CHAPTER 9

2559 Words
CIERRA RAVEN FIOR Mabilis sa alas kwatro ang kilos ko, hindi naman nag taka ang mga nagsasayang bisita ng pumasok ako, ngumiti ako agad kumuha ng champagne na galing sa waiter na nag lalakad lakad. "Hi boys.." malanding bati ko at tumabi ako sa pakay kong lalaki. Ang mission kabitan ito ng surveillance camera at microphone na maliit sa kanyang tainga. "Oh, isa ka ba sa pinadala na escort ko for tonight? Your skin is so soft.." naka ngiti nitong tanong. Hinaplos pa nito ang balat ko gamit ang kanyang likod ng palat, "I want you tonight..."bulong nito sa akin na kina ngiti ko. Gusto ko balian ng buto ang taong ito pero, hindi na muna. "Agent. Freyah kailangan mo na gawin ang plano baka maka tunog na silang lahat d'yan.." utos ni Agent. Willis sa kabilang linya. Nang maramdaman ko ang pag lapat ng labi ng lalaking ito sa balikat ko agad akong nag salita. "Pwede ba na 'wag dito?" tanong ko dito, gumuhit ang pag tataka sa mukha nito. Nginitian ko ito at agad kong nilapit ang bibig ko sa kanyang kanang tainga at bumulong. "Let's have some privacy.." mapang akit kong bulong dito. Nakita ko ang paglunok nito, para mas maakit siya at sumama siya sa akin, nilagay ko ang kamay ko sa kanyang kaliwang hita at dahan dahan ko itong hinimas patungo sa gitna niya.. Ngumiti ako at agad niya itong pinigilan "Let's go, I want you so bad.." bulong nito at agad akong hinila nito. Mabuti at hindi ako napaluhod ng hilahin ako nito patayo. Ngumiti ako sa mga taong nadadaraan namin, hanggang makarating kami sa isang CR na kina asar ko. Well, hindi bago ito sa mga katulad ng lalaking ito. Pag sara ng pinto isang malakas na tulak ang nangyari at bumangga ang likod ko sa naka sarang pinto. "Sino ka?! Akala mo hindi ko alam na hindi ka talaga isang wh*re?!" sigaw nito na tanong sa akin. Narinig ko ang mura ni Agent Willis at ang pag kasa ng b*ril ng lalaki. " Huwag ka mag papaki----" naputol ang sasabihin ni Agent Willis ng mag salita ako. "Importante pa ba yun?" tanong ko sa lalaking nasa harap ko. Tiningnan ko ito ng malamig na kina gulat nito. "Padala ka ba ng kaaway ng Daddy ko sa pulitika?!" tanong nito nakita ko na ang takot sa mukha nito. "Agent. Freyah mabilis kang umalis d'yan mag kakaroon ng ambush d'yan!" wika ni Agent Willis. "Isang tanong. Kayo ba ang nag aangkat ng dr*ga sa bansa?" tanong ko na kina tulala nito. "Hindi! Ang kabilang partido yun pangalan ng ama ko ang ginagamit!" sagot nito. Dahil doon inalis ko ang wig ko at nag pakilalala. "Isa akong secret agent. May tiwala ka ba sa akin?" tanong ko dito. Hindi ko inalis ang ibang nilagay ko sa mukha ko at balat ko upang maiwasan ang pagka exposed ko ng husto.. "O-oo isa kang high intelligent agent! " sagot nito. Nag lakad na ako at tiningnan ang bintana at labas nito. Mabuti at mababaw lang ito. "Maniwala ka ikaw ang pakay ng mga taong darating. Umalis ka dito at sasama ka sa akin, you're now my responsibility as a secret Agent, pero mangako ka na hindi mo ipag sasabi kung sino ako. At kapag nag ka salubong tayo huwag mo akong babatiin nag kaka intindihin ba tayo bata?" tanong ko dito at paliwanag ko. Sinira ko ang kurtina dito at pinag buhol ko ito. "Ano gagawin ko d'yan? Oo naiintindihan ko at hindi na ako Bata!" sigaw nito. "Trust me bata ka pa." sagot ko at hinulog ko sa balcony ang isang dulo. Sinadya kong sa gilid ng pader ito ihulog upang hindi makita ng ibang tao nasa ibabang Floor ang tali. Hindi ako tanga para ihulog sa pinaka gitna. Sinundan lang ako nito ng tingin