanilang kama. Ang kama ng mga anak ko ay nasa kwarto ko lang din, bukod ang kama nila sa akin.
Nang makita kong tulog na tulog na sila ngumiti ako at nilagay sa bag ko na dadalhin bukas ang favorite books sila. Hinalikan ko ang mga pisngi ng aking kambal.
"Good night sweetie i Love so much.." bulong ko at kinumutan ko na sila. Pinatay ko na muna ang ilaw bago ako humiga at natulog.
-
AUTHOR'S NOTE;
BACK ON TRACK ULIT AKO AS A WRITER! SANA PO SUPORTAHAN NIYO DIN PO AKO SA KWENTO NA ITO.
ULIT MARAMI PONG SALAMAT SA SUPORTA PO AT SA MGA BUMOTO KAY FLAME S3..
SALAMAT PO !!