“Pero paano naman ang promotion mo? Hindi ba ong-going ang observation para sa iyo ng mga doctors at admin para sa head therapist position saka hindi ba nakaenroll ka ngayon sa university para mag-aral ng Orthopedic?” tanong muli ni Amanda.
Ayaw sana niya na umalis ang lalake dahil may lihim siyang gusto dito. Tiyak malulungkot siya kapag umalis ito. Gusto sana niyang sumabay na umuwi sa pilipinas pero hindi pa siya sigurado kung maaaprove din ang leave niya dahil kakauwi lang niya last month para sa kaarawan ng ina.
“Naka online classes kami ngayon at walang face to face sessions, tapos nakausap ko na yung mga patients na baka mag leave ako at umuwi sa amin kaya pinaayos ko na ang mga schedule nila para sa next session. Yung sa observation naman sabi ay willing to continue kapag bumalik na ako.” Sagot ni Shane.
“Kelan ka naman babalik? Ilang araw ka magbabakasyon? One week?” tanong muli ni Amanda.
“Mga isang buwan siguro o higit pa. Indefinite leave kasi ang gusto kong i-apply. Pumayag din naman ang admin dahil sa 2 years ko dito ay never ako umuwi. Straight kong tinapos ang contract. Halos magtatlong taon na pala ako na hindi nakikita ang family ko dahil puro request yung mga patients para mag pa-session. Tapos yung mga doctors naman ako ang lagi nirerefer kaya extended ako lagi. Ngayon susulitin ko ang bakasyon.” Nakangiting sabi ni Shane.
Nanlaki naman ang mga mata ni Amanda, “Ha? One month mahigit ka ma magbabakasyon? Bakit ang tagal naman?”
Medyo nagtaka si Shane sa asal ng babae. Napansin naman ito ni Amanda kaya medyo hininaan nito ang boses at pilit kumalma.
“Nagulat lang ako sa tagal ng bakasyon mo. Baka kasi pagbalik mo ay may iba ng head ng Physical Therapy department.” Saad ni Amanda.
“Okay lang. Actually, tapos naman na ang contract ko dito kung tutuusin. Kaya siguro pumayag na rin sila sa bakasyon ko. Parang extension lang naman ng contract nangyayari. Isa pa kung gusto nila talaga ako na maging head ay aantayin nila ako at hindi ibibigay sa iba ang position. Pero sa ngayon mas gusto ko muna umuwi sa pilipinas at hindi iyon iniisip. Baka kasi kapag hindi ko pa ginawa ang bakasyon na ito ay mag offer ng another long contract sa akin mas mahihirapan na ako mag apply ng leave.” Sagot ni Shane.
“Sabagay tama ka.” Malungkot na wika ni Amanda.
“Bakit parang ayaw mo akong umalis? Mamimiss mo ba ako?” natatawang sabi ni Shane. Noon pa naman niya ramdam na may gusto ang babae sa kanya pero hindi niya ito binubuko dahil ayaw niyang masira ang friendship nila. Isa pa kaibigan lang ang tingin niya rito ay ayaw niyang maging awkward na samahan nila lalo na at isa si Amanda sa mga una niyang nagging close noong bago pa lamang sila sa abroad.
“Kapag ba sinabi kong oo ay hindi ka aalis?” nahihiyang sabi ni Amanda.
Natawa naman si Shane at umiling, “Ano ka chicks? Syempre uuwi pa rin ako kahit ayaw mo.”
Hinampas naman siya ni Amanda dahil sa inis.
“Aray! Ikaw naman hindi na mabiro.” Wika ni Shane habang hinihimas ang braso, “Joke lang. Ang sakit naman ng hampas mo.”
Medyo nag-alala naman si Amanda kaya agad itong humingi ng paumanhin, “Sorry, ikaw kasi, nalulungkot na ako dahil aalis ka. Wala na akong makakasama dito at makakausap ng tagalog. Alam mo naman na hanggang ngayon medyo ilang pa rin ako makipag-usap ng English sa mga kasamahan natin maliban nalang kung tungkol sa trabaho. Saka iba din kasi ang mga ugali nila hindi ba? Iba kapag kalahi mo ang kausap at kasama mas panatag. Yung ibang kabayan naman natin dito ay mga nurse. Minsan iba ang oras nila kaya tayong dalawa lang na parehong Physical Therapist ang palaging same ng work shift.”
Napatango si Shane. May point naman ang babae. Siguro dahil sa dahilan niya na ito kaya rin nahulog ang loob nito sa kanya.
“Next month ay birthday ng mama namin, bakit hindi ka mag apply ng leave for next month? Kahit one week lang tapos dumalaw ka sa amin para makilala mo ang family ko? Kung gusto mo ay tutulungan pa kita sa Human resource na magpaalam para sigurado na makakauwi ka.”
“Talaga? Sige payag ako.” Halos maiyak sa tuwa si Amanda. Medyo kinilig pa nga siya dahil makikilala ang magulang at pamilya ni Shane.
“Oo naman. Kaya huwag ka na malungkot.” Tinapik ni Shane ang balikat ng babae at sabay na sila nagpunta sa HR department upang mag file ng leave. Naging maayos naman at walang naging problema.
Mauuna lang ng halos dalawang lingo si Shane na uuwi at susunod na rin na magbabakasyon si Amanda kaya kahit papaano ay kumalma na ito.
‘Mabilis lang naman ang mga araw, konting tulog lang ay makakauwi rin ako at makakasama muli si Shane. Sisiguraduhin ko na magugustuhan ako ng parents niya.’ Wika ni Amanda sa sarili.
Sabado.
Umaga pa lang ay nakaready na si Sandro. Napansin ni Suzy na todo linis ng motor ang asawa. Noon ay hindi ito gaano naglilinis ng motor lalo kapag may biyahe dahil ayon dito ay madudumihan din naman. Maglilinis lang ito tuwing nakauwi na, hindi kapag aalis.
Nagkataon na may pasok si Suzy sa motel ng half day ngayong araw kaya hindi na niya sinita ang asawa at nagmamadali ng sumakay sa motor para maihatid siya nito sa trabaho.
“Love, ano ang gusto mong dinner mamaya? Gusto mo ba magpunta tayo sa Baguio? Pwede ka ba mag apply ng leave?” tanong ni Sandro ng huminto sila sa tapat ng motel na pinagtatrabahuhan ng asawa.
Natawa naman si Suzy, “Ayos ang tanong mo ah, mula sa anong gusto kong ulam mamayang gabi biglang mag leave ako para magpunta sa Baguio. Anong naisipan mo?”
Napangiti si Sandro, “Wala naman. Gusto ko lang na magawa na natin yung honeymoon natin. Baka kasi magkaanak na tayo agad ay hindi man lang tayo nagkaroon ng pagkakataon na masulit ang pagiging mag-asawa natin. Saka habang bata pa tayo ay makatravel tayo together. Sabi nga ni Pareng Leon, habang kaya pa natin na gumala ay gawin natin dahil hindi natin alam ang buhay.”
Itutuloy