LAXUS TIMOTHY FERRER
Napa tayo ako at agad umalis sa upuan at mesa namin. Narinig ko pa ang pagtawag ni mom, ngunit hindi ko ito pinansin.
Hindi pa ako nakaka lapit ng husto ng tumayo si Cierra at walang pasabi nitong hinawakan ang likod ng ulo ni Mr. Reyes at hinampas sa mesa na kina hati ng mesa sa dalawa.
Nag sigawan ang mga tao sa gulat ako naman ay napa atras. "Sinabi ko na hindi ako interesado sa merger at sa'yong hay*p ka! Hay*p kana nga manyakis ka pa! Mag pasalamat ka na lang yan lang ginawa ko dahil kung hindi, wala ka ng ari ngayon!" galit na wika nito at kinuha nito ang kanyang bag.
Napa nga-nga ako sa nakita ko. Doon ko napagtanto na walang malay si Mr. Reyes sa lakas ng ginawa ni Cierra.
"Oh my god! What happened anak? Please call the ambulance!" sigaw ni mommy.
"Cierra did this mom. Wait here i follow her.." paalam ko at hindi ko na sila hinintay pang sumagot.
Kahit tawagin pa ako ni Mildred, tumakbo ako patungo sa likod alam ko sa comfort room lang ito pupunta.
CIERRA RAVEN FIOR
Inayos ko ang sarili ko at nag tungo sa pinto ng bumukas ito bumungad sa akin si Laxus. Isa pa ang lalaking ito, pareho lang sila ng matandang hukluban na yun.
"Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo? Bakit mo naman sinaktan ng ganun si Mr. Reyes?!" tanong nito sa akin.
Sinara nito ang pinto, "Sapat na ang narinig mo para sagutin ko 'yang tanong na yan.." wika ko at nag lakad ako para lagpasan ito.
Ngunit mabilis akong hinawakan nito sa braso ko. "Oo alam kong manyak ang taong yun, pero sana sinabi mo na lang sa'kin, ako na ang bahala. Paano kung mag sampa sila ng kaso sa'yo?" tanong nito sa akin.
Tiningnan ko ito ng malamig. " Ano bang pakialam mo? Kaso ko yun ako ang hahara----" naputol ang sasabihin ko ng salubungin ako ng salita nito.
"May pakialam ako dahil kahit paano naging asawa kita! At iniisip ko lang ang reputasyon mo!" galit at paninigaw nito na lalong kina ines ko.
Inalis ko ang kamay nito at nag salita. "Wala kang pakialam. Aralin mo naman paano rumespeto! Wala ka ng karapatan sa akin o sa buhay ko kaya wala ka din sa lugar para mangialam! Pakialam mo ba sa reputasyon ko? Sayo ba ang masisira!?" galit na tanong ko dito.
"Pwede tigilan mo ako! Dahil kahit anong gawin mo hinding hindi kita magugustuhan kung yan ang balak mo gawin! Alam mo ba kapag tuma-tabi ka sakin alam mo kung anong nararamdaman ko? Pandidiri!" sigaw ko dito na kina laki ng mata nito.
"Stay away from me!' sigaw ko, nakita ko ang halo halong emosyon sa mata ni Laxus.
Bago pa ito umimik tumalikod na ako ngunit bago ko pa mahawakan ang doorknob ng hinablot nito ang braso ko. Walang kahirap hirap ako nitong hinarap sa kanya at doon ko na lang napagtanto na nag lapat ang labi naming dalawa.
Nanlaki ang mata ko ng mapag parusa nitong halik na nagawang pa nitong sakupin ang labi ko. Mabilis akong kumilos at tinulak ko siya ng malakas.
Ngunit mabilis akong hinawakan ni Laxus at pinalikod sa kanya. Dinikit ako nito sa malamig na tiles ng comfort room. "You're still mine, always remember that! I don't care if we are not now married! You're still mine, alam mo kung paano ako mabaliw hindi ba? Ang akin ay akin! Tandaan mo, ako ang una sa sayo sa lahat ng na mamarkahan ko ay akin yun kahit pa anong mangyari!" galit na bulong nito sa tainga ko.
Naramdaman ko ang lapat ng labi at dila nito sa leeg ko. Parehong mapag parusa ang bagay na yun, kung dati nag reresponse ang katawan ko pero ngayon pandidiri na ang nararamdaman ko.