at itinilali ko pa ang towel na nandito sa cr. "Ibang klase ang cr sa bansang ito ah? May Balcony? Is this a joke?" sarkastiko kong tanong. Sinulyapan ko pa siya na nakatingin lang sa akin. "What the exactly your doing miss Agent? Buong akala ko makaka pag withdraw na ako." bulong nito. Tanali ko ang isa pang dulo sa bakal para sa pundasyon ng bigat nito. " Oh stop! May anak na ako at wala sa mission ko ang makipag s*x while I'm doing my job! Gusto lang kila masolo para makausap! Balak ko kapag lumaban ka babalian kita ng buto." casual kong sagot na kina singhap nito ng hangin. "Kumilos ka na bata bago pa tayo ratratin ng bala ng mga tao kaaway ng tatay mo. "Utos ko na pinag nito. "Agent Freyah anong ginagawa mo? Wala sa mission ito!" galit na tanong ni Agent Willis. "Mamaya na ako magpapaliwanag Agent Willis!" sagot ko at agad kumilos. Hinila ko ang lalaki hanggang balcony. "Bata bumaba ka na gamit yang ginawa kong tali! Bilisan mo!" utos ko dito na kina atras nito. "Hindi ayoko! Paano kapag namatay ako d'yan?!" tanong niyo sa akin. Napa hilot ako ng noo ko. "Mamili ka tatalon tayo o gagawin mo ang sinabi ko? Mabait pa ako sa oras na ginawa ko na d'yan ka pababain, masamang tao na ako kapag sinama kitang tumalon! Now get your f*cking ass now and follow what I want you to do!"pikon kong utos dito. "O-oo na, h-hindi naman naman ako mamatay dito diba?" nauutal nitong tanong sa akin. Bago pa ako maka sagot narinig ko ang sunod sunod na putok ang b*ril sa labas ng c.r. "Huwag kang bibitaw kahit anong manirinig mo basta bumaba kana lang!" utos ko dito at kinuha ko ang b*ril ko sa aking hita na naka tago. Tinutok ko ito sa pinto at lumingon sa baba nakita ko na pababa na itong lalaking hindi ko inalam kung sino. Pag bukas ng pinto agad kong sinalubong ng bala ang mga ito na agad naman tumama sa mga ulo nito, doon ko sinara ang pinto at mabilis akong bumaba ng hindi gumagamit ng ginawa ko. Sumabit ako sa ilalim sa ibaba hanggang..."Hanapin niyo ang anak ni Julius Sandoval!" sigaw ng lalaki. "Hindi ako papayag!" sigaw ko at mabilis akong nag pa-putok sa paahan nila. Saktong naka baba na ang lalaki, oras na para bumitaw. Sabay pindot sa switch ng aking Aston Martin na sasakyan. Nang marinig ko ang engine nito doon na ako bumitaw. "Yeah sakto ka Lang baby!" sigaw ko at bumitaw na ako sa bakal. Narinig ko ang pag sigaw ng lalaki at ang sunod sunod na putok ng b*ril. Dahil may bala pa ako ay nakipag palitan pa ako hanggang tumama ang likod sa sandalan ng upuan. Mabilis kong sinara ang bubong ng kotse ko at nag maneho patungo sa lalaking nagtatago sa puno. "Sakay bilis!" sigaw kong utos at binuksan ko ang pinto sa tabi ng driver seat. Hindi pa ito tuluyan na nakaka pasok umandar na ako. " Teka lang sandali! Hindi pa ako nakaka pasok ng husto! Sh*t yung pwet ko!" sigaw nito. Hindi ako nag salita ng hawakan ko ang suit nito at hinila ito ng buong lakas ko."Minsan unahin mag isip bago bumuka ang bibig." maka hulugan kong wika at mabilis kaming umalis doon kahit hinahabol kami ng bala. "Sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira ihahatid kita. Hindi ka na pwede bumalik doon kundi pag lalamayan ka na bukas." utos ko dito, habang ito naman ay habol ang hininga nito na tumingin sa paligid at labas. "Sa Buenavista Homes Gate 2.." sagot nito. Tumango ako at nag maneho na, malapit lang ito sa bahay ko. "Ang intense non! Ganun ba ang buhay mo bilang secret agent lagi?" tanong nito habang naka ngiti. Napa irap ako bago sumagot. "Depende sa mission. Sa susunod mag iingat ka at mag hire kayo ng bodyguard na hindi naman porma lang ang alam." suhistsyon ko. At Pumasok na kami sa gate 2 Buenavista Homes. "Wow! Oo ako bahala doon sabihin ko pa kay Daddy na ikaw na lang kunin ko." sagot nito. Bago pa ako mag salita ay nag salita ulit ito. "Pero gusto ko din maging agent tulad mo.." wika nito. "Kung balak mo din ikama ang ibang babaeng agent? Wag na ako na ang sasabi sa'yo." sagot ko at tinigil ko ang sasakyan sa isang mala mansion na bahay. "I'm pretty sure ito ang bahay niyo." wika ko at hindi yun tanong. Sumilip ito at ngumiti. "Ang galing mo! Tara sa loob.." masayang aya nito. Sa pagkakataon na ito ay inalis ko na ang lahat ng nasa mukha ko ultimo ang contact lenses ko. Pero ang tattoo ay hindi pa dahil kailangan ko maligo para mabura ito. Sumunod ako at nag suot ako ng jacket na may zipper sa harap. Sumunod ako dito at tumingin sa paligid. "Oo nga pala hindi ako pwede mag tagal, dahil kailangan ako ng mga anak ko. Hinatid lang kita para masigurado ko na maayos ka." wika ko dito. "Alam ko yun... she's a friend." wika nito sa guard at pinapasok na ako hanggang lumabas ang babaeng may edad na at tingin ko ay ina ng batang 'to. "Anak, mabuti at maayos ka lang? Kamusta ka wala bang masa--- sino siya?" tanong ng ginang at tinuro pa ako. "Agent. Freyah Knoxville Ma'am. " pakilala ko at nilahad ko ang kamay ko. "Huwag kayo mag alala ligtas na ang anak niyo... sa ngayon, siya ang pinaka pakay ng kalaban ng inyong asawa sa pag takbo sa politika. Mabuti at nilisan niyo na ang pangalan niyo upang hindi anak niyo ang nagbabayad." makahulugan kong paliwanag. Nakatingin lang ito sa akin kaya nag salita ako. "Mauna na ako. " paalam ko at tumalikod na ako. Sa gulat nila ay hindi nila na sila makapag salita pa. Dahil mukhang may alam ako sa nangyayari sa pamilya nila. Wala akong sinabi na hindi nagsasabi ng totoo ang bata na 'yun. Ngunit wala siyang alam yun lang kaya ko siya niligtas. LAXUS TIMOTHY FERRER Naka harap ako sa TV habang nandito ako sa bahay ng magulang ko. "Isang hindi kilalang babae ang nag ligtas sa anak ng politiko na si Mr. Julius Sandoval. Hindi nag bigay ng kahit anong pahayag ang pamilya kahit ang anak na lalaki ng pamilya na si Sage Sandoval." wika ng babaeng reporter. Nakita ko ang babaeng nakunan ng CCTV bago ito makapasok, doon oo namukhaan ang damit nito pareho ito sa suot ni Cierra kagabi. Pero impossible naman si Cierra ito, CEO siya at bakit kailangan niya mag ligtas ng buhay? "Anak kumilos ka na para maka pag pasukat ka ng susuotin mo." utos ng mommy ko. Kung si Mildred ang usapan wala siya hindi ko alam kung nasaan. "Okay.." tipid kong sagot. Pinatay ko ang TV at pumanik na ako sa taas upang mag bihis, tutal naka ligo na rin ako. Habang naglalakad hindi ko maalis sa isip ko ang babae sa TV alam ko na kabaliwan ito pero bakit pareho ng damit at halos pati sa oras ng umalis si Cierra sa bahay. Kailangan ko mag deep information sa dati kong asawa. Hindi ako mapalagay isipin na may mas malaking sikreto ang dati kong asawa. Aasikasuhin ko ito matapos ang kaarawan ko, oo dapat wala na akong pakialam sa dati kong asawa, ngunit hindi ko naman kaya iwasan. Matapos ko mag bihis inayos ko ang buhok ko at umalis na ng kwarto ko bumaba ako agad kong nakita ang magulang kong naka ayos na. "Mauna na kayo sunod ako." wika ko sa mga magulang ko at lumabas na ako. Nagtungo ako sa garahe at namili ng sasakyan. Napili ko ang Ferrari SF90 Stradale, kinuha ko ang susi sa box at sumakay na ako. Mabilis ko itong mina-neho ito, nakita ko sila dad and mom na nakasakay na sa Limousine. Sumunod na lang ako hanggang may tumawag na agad ko itong sinagot habang naka lagay ang Bluetooth earphone sa tainga ko. "Who's this?" tanong ko sa kabilang linya. "Mr. Ferrer gusto lang ho namin malaman kung anong sagot ninyo sa pinakita namin for your upcoming birthday and at the same time engagement party? Sinabi ni Miss Mildred ay okay na daw po ito." magalang na tanong nito. Nakalimutan ko ang pangalan nito. "Kung okay sa kanya okay narin sa akin," sagot ko at binaba ang tawag nito. Napa iling naman ako at nang maalala ko ang dati kong asawa. Nang makita ko ang likod nito at ganda ng katawan nito hindi ko maiwasan na hindi mag init dahil dito. Napa hinga ako ng malalim at umiling, tinawagan ko ang private investigator ko na agad naman sinagot. "Kaya mo ba alamin kung saan sa Maynila nakatira ang dati kong asawa? Gusto ko din malaman ang pinag gagawa niya." tanong ko dito. "Susubukan ko po Mr. Ferrer, masyadong limitado ang information ng dati ninyong araw. Para po itong pinoprotektahan ng ibang tao." sagot at paliwanag nito. "What do you mean?" takang tanong ko dito. Niloko ko ang sasakyan sa kanan ganun din ang magulang ko. "Sir, ang hirap kumuha ng information niya. Nang subukan ko sa ibang paraan nasira pa ang laptop ko. Tingin ko Mr. Ferrer ang information ng dati n'yong asawa ay pribado ng sobra." paliwanag nito. "I suggest to you Mr. Ferrer makipag tulungan po kayo sa mga special imbestigator ng ating kapulisan." suhistsyon nito. "Okay salamat, but kung kaya mo gawin mo i will pay you double." sagot ko at nang marinig ko ang sagot nito na pumapayag siya at binaba ko na ang tawag. Tinigil ko na ang sasakyan ko at bumaba na ako matapos ko patayin ang engine nito. Kahit nagtataka ako hindi naman ako pwede basra na lang mag salita o mag tanong diretso kay Cierra. Kung may tinatago si Cierra hindi naman siya basta basta aamin. Lumapit ako kay mom, "Son? Inimbitahan mo ba ang pamilya Sandoval? Balita ko ang nangyari sa kanilang unica hijo na si Sage." tanong ni mommy, kumapit pa sa aking braso ito. "Yes mom, i hope pumunta sila kahit pa sa likod ng nangyari sa kanila." wika ko at nag lakad na kami papasok sa loob ng boutique. Matapos nito ay unang nag sukat si Mom and Dad. Habang ako naman ay nakaupo at naghihintay ng turn ko, pumasok na naman ang isang balita. NEWS FLASH "Ngayon pilit kinikilala ng ating kapulisan ang babaeng hindi umano ang nag ligtas sa Anak ng tumatakbo pagka Pangulo na si Julius Sandoval. Ayon sa binata ayaw nito mag sabi ng tungkol sa taong nag ligtas sa buhay niya kahit ano pa ang gawin pag amin sa kanya." wika ng babaeng reporter. "Dahil dito walang nagawa ang mga kapulisan kundi subukan kumuha ng kahit ano pang information o video man lang nakuha ang sasakyan ng babae. Ngunit may hinala ang mga kapulisan na protektado ito ng malaking organization. Dahil doon baka hindi na rin ituloy ng mga otoridad ang mag kaso o mag imbestiga man lang." huling wika nito. Napa iling ako, hanggang tawagin na ako at ako naman ang nag sukat ng damit ko. Kung sino man ang taong yan napaka swerte niya at hindi siya tutugisin ng mga parak. Ngunit sino nga ba ang babaeng yun? Bakit bigla na lang itong nagpakita at halos magkasabay lang. Hindi ako naniniwala na coincidence lang ito pero... napa buntong hininga na lang ako at inuna ang pag susukat ko kesa isipin pa ang bagay na yun..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD