“Naku? Ano ang nangayari? Inaatake na si ninong?” nag-aalalang sabi ni Suzy.
Natawa naman si Sandro, “Inaatake sa sarap.”
“Ha?” napakunot noo si Suzy, “Inaatake si ninong sa sarap… H-Huwag mong sabihin…”
“Sabi ko saiyo hindi ba masyadong wild si Faye, mukhang inatake ng libog kaya ayun kay Ninong Joel nagparaos.” Natatawang sabi ni Sandro.
“Hindi ba atakihin naman si Ninong Joel? Baka hindi niya kayanin.” Tumatawa na rin na sabi ni Suzy.
“Hayaan mo sila. Kahit na may edad na yung ninong natin ay mukhang gusto pa rin bumayo, alam mo naman na matagal na rin siyang balo kaya nasasabik din na may makasiping saka kung saan siya masaya ay suportahan nalang natin sila.” Saad ni Sandro.
“Oo, bahala siya kahit ubusin pa niya ang tam*d ni ninong basta ba huwag ka niya pakielaman o agawin sa akin. Malaman ko lang nilalandi ka niya ay kakalbuhin ko siya!” naiinis na sabi ni Suzy.
“Saan mo siya kakalbuhin? Sa taas o sa baba? Tanda ko kalbo siya sa ibaba niya, eh!” humahagalpak sa tawa na sabi ni Sandro.
Pinagkukurot naman ni Suzy ang asawa, “Heh! Ikaw ha mukhang hanggang ngayon ay hindi mo pa siya nakakalimutan! Naaalala mo pa talaga na wala siyang bulb*l!”
Niyakap ni Sandro ang babae at inalo, “Binibiro lang kita. Titingin pa ba ako sa iba? Ikaw ang dream girl ko, saka sabi ko nga, si Faye noon ay parang karenderyang bukas sa lahat ng gusting kumant*t. Medyo nakakaawa nga kasi minsan tatawagin siya sa banyo noon ng mga lalake tayo doon titirahin.”
“Okay lang sa kanya ginaganun?” nagtatakang saad ni Suzy.
“Hindi rin namin alam kung bakit siya nagging ganun. Kasi unang tingin ay okay naman siya. Kaso kapag inaya mo ng s*x? Naku huhubaraan ka aga.” Napapailing na sabi ni Sandro.
“Hindi kaya biktima siya ng r*pe?”
“Ewan, siguro nga pero ang alam ko lang mahihirapan siya maghanap ng lalake na seseryoso sa kanya kapag nalaman ang nakaraan niya. Kung ako sa kanya ay kumuha na siya ng Nurse License para makapag abroad siya. Doon ay pwede siya magsimula ulit. Kapag dito kasi kahit ano gawin niya ay maraming tao lalo na mga lalake na pwedeng magkalat ng nakaraan niya.” Kibit-balikat na saad ni Sandro.
“Pwede sigurong nymphomaniac rin siya. Huwag na nga natin siya pag-usapan. Matulog na tayo at maaga pa ang pasok ko bukas.” Nakangiting sabi ni Suzy.
Mabilis na lumipas ang araw at dumating ang biyernes.
Nagkita sina Sandro at Leon para mag-usapan ang mangyayaring laban sa sabado.
“Ano na Sandro? Napag-isipan mo na ba? Kung oo ay halika at magparegister ka na.” wika ni Leon.
“Sige pero, sure ba na ligtas ang racing?” nag-aalalang tanong ni Sandro.
“Ayoko mangako na ligtas dahil alam mo naman ang disgrasya ay laging nasa tabi lang pero ang masisiguro ko lang ay bukod sa malaki ang premyo ay mataas ang tiyansa mo na Manalo dahil mahihina lang ang mga makakalaban mo. Nasasaiyo naman kung gusto mong ituloy ang pagsali sa racing.” Paliwanag ni Leon.
Napahinga ng malalim si Sandro. Hindi naman siya kapos sa pera, ang totoo ay may ipon siya na medyo malaking pera kaya malakas din ang loob niya na pakasalan si Suzy. Ngunit iba kasi ang adrenaline rush tuwing nanonood siya sa racing.
Parang gusto rin niya makaranas na nasa loob ng field at siya mismo ang lumalaban sa mga kapwa rider. Never pa siya naaksidente sa kalsada dahil talagang maingat siya sa pagmamaneho. Hindi rin nga niya ugaling sumingit para mauna sa mga ibang sasakyan.
“Nasaiyo ang huling desisyon.” Saad muli ni Leon.
“Sige, sasali ako.” Tumango si Sandro sabay aboy ng 500 pesos na entrance fee para sa competition.
Tumango rin si Leon ay inilista si Sandro sa registration.
“Okay na, bukas ng alas nueve ng umaga ang racing. After mo maihatid ang asawa mo sa trabaho niya ay dumiretso ka na dito. Wala pa naman isang oras ang laban kaya hindi naman niya iyon mahahalata. Galingan mo lang dahil ang first prize ay 50,000 pesos. Kahit hindi ka na muna kumuha ng customer sa food delivery mo. Tiyak may baibibigay ka sa asawa mo. Huwag mo nga pala kalimutan balato ko.” Natatawang sabi ni Leon.
“Oo naman, limang libong piso ang ibibigay ko sa iyo kapag ako ang nanalo ng 50,000. Tapos ay aayain ko si Suzy na magpunta sa Baguio. Baka doon kami makabuo ng anak. Lalo na at malamig daw ngayon doon dahil maulan.” Nakangiti rin na sabi ni Sandro.
“Alam mo mas mainam na wala pa kayong anak, sulitin mo muna ang pagsasama ninyong dalawa dahil kapag may anak na kayo ay maagaw na ang oras at panahon ninyo. Isa pa ay pwedeng malosyang ang asawa mo. Dapat ngayon ay ang focus mo ay puro kayo muna. Kakakasal ninyo lang naman at mga bata pa kayo. Saka malaking pera ang kailangan sa pagpapamilya. Gatas at diaper palang ay ubos ang savings ninyong mag-asawa. Paano pa kung mag-aaral na?” wika ni Leon.
“Alam naman naming iyon, kaya lang ay mahirap kasi magka-anak ang pamilya ni Suzy. Baka dapat ngayong