"Lagi mo yan itatak sa isip mo.." bulong nito.
Kinuha ko ang pagkakataon na yun ng umikot ako isang malakas suntok na ang binigay ko sa kanya ng naging dahilan para mapa upo ito at mawalan ng malay.
"Oo alam na alam ko, lahat ng inaangkin mong babae minamarkahan mo pero hindi ako natatakot sayo..." bulong kong habang nakatingin sa katawan nito na walang malay.
Tumalikod na ako at nag lakad. "Yun ang alam ko.." muli kong sabi bago ako lumabas ng tuluyan.
Nag lakad na ako at muli akong bumalik sa party hanggang marinig ko ang target namin. "Agent Freyah, nasa loob niyan ang isa sa pamilya ng mga Chan. Malaking clan sila sa bansa." wika ni Agent Willis sa kabilang linya.
Mabuti at transparent ang suot kong Earpiece at may special akong suot na contact lenses. "My profile ba kayo? Alangan isa isa kong tanungin sino si Chan dito?" pambabara ko, umupo ako tabi ng isang babae.
"Meron.. " sagot ni Agent Willis. Hanggang nakita ko na sa contact lenses ko ang picture ng pamilya hanggang mamukuaan ko ang isa.
Tumingin ako sa harap at doon ko nakita ang isang lalaki na may kasamang magandang babae na tingin ko ay isang high paid escort.
Mag mumukhang girlfriend pero hindi, "Nakita ko na." bulong ko at tumayo na ako. Isa lang paraan para makuha ko ang atensyon ng taong ito.
Nag lakad ako at dumaan ako sa gilid niya alam kong sinundan ako ng tingin nito. Agad kong pinindot ang audio recorder na naka tago sa suot kong Bulgari Necklace upang marinig ni Agent Willis at ng tauhan nito.
"Here he comes in 3, 2..." putol ko at nag tungo ako sa buffet table.
"Please wag mo naman ako ipahiya.." bulong ko at kumuha ako ng plato at pagkain.
"1.." bulong ko saktong tumabi ito sa'kin. Una hindi ko ito pinansin.
Ngunit ngumiti pa ito at tiningnan ako, "Hi I'm Drew Chan and you?" pakilala nito. Nilingon ko ito, doon ko nakita ang dragon na tattoo nito sa leeg.
"Stay there Agent. Freyah para mas makita namin ang kanyang tattoo." utos ni Agent Willis.
"Cierra Fior. Nice meeting you Mr. Chan?" nakangiti kong pakilala.
Nahagip pa ng mata ko ang pagdating ni Laxus kasama ang bodyguard nito,"Beautiful name like you. " nakangiti nitong papuri. Ngumiti naman ako nang mag salita muli ito.
"You are alone? Or do you have friends or a boyfriend?" tanong nito.
Umiling ako at kumuha ako ng Shrimp. "I'm alone, personal akong inimbitahan ng pamilya Ferrer. How about you? " tanong ko dito at tiningnan ko ito saglit.
"I'm with my woman, well not a girlfriend. You wanna join us?" tanong nito.
Mag sasalita pa lang ako ng sumingit ang escort nitong babae.
"Good job Agent Freyah. Pwede ka na lumayo sa kanya paunti-unti. Naka kuha kami ng intel mula kay Agent. John na walang bomba d'yan. Ngunit anonymously may nagpadala ng mensahe mismo sa pangulo na may magaganap na bentahan sa isang Club dito sa Manila ng drag* out na tayo doon pero kailangan pa rin may kumilos." mahabang paliwanag ni Agent willis.
"Babe who is she?" malanding tanong babae kay Chan.
"Excuse i need to make some call." nag mamadali kong paalam. Hawak ko ang plato na may pagkain ko at agad akong nag kunwari na may tinagawan. "Makinig kayo masyado silang pabago bago ng plano. Kailangan maging sigurado kayo, maaaring buhay ang kapalit nito. Agent Willis hatiin mo ang grupo mo sa ilan upang masigurado nating lahat!" suhistsyon ko at paliwanag.
"Okay kami na ang bahala Agent. Freyah.." sagot nito at binaba ang tawag. Umupo na ako at tinago ang cellphone ko.
Saktong pag upo ko ang pag saboy ng wine sa mukha ko ni Mildred. " You b*tch hindi ko alam bakit kailangan mo saktan ang Fiancé ko!?" galit na tanong nito sa akin.
Huminga ako ng malalim at kinuha ko ang table napkin at tumayo na ako upang punasan ang sarili ko. "Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong Fiancé? Para may alam ka bakit ko sinuntok yan?" mahinahon kong tanong dito at utos.
Nakita kong lumapit si Dianna at nag salita. "Sana hindi kana bumalik! Ikaw ang sisira ng lahat!" paninisi ni Dianna sa akin.
Tiningnan ko si Laxus na walang imik bago balingan si Dianna at tiningnan ko ito ng malamig. "Kung ikaw ba Mrs. Ferrer halikan ng dati mong asawa, boyfriend or what? Matutuwa ka ba? Hindi naman diba? And then he claiming your lips na parang wala siyang kasalanan na ginawa." tanong ko dito na kina tahimik ng lahat ng tao.
Nanatili ang lamig ng tingin ko dito, hanggang basagin ni Mildred ang katahimikan. "I'm sure ikaw ang unang humalik! Hindi tutugon si Laxus kung hindi mo nilan---" i cut her words.
"Yun ang eksaktong ginawa mo noon diba? Nilandi mo noon si Laxus at kaya siya nakipag laro sa'yo ng apoy? Sabagay hindi na ako nagtataka, dahil pareho naman kayong baboy, bagay kayo sa isa't isa. Isang kabit, homewrecker, wh*r at sl*t at isang gago, walang kwentang asawa, mahinang lalaki, mama's boy at higit sa lahat?" mahabang wika ko at tiningnan ko silang lahat.
"Manggagamit. Pinaka huling katas mo kukunin pa sayo para lang makuha ang pera mo? Tama diba? Ganun kayo na klase ng pamilya. Dapat lang kayo mag sama sa iisang bubong.You wanna know why?" tanong ko.
Kinuha ko na ang bag ko at susi ng sasakyan. "Pare- pareho kasi kayo ng ugali at pagkatao. At least kapag kinuha kayo ni kamatay*n sabay sabay na kayo." wika ko at tumalikod na ako at nag lakad.
"Sa susunod na akusahan niyo ako latagan niyo ako ng ebidensya!" malakas kong wika at at nag lakad na ako palabas ng party ng pamilyang ito.
Hindi ako papayag na gamitin nila ang pera ko, kung gusto ko man gawin yun sisiguraduhin kong ako ang panalo.
Sumakay ako ng elevator at sumandal na ako sa malamig na dingding napa buntong hininga lang ako.
Hangga't maaari ayoko na maalala pa ang nangyari noon. Oo masaya naman noong nag ka kilala kami ni Laxus, alam ko na may first love din siya pero iniwan siya.
Simula noon nanligaw siya hanggang sagutin ko na siya after ng ilang buwan. Then wala pang 1 year he proposed to me, dahil mahal ko siya nag yes agad ako.
Hindi ko na iniisip na yun pala ang simula ng mas malaking debulyo na parating, i didn't know too na nag kikita pa rin pala si ng ex niya before namin ikasal.
Napa hinga ako ng malalim, sa pamilya 'yun ko naranasan paano mainsulto, hindi kumain ng tama, mas lalo nang malaman nilang buntis ako. Hindi ako pinapakain para mawala ng bata sa sinapupunan ko l.
Naranasan kong kumain ng basura nila para lang magkalaman ang tiyan ko, naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko agad kong pinunasan ito.
Hindi ako nasasaktan dahil mahal ko pa si Laxus matagal ko ng kinalimutan ang pagmamahal na yun. Lumuluha ako dahil sa anak kong hindi ko na protektahan.
Naalala ko pa kung paano na galit si Laxus ng malaman niyang buntis ako. Tinanong niya ako na bakit ako nag pabuntis sa kanya, siguro dahil hindi ko pa lubos na kilala lagi akong nag tatanong. Hanggang dumating sa punto na inakusahan ako nakipag siping sa matandang lalaki.
Naalala ko noon lumabas ako upang bumili ako ng gabihan ko, hindi ko alam na set up na yun para wala akong maging rason kapag nag sumbong sila kay Laxus.
Hindi ko nagawang lumaban o sumbatan sila ng oras na yun dahil ng gabi na yun nawala ang baby ko. Yun na pala ang huling beses na makakasama ko siya.
Sa galit ni Laxus sa akin ng gabing 'yun tinulak niya ako sa hagdan to get rid my baby. Simula ng gabi na yun, na ngako na ako sa sarili ko na tama na.
Pitong araw bago ang mismong anniversary namin inabot ko sa kanya ang annulment papers na kailangan niya pirmahan. Una nagalit siya dahil ako pa ang may gana makipag hiwalay.
Ngunit walang salita akong pinakawalan sa kanya, hanggang pumirma ito at umalis ako ng araw na yun dala ang personal kong gamit.
Ni isang lingon sa kanila ay hindi ko ginawa. Ginamit ko ang pagiging Fior ko upang gawin na mas pabilisin ang proseso ng pagpapawalang bisa ng kasal.
Una hindi sila sang-ayon hanggang ipaliwanag ko ang lahat kung bakit. Wala ng nangyari hearing dahil hindi na ako nag abalang mag sampa ng kaso. Ang importante sa akin ay mawalan ng bisa ang kasal namin.
Alam ko nagulat sila sa bilis ng aksyon pero wala akong pakialam. Kung pera lang ang gamitan kaya ko kaya ko makipagsabayan.
Nagpapasalamat din ako sa magulang ko na ginawa ang lahat para sa akin. Kahit ayaw nilang mamuhay ako bilang normal na tao noon ay sinuportahan parin nila ako.
Natutuwa ako kapag nag hihirap ako maghanap ng pagkain ko, kahit ilang beses nila ako pinadalhan ng pagkain ay sabi ko kaya ko.
Hanggang magpapakasal ako kay Laxus na galit sila, doon ko napatunayan na mother knows best. Pinag sisihan ko na hindi ako nakinig sa kanila, kaya humingi ako ng tawad sa kanila na agad akong pinatawad nila.
Hanggang maka alis ako ng bansa pag una, ngunit ng pumanaw si Papa doon ko naramdaman ang sobrang sakit.
Wala ng sasakit pa, i got depress that time pero sa tulong ni Mama nakaya ko sa ilang buwan. Matapos nag trabaho ako sa perfume company. Doon na nag simula umikot ulit ang mundo ko.
Kaya masaya ako dahil nakaya ko nakaya namin ni Mama ang lahat.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko pauwi na ng bahay, dahil namiss ko na ang mga anak ko.
LAXUS TIMOTHY FERRER
Nang marinig ko ang sinabi ng ex wife ko parang tumigil ang oras ng mag paulit-ulit ito sa isip ko. "Babe?" tawag sa akin ni Mildred.
Tumayo na ako at iniwan silang lahat sa party. "Ganun na ba ako kasama?" tanong ko sa hangin hanggang makarating ako sa parking lot.
"Pare! Saan ka pupunta?!" tanong ni Ashton sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ito.
"Kahit saan basta malayo dito, gusto ko makapag isip." malamig kong sagot.
Lumapit sila sa akin ni Walsh at Ashton, "Pare. Alam ko hindi ito tama pero sasabihin ko na. Masyadong malaki ang kasalanan mo sa dati mong asawa. Alam din namin kung anong ginawa mo, pare hindi na siya ang dati mong asawa na mahal na mahal ka. Iba na si Cierra ngayon, marami siyang tinatago at nakikita ko sa mata niya na kahit konti wala na siyang nararamdaman pa para sa'yo." mahabang wika ni Walsh.
Tiningnan ko ito at umiling. "Tama si Walsh, pare tumigil kana sa pag iisip na meron pang nararamdaman si Cierra sa'yo. Kahit pa may mangyari sa inyo sigurado ako na wala lang yun sa kanya. Nakikita ko kung anong emosyon sa mata niya para siyang nagsasabi na pumunta siya sa party na ito hindi dahil sa'yo at sa pamilya mo. Kundi sa ibang dahilan." wika ni Ashton.
Napapansin ko yun pero ayokong paniwalaan dahil hindi ko alam bakit ko yun ginagawa. "Alam namin na nakikita mo na yun. Pare ikakasal kana 'wag mo naman ulitin ang pagkakamali mo noon. " wika ni Ashton at umalis na ito.
Nakita ko paano umiling ang kaibigan ko, iling ng pagkadismaya. Napa hinga ako ng malalim at naisipan ko ng bumalik.
"Kung ano man ang sikreto mo Cierra aalamin ko yun.." bulong ko at pumasok na ako muli.