CHAPTER 10

2668 Words
CIERRA RAVEN FIOR Dumating na ang damit na susuotin ko para sa birthday party ni Laxus and engagement nila ni Mildred ready na rin ang paunang regalo ko para newly engaged. Hindi rin ako kinakabahan tungkol sa lumabas na balita tungkol sa akin. Little mistake lang naman yun kaya hindi ko na yun pinansin. "Mommy? Pwede po ba kami sama sa'yo sa office?" tanong ng anak kong si Heather. Yumakap ito sa legs ko kaya umupo ako sa paahan ng bagong kama namin. "Sure pero uuwi din tayo agad kasi pipirma lang naman si Mommy.." sagot ko. Pasagod pa lang ito ng tumawag si Mama naka video pa ito agad kong sinagot dito. "Hello ma! Hey kids Mamita oh!" masaya kong tawag sa anak ko. Mabilis tumayo ang anak kong si Tilly, inayos ko ang cellphone ko at inupo ang kambal sa aking magkabilang hita. "Mga apo ko! Uwi na kayo miss na kayo ni Mamita!" wika ni mama habang nagpupunas kunwari ng kanyang luha. "Mommy uwi na tayo please Mamita is sad na!" nakita ko na handa ng humikbi si Heather na kina tawa ko. "Ma, wag mo naman paiyakin alam mo naman kung gaano kahirap mag patahan ng kambal eh.." mahinahon kong pakiusap sa mama ko. "Mommy! Balik na tayo please?" pakiusap ng kambal kong anak na kina tampal ko sa noo ko. "No sweetie, we can't pa mommy is not done yet here." sagot ko na kina iyak na ng tuluyan ng mga anak ko. "No mommy! Uwi na tayo! " hiyaw ang anak kong si Tilly. Si Mama naman ay tawa lang ng tawa. "Ma naman kasi! Tahan na okay? Nagbibiro lang naman si Mamita tahan na mga anak ko please?" awat ko sa akong kambal na lalo naman kina iyak ng dalawa. "Hehe, mga apo tahan na okay? Ayos lang si Mamita, nagbibiro lang ang Lola. But anyway anak totoo ba na ilang beses ka na inimbita ng pamilya ng dati mong asawa?" tanong ni Mama. Tumango ako at hinayaan ang dalawa na lumabas ng kwarto, alam ko naman saan sila pupunta well, kay tita Luna nila. Hindi na rin ako nagulat ng alam ni Mama ito, dahil sure ako napanood o sinabi ni Luna. "Oo ma, nah as usual ganun parin about business and gusto nila na mag ayos kami ni Laxus. Alam mo for money again.." sagot ko at lumipat ako sa loob ng walk in closet ko. Nilapag ko ang phone ko sa istante at nag hugas ng kamay. "And how about your feeling? Nag spark ba ulit?" tanong Mama. Bubuka pa lang ang bibig ko ng mag salita ito. "Anak alam ko malaki kana may anak ka but please.. isipin mo muna ang mga desisyon ko okay? Anak kung dati hina-hayaan kita pero ngayon anak ay hindi na dahil ayoko masaktan ang mga apo ko. Lagi mo uunahin sila naiintindihan mo?" pangaral ni Mama sa akin. Napa ngiti naman ako nag salita. "Wala na kahit ano Ma, saka kahit malaman ni Laxus ang tungkol sa anak KO hindi pa rin niya ako makukuha. Una sa lahat hindi naman niya anak ng yan. Remember? Kahit sabihin mo na sakto sa bilang ay hindi parin." mahabang paliwanag at sagot ko. Sumandal ako sa sink ng lababo at nag cross arms. "Matagal na akong nawalan ng pagmamahal sa dati kong asawa Ma. Gusto ko na lang ngayon? Matapos ang trabaho ko at bumalik na d'yan, kahit pa gusto na ng mga apo mo na mag stay na dito," sagot ko at tiningnan si Mama na halatang nagulat. "I can see in your eyes my dear daughter na nagsasabi ka ng totoo.. But what you said? Gusto na ng mga apo ko d'yan? No way! Gulo yan!" wika ni Mama. "I'm warning you! " pahabol ni Mama na kina tawa ko. Tumango ako at nag salita. "Alam ko ma, at hindi ako pwede mag stay dito dahil ang trabaho ko bilang secret agent ay nasa Australia." sagot ko. "Yeah I know, but for now I want to talk to my Granddaughters.." sagot ni Mama. Tumango ako at lumabas na " Kids kausapin kayo ni Mamita!" tawag ko sa mga anak ko. Umupo muna ako sa kama at hinintay pumasok ang mga anak ko. Alam ko naman na narinig nila ako dahil ang lapit lang naman ng kwarto ni Luna. Habang naghihintay may pumasok na news na nag appear sa TV namin sa kwarto. NEWS FLASH; "Hindi baba sa limampung katao ang hinihilang pinat*y ng hindi kilalang grupo. Ngunit alam ng mga kapulisan na maaaring Mafia ang gumawa nito." wika ng reporter. Hindi na yan bago sa Australia ay hindi kinababahala ng government dahil natural na ito. Ang ibang Mafia lang doon ang tinutugis ng awtoridad, Hindi ang La Cosa Nostra na tinatawag na hanggang ngayon ay forbidden parin. Ang alam ko nasa bansang ito ang leader nila. Isa lang ang alam namin sa iba pang mga bansa ay legal sila. Sila ang kadalasan tumutulong sa mga kapulisan upang tugusin ang iba pang kriminal. They can take over the government or they can control it whatever they want. Pinatay ko na ang TV siyang pasok naman ng mga anak ko na parehong mugto ang mga mata. "Mamita!" tawag ng kambal sa Lola nila. Napa iling na lang ako at hinayaan silang lumapit sa akin, binigyan ko ng halik ang mga ito bago ako tumayo. "Sweetie, hindi pa kayo pwede umuwi okay? Saka okay lang si Mamita dito.." pagka usap ni mommy sa mga bata. Ako naman ay binabasa ang pumasok na email sa isang cellphone ko. Nabasa ko ang mensahe ni Trevor. From Trevor: "Makakasama ninyo ang notorious na Mafia hindi sila kilala ng pamilya Ferrer as a mafia, isa sila sa mga shareholder ng mga ito. " basa ko dito at nakita ko ang litrato ng pamilya na sinasabi ni Trevor. "Sila ang Leventis Family. Mag ingat ka Cierra napapalibutan ka ng mga kriminal." huling basa ko. Napa iling na lang at binura ang email na iyon, mas delikado pa pala ako dito sa Pilipinas kesa sa Australia. Mukhang naging pugad na ito ng kriminal LUMIPAS ANG MAG HAPON, halos hapon na rin natapos ang kwentuhan at pag uusap ng anak ko at Mamita nila. Napa iling na lang ako at tiningnan ang oras, "Luna, mukhang hindi na ako makakapag paalam sa mga anak ko bago ako umalis. Ang sarap ng tulog oh?" turo ko sa mga anak ko na ang himbing ng tulog sa gazebo namin. Tumawa naman si Luna at tiningnan ako. "Okay na ho yan Ma'am, mag handa na po kayo baka ma late pa kayo." wika nito. "Okay, ikaw na ang bahala sa mga bata. Huwag mo sila hayaan lumabas ng gate okay.. Kiss muna ako sa mga baby ko, kasi hindi na ako dadaan dito mamaya.." bilin ko at humalik ako sa matambok na pisngi ng mga anak ko. "Sige ma'am ako na ho bahala ipapa lock ko yung gate pag alis mo." sagot ni Luna. Tumango ako at nag pa salamat bago ako nag paalam na aakyat sa kwarto namin. Pag akyat ko diretso ako naligo, Nang matapos ako ay nag suot ako ng roba at lumabas na. Dumeretso ako sa walk in Closet. Kinuha ko ang Twist Ruched cut out puff sleeve bodycon Coffee brown dress. Maikli lang ito mas lalo ang kanyang skirt. Malalim din ang neckline nito na sumakop sa dibdib ko kahit papaano hindi naman ako mukhang hubad. Matapos ko maisuot ito at muli kong nilagay ang roba ko upang hindi malagyan ng make up ang damit ko. Nag ayos muna ako ng mukha, nag apply ako ng light make up at glossy lips ang ginawa ko para mag shine siya. Matapos nito naisip kong itali ang buhok ko sa mababang parte ng batok ko. Nag suot na rin ako ng Bulgari Necklace and earrings pati bracelet ko ay ganun din. Tiningnan ko muli ang sarili ko sa salamin hanggang makita ko na wala na akong kailangan pang idagdag. Tumayo na ako at hinubad ang roba ko nag hanap ako ng brown stiletto na 2 inches lang ang taas upang mas maging komportable ako mag lakad. Natapos nag apply ako ng YSL perfume sa buong katawan ko hanggang likod. Kinuha ko ang YSL handbag ko at nilagay ko ang dalawang cellphone ko at maliit na perfume na YSL at powder and then lipstick. Nag dala na rin ako ng sanitary napkin dahil masakit din ang aking puson. Matapos nito kinuha ko na ang susi ng sasakyan kong McLaren Black. Lumabas na ako matapos ko makita ang kabuuan ko. Nag tipa ako ng text para kay Luna na nagsasabi lang ako na aalis ako. Agad akong bumaba at tumungo sa garahe. Nakita ko pa si Kuya Tommy na nagkakape habang nanonood sa kanyang cell phone. Napa lingon ito sa'kin. "Ma'am. Hindi mo po ba kailangan ng driver?" tanong nito. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. "Hindi na kuya, kapag gusto ng mga bata at ni Luna isama ang mga bata ipag drive mo sila and then keep me update okay? Alis na po ako." paalala ko at paalam ko. "Okay Ma'am makakaasa po kayo." sagot nito, nginitian ko ito at sumakay na ako sa sasakyan. Agad naman binuksan ang gate ng guard at lumabas na ako patungo sa pag gaganapan ng birthday ni Laxus. LAXUS TIMOTHY FERRER "Thank you for coming Mr and Mrs Mendez." pagpapasalamat ko at nakipag kamay ako dito. "You're welcome Mr. Ferrer. But anyway, where's your fiancé, Miss Mildred?" tanong nito at nilibot nito ang kanyang paningin. "She's coming tonight but she's late, by the way excuse me.." pagpapaalam ko at ngumiti ito bago ako umalis. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mildred. "Where the h*ll are? Get you f*cking ass here!" bungad ko dito. "Tsk. I'm on my way bastard!" sigaw nito at binabaan ako ng tawag nito. Napailing ako hanggang napa lingon ako sa pinto ng hall room, nakita kong pumasok ang dati kong asawa na may maliit na ngiti. "Mag kakasala na naman ako nito!" bulong ko at umiling. Nag lakad ako upang salubungin ito. "Mabuti at dumating ka Miss. Fior." salubong ko at nilahad ko ang kamay ko ngunit hindi nito pinansin. Naikuyom ko ang kamao ko at binawi ito, "Yes of course, sino ba ako para tumanggi?" tanong nito sa akin sabay tingin sakin ng makahulugan. Ang hirap niyang basahin hindi na siya ang dati kong asawa, sobrang layo na niya sa dating Cierra. " Can you tell me saan ang table ko?" tanong nito. Napa tikhim ako at tumango. " Follow me, " utos ko na lang dito at dinala ko siya sa table namin dahil ito ang gusto nila mom and dad. "Thank you Mr. Ferrer.." pasasalamat nito. "Please can you call me Laxus. Your too formal." wika ko ngunit umiling ito. "Sorry to say but I can't. We're not even close to calling you on a first name basis." sagot nito, with her Aussie Accent. Hindi ko mapigilan mainis kung paano ako tratuhin nito. Nang naupo ito yumuko at bumulong sa teinga nito. "We are husband and wife before, you can do that for me. Ano bang problema ng hindi mo magawa man lang bagay na yun? May pumalit na ba sa akin na mas magalingsa kama?" galit na tanong ko dito. Umiling ito bago sumagot. "Nag hiwalay lang tayo naging ganyan na ugali mo? Paano ba kita naging asawa noon? Ah oo nga pala nakuha mo ako sa matatamis kong ngiti at mala anghel na dila," putol nito at tiningnan ako sa mata ni Cierra. "Kung may natitira pang pag ka-lalake mo sa sarili mo, man up and know how to respect people around you. Umayos ka nandyan na ang girlfriend mong gawa ang ilong." inirapan ako nito at umayos ng upo. "We're not done yet.." bulong ko at inayos ko ang sarili ko bago ko salubungin si Mildred na nag lalakad. "You're f*cking late!" galit kong bulong dito na kina irap niya. "Shut up will you? I'm here na okay?" sagot nito at lumapit kami sa table kung nasaan si Cierra na umiinom ng wine. "And what are you doing at our table? You're not even part of our family?" tanong ni Mildred kay Cierra. Tumingin si Cierra dito habang ako naman at umupo na rin sa tabi ni Mildred. "Bakit hindi mo itanong yang magaling mong f*ck buddy?" deretsong sagot nito na kina laki ng mata ko. Magsasalita pa lang kami ni Mildred ng mag salita muli si Cierra. "Oo nga pala i may bad, hindi nga pala alam ng mga tao dito na. Pang kama lang pala kayong dalawa, you what? You both disgusting.." wika nito at tumayo na ito. "Lilipat na lang ako, wala akong balak masunog sa impyerno kasama kayo." malamig nitong wika at umalis na ng mabilis. "If I were a surgeon, I would cut her neck! I hate your ex, paano kung may naka rinig?" galit na tanong ni Mildred. "Saka ka magalit kung hindi naman totoo, and stop embarrassing yourself to her. " paninisi ko dito. Nakita ko si Cierra na nakikipag usap sa isang businessman na kaibigan ni Dad. "Do you have feelings now for her? Oh my dear you're stuck with me now and forever. She's not gonna love you back my dear Fiancé.." bulong sa akin ni Mildred. Tiningnan ko ito ng malamig, " Kung ikaw ang hindi ko siputin sa kasal? Tapos araw arawin kitang galawin hanggang mapatid ang hininga mo? Sino kaya ang mas kawawa sa ating dalawa?" tanong ko dito, alam ko napalakas ang boses ko pero wala akong pakialam. Kahit pa ikasal kami, mananatili parin siyang taga paligaya ko lang sa kama yun lang alam ko. "You're so heartless! Magiging mag asawa na tayo at bago mo pa naging asawa ang bruha mong ex wife! Ako naman ang mahal mo kaya nga diba paulit ulit mo siyang niloko dahil ako ang mahal mo at ang first love mo! Then why all of a sudden you change and did this to me!? Ako yung binigay pati puri ko para mapatawad mo lang then ito gagawin mo sa akin? "tanong nito. Napa tigil ako sa sinabi nito, "Tandaan mo pareho lang tayong may mali dito." bulong nito na alam mong nang gigil na ito. Bumuntong hininga ako at hindi na umimik. Hanggang mag salita ang Emcee at tawagin ako. Umakyat ako ng stage at inayos ko ang aking suit, kinuha ko ang inabot na mic sa akin ng emcee at nagpapasalamat. "Good evening ladies and gentlemen. I would like to take this opportunity to thank you all for coming on my 33rd birthday! And my mom and my dad thank you for this party, and my Fiancé Mildred Anderson. Thank you for supporting me from the start.." putol ko. Doon ko napansin na wala si Cierra sa bulwagan na ito. "And I would like to announce my official engagement with Mildred Anderson tonight. Please my future wife come and join me here.." naka ngiti kong wika. Tumayo naman ito at nag lakad inalalayan ko ito at hinawakan ko ang kamay ko. Inabutan naman kami ni Mildred ng Champagne. "And let's have a toast for my birthday and to our engagement! " anunsyo ko at nakipag toast ako kay Mildred na buong buo naman ang ngiti. Doon ko nakita na naglalakad na si Cierra pabalik sa nilipatan nitong upuan. "Congratulations Mr. Ferrer and to your lovely Fiancé!" pagbati ng emcee. Nginitian ko ito at nag lakad na kami pababa, inalalayan ko pa ito. "For sure maiinggit sa akin ang lahat nito, dahil isang bed warmer and billionaire ang magiging asawa ko." masayang wika ni Mildred na kanina lang ay galit sa akin. Hindi na ako ang salita, nang tingnan ko si Cierra sa kabilang upuan doon ko nakita na may kausap ito. Ngunit agad napalitan ng inis ang mukha ko ng ma-mukhaan ko kung sino ang kausap nito. Walang iba kundi ang manyak na si Mr. Reyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD