CIERRA RAVEN FIOR
KINAUMAGAHAN nag paalam ako sa mga bata na papasok muna ako sa trabaho after walk we can go out para ipasyal sila.
Mabuti at pumayag dahil kung hindi panigurado ako na mahabang oras na suyuan at pakiusapan na naman.
Hawak ko ang paper na aaralin ko habang nasa opisina ako, kung kailangan pa ba ng welcome back party? No i refuse to it, sapat na sa akin na makita silang maayos at ginagawa ang mga trabaho nila.
I'm not a kind of terror boss, well gusto ko lang na ginagawa nila ng maayos ang lahat kahit may pagkakamali sila. I always choose to resolve it before ko sila kausapin kung bakit nag ka ganun.
Naka tigil ako sa pag babasa ng bumukas ang pinto. "Ma'am the meeting room is now ready for your coming." wika ni Luna. Tumango ako at tumayo na.
Hawak ko ang sales report, rason? Bumaba ang sale nila ng halos 5% sobrang laki nito kumpara sa sales sa Australia and France sales.
Inayos ko ang suot ko at pumasok na ako lahat agad nag tayuan "No greetings.. let's the meeting begin. Take a sit," utos ko habang naglalakad ako at umupo na ako sa pwesto ko.
Tumayo naman ang manager ng store ko na nag ka problema. Si Luna naman ay ginawa na ang trabaho nito.
"First thing first, what's your name again sorry?" tanong ko. Malayo ito at hindi ko magawang mabasa ang pangalan nito.
"Sales manager po siya Ma'am, siya po si Mrs. Pilleja." bulong sa akin ng sekretarya ko.
Tumango ako at sinensayan na ito at nagsimula na itong mag salita at pinakita sa amin kung anong pinaka rason kung bakit ganun ang pag bulusok pababa ng sales kumpanya.
Nilagay ko ang lapis sa ibabaw ng tainga ko habang ito ay naka ipit sa mismong tainga ko. " Dahil sa pag labas ng bagong amoy ng kalaban kaya tayo bumuluskk tama ba ako?" tanong ko sa kanila
Tumango naman ang isang empleyado ko. "At Ma'am sinasabi din po kasi ng ibang consumer na masyadong mahal ang Fior Scent.." malungkot na wika nito.
Tumango ako bilang tugon. "Inaasahan ko na yan, praktikal ang mga tao sa Pilipinas kahit mahirap sila gusto pa rin nila bumili ng mga pabango. Ngunit mas ta-tangkilikin nila ang produkto kung mura lang ito pero dekalidad.." paliwanag ko at sumandal na ako at pinag laruan ang lapis sa kamay ko.
"Hindi ko iniinsulto ang mga pilipino. All i want to say is, kahit pa gaano kahirap ang pinoy, bumibili parin sila, ngunit doon sila sa kaya ng kanilang bulsa. Ang Fior Scent ay hindi kasama sa list nila dahil international ito at mahal," paliwanag kong muli.
Tumango naman sila at nag ka tinginan. " I want you to introduce our new packaging for our Sephora Fior Scent. Roll-on style. This mini roll on perfect and mini spray style they can choose perfume they want." wika ko at pinakita sa kanila ang idea ng disenyo.
"Ma'am ang ganda po nito panigurado marami po ang bibili nito." wika ng isa sa mga tao ko.
Ngumiti ako "Ma'am Cierra? Mag babago po ba tayo ng packaging?" tanong sa akin ng manager.
Umiling ako bago sumagot. "Hindi natin ipu-pull out ang original, gagawa lang tayo ng pang matagalan na solusyon sa mga problema natin.." sagot ko na kina tango nito at kina ngiti naman ng mga kasama nito.
"Guys i want you to present me your design for this Perfume or mini spray and roll-on. I need it badly in 3 days or hanggang matapos kayo, okay ba?" tanong ko sa kanila.
"Okay na okay po!" sagot nilang lahat ngumiti ako at nag pasalamat.
"Okay, you may all go.." wika ko at saka naman sila nag si labasan.
Napa hinga ako nga malalim at tumingin ako sa labas ng bintana ng meeting room. "Ma'am, papunta na po ang mga bata dito. " mahinahon na wika ni Luna.
Ngumiti ako at tumango, "Sumama ka sa amin para may kasama ako sa dalawang bata. Alam mo naman diba?" tanong ko dito.
Tumayo na ako at kinuha ko ang folder na iuuwi ko sa bahay. "Oo naman po ma'am, sasama po ako. Akin na po yan, ako na mag dala." sagot nito at kinuha sa akin ang folder na hawak ko.
Tumango ako at hindi na lang sumagot, mag ka sunod kaming lumabas at bumalik sa opisina ko. Hanggang marinig ko ang usap usapan sa opisina dito lang din sa floor ko.
"Totoo ba na sa darating na sabado may party ang nga Ferrer? " wika ng isang tauhan ko at nilingon ko naman si Luna.
Pumasok na ako at saka lang ito nag salita. "Kasabay din ng engagement party ang celebration.." seryosong wika nito.
Tumango na lang ako at nag salita, "Mabuti naman at lahat naka move on na." wika ko at umupo ako.
"Pero naka tanggap ang Fior Scent ng invitation, Raven hindi nila alam na ikaw ang may ari ng kumpanya. " may pag aalala sa boses ni Luna.
Inabot sa akin nito ang isang off white invitation card at Kinuha ko at binuksan. "I'll go, i think it's time to face them at para matahimik na ang lahat tungkol sa sino ang may ari ng Fior." wika ko at hinagis lang ang invitation card sa mesa ko
"Sigurado na magugulat sila, kilala ka nila bilang Cierra Garcia ngayon ay bilang Fior na." wika ni Luna.
Nagkibit balikat ako, behind that story ayaw ni Papa ipa-gamit ang Fior niyang apelyido noong ikasal ako kay Laxus. Gusto niya makita kung paano trumato ang mga Ferrer kapag mahirap ang pinakasalan ng anak nila.
Tama ang Papa ko na hindi mapag kaka tiwalaan at peke ang pinapakita na bait ng mga ito. Nagpanggap ako bilang Cierra Garcia not Cierra Fior, yun lang naman pumayag ako dahil noong nakilala ko si Laxus nag ta-trabaho ako sa isang bar bilang server ng alak. Ayoko sa kanya that time dahil usap usapan na babaero ito at arogante.
Nagpakilala siya at ako naman din bilang Cierra Garcia, doon ang simula ang lahat. Kung gaano ka gag* ng lalaki na yun?
Pinag kalat sa ibang tao na nabuntis niya ako but in reality? Isa lang yun panakip butas niya sa mga kalokohan niyang ginawa.
Enough that saka ko na lang iku-kwento ang tungkol sa bagay na yun. "Hayaan mo sila mag taka wala akong oras para sagutin sila sa pag tataka nila. They invited me then I'll go there.." casual na sagot ko
Sasagot pa sana ito ng marahas bumukas ang pinto ng opisina ko. "Mommy! Tita Luna!!" sigaw ng kambal ko.
Ngumiti naman ako at tumayo na lumuhod ako at sinalubong sila ng yakap. "Are you ready for today?" tanong ko sa mga anak ko.
"Yes mommy!" wika ni Heather at tumalon talon pa ito.
"Tita Luna?" tawag ni Tilly kay Luna.
"Yes?" tanong ni Luna, ako naman ay inayusan ko ang buhok ni Heather. Heather and Tilly is look like me.
Black hair but their eyes is light brown color, which mine is not. Ngumiti ako at ng maayos kong nilagyan ng ribbon na pink ang buhok ng anak ko. "Can we go to Manila Ocean Park? You said a long time ago na maganda doon.." tanong ni Tilly.
Agad akong nag salita. "Yun ang una nating pupuntahan, then punta tayo sa mga gusto niyong lugar." wika ko.
"Yehey!" masayang wika ng anak kong si Tilly. Tilly and Heather is a identical twins.
But Tilly has cute mole in her cheek sakto ito sa dimple niya. Pareho din silang may simple sa gilid ng mga labi at ibaba meron din sa pisngi.
Meron silang parehong cat eye na sobrang bagay sa kanila. Ang pinag kaiba talaga nila ay height.
Dahil si Tilly ang matangkad at si Heather ang may kaliitan ng konti. "Mommy, after that can we eat din po?" tanong ni Tilly sa'kin. Natawa naman ako at tumango.
"Sure, let's go para mas mahaba ang oras ng pasyal natin." aya ko at binuhat ko ang anak ko na si Heather.
Humawak naman si Tilly sa isa kong kamay. Sabay kami lumabas lahat at doon nag paalam ang mga anak ko. "Ba-bye! " paalam nilang sabay na kina gigil ng mga tauhan ko.
Tumawa na lang ako hanggang maka sakay kami ng elevator. "Mommy? I'm hungry.." bulong ni Heather sa akin.
"Me too mommy!" segunda ni Tilly sa kanyang kambal.
"Okay bibili tayo ng foods para habang nasa byahe tayo kakain kayo. Okay ba? O mag restaurant muna tayo?" tanong ko sa kambal at kay Luna.
" Kahit saan ako Ma'am." nakangiti na sagot ni Luna.
"Mommy kain muna tayo?" pagtatanong ng anak ko.
"Okay kumain muna tayo para may energy kayo.." wika ko at tumango.
Natuwa ako at excited ang mga anak ko na kumain muna bago kami mamasyal. Hindi pa naman ako agad makaka balik ng Australia dahil kailangan ko ma sigurado na maayos ko maiiwan ang kumpanya dito bago ako bumalik.
Is not easy but i would do everything to make it Easy. Sinakay ko ang mga bata sa kotse ko at pina sunod ko na lang ang driver namin. Gusto ko ito kasama upang may mangyari man. Mabilis ko mailalayo ang mga bata sa akin.
Dahil hindi porket is akong Agent ay wala ng humahabol sa akin na dating naka bangga ng mga dati kong kliyente. Nag maneho na ako patungo sa isang Italian restaurant dito lang din sa Manila.
Ang mga bata naman ay busy parin sa pag tingin sa mga nag tataasan na building ng Manila. "Mommy may helicopter sa taas oh! Look po!" turo ni Tilly sa itaas.
"Honey i can't do that, I'm driving baby." mahinahon kong sagot.
"That sad mommy." sagot ng anak ko at natawa naman si Luna at si Heather.
Nadaan ko ang kumpanya ng pamilya Ferrer sa labas pa lang alam ko na ang namumutawi ang karangyaan sa buhay nila.
Hindi nag tagal nakarating na kami at nag agad namin tinungo ang restaurant. Kasama pa rin namin ang aming driver na si kuya Tommy.
"Luna mag order kana then I'll go the ladies room, i wash my hands first." utos ko kay Luna. "Kuya Tommy kayo din okay? " baling ko kay kuya Tommy.
"Opo ma'am." sagot na sabay ni Luna at kuya Tommy.
Tumango ako at humiwalay na sa kanila. Pareho naman nilang buhat ang kambal, nag lakad ako patungo sa ladies room at agad akong nag hugas ng kamay ko.
Pinatuyo ko muna ang kamay ko bago ako lumabas. Habang naglalakad ako may naka banggaan ako. "Darn!" daing ko at hinawakan ko ang dibdib ko.
"Sorry Miss---- Cierra?!" gulat na tanong nito. Agad kong nakilala ang boses nito.
Tiningnan ko ito at doon ko nakita ang mukha ng dati kong asawa na si Laxus. "Watch your step next time." yun lang at naglakad na ako palayo sa kanya.
Ngunit humabol ito at hinawakan ang braso ko at pilit pinaharap sa kanya. "Cierra hindi mo ba ako naalala?" tanong nito. Halo halong emosyon ang nababasa ko sa mata nito.
"Naalala..." sagot ko at nakita ko ang pag ngisi nito. Magsasalita pa lang ito ng mag salita ako agad. "Pero mas ginusto ko ng kalimutan at hindi na kilalanin pa. So i can go now? " malamig kong wika at tanong dito.
Inalis ko ang kamay nito at tumalikod na akong muli. I don't want to deal with him o kahit sino sa kanila, i want a peaceful life kahit pa isa akong agent.
Nag lakad na ako patungo sa table, kung saan nakita ko agad ang mga anak ko na enjoy na enjoy pinapanood ang buhay na lobster sa isang glass aquarium sa tabi nila.
"Mommy! Look po buhay po sila then sabi po ng waiter d'yan po daw kinukuha yung lobster na kakainin natin." wika ni Tilly habang si Heather naman nag uumpisa nang umiyak.
Tiningnan ko si Luna na tumatawa. "She upset ma'am kasi po papatay*n daw po ang mga Lobster." wika nito. Habang ang driver namin at tumatawa lang din.
Umiling ako at nag salita. "Heather baby? Ganun talaga okay, don't be so upset okay, my baby?" hinaplos ko ang pisngi nito.
Pinunasan niyo ang mata niya ng likod ng palad niya at lumipat sa hita ko at dito umupo. Niyakap ko ito at binigyan ko ito ng halik.
LAXUS TIMOTHY FERRER
"Babe?! Are you still there?" nagising ako sa malalim kong pag iisip ng marinig ko ang boses ng girlfriend kong si Mildred.
"Yes babe, by the way I'll hang up i will call you later.." paalam ko at binaba ang tawag nito ng hindi ito hinihintay sumagot.
"Naalala ko. Pero mas ginusto ko ng kalimutan at hindi na kilalanin pa. So i can go now? "
"Naalala ko. Pero mas ginusto ko ng kalimutan at hindi na kilalanin pa. So i can go now? "
Paulit ulit itong bumubulong sa tainga ko, after 3 years nagpakita na siya? Matapos ang nangyari sa amin ng dati kong asawa.
Mula sa panlabas nito malaki ang ginanda ng katawan nito at malaki ang pinag bago nito paano sa akin tumingin.
Kung noon alam ko na mahal na mahal niya ako, pero ngayon? Ramdam ko ang pagkawala ng interest nito sa hindi ko alam na dahilan.
I saw her dark brown eyes, something behind that eye. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang private investigator ko. Hindi ako matatahimik ng hindi ko na lalaman ang nangyari sa kanya sa maka lipas ng tatlong taon.
"Mr. Ferrer what can i do for you?" tanong sa akin ni Badao.
"Gusto ko mag imbestiga ka kay Cierra Garcia. I want information asap." utos ko.
"Okay sir, balitaan ko kayo bukas agad." sagot nito. Binaba na nito ang tawag ko at ako naman ay binuksan ang laptop ko.
Nakita ko ang email ng secretary ko na ang confirm ang Fior Scent CEO na pupunta sa party sa darating na sa sabado. For a long try sa wakas pumayag din ito.
Balita ko din nasa Pilipinas ang CEO and President ng kumpanya na ito, walang nakakaalam kung sino siya. Kahit sa mga interview lagi itong naka tago o kaya naka shade itong haharap sa mga camera.
Kaya halos hindi ma mukhaan ito. Matutuwa ang Daddy sa oras na malaman niyang napa payag na ng kumpanya ang Ms. Fior na yun.
I call my dad, hindi nagtagal ng sumagot ito. "Son, napa tawag ka? " tanong ni Dad.
"I have a good news dad. Napa payag ko ang mailap na Fior Scent CEO na pumunta sa ating party sa sabado." nakangiti kong sagot dito.
"Oh? That's great news anak! Good job! Gusto ko tayo ang sasalubong sa kanya sa oras na makapasok siya sa ating party. Okay? I expect you to be a good man for her.." dad's said.
Kahit ayoko dahil ang date ko ng gabing yun, ay walang iba kundi si Mildred I can't say no to my father. "Okay dad, i got it." sagot ko at nag paalam na ako.
Natamaw ko mula sa upuan ko ang pag sara ng pinto mula sa backseat ng isang Mercedes Benz
Nang makita ko ang mukha nito, It was Cierra, ibang iba ang physical appearance nito, her eyes like a cold as ice walang kasing lamig at emosyon.
"She's rich now?" pag tataka ko, base sa sasakyan nito alam ko na mayaman ito ngayon.
Coming from a bar job noon? Ito na siya, I don't believe this. Kailangan ko malaman kung anong sekreto ng dati kong asawa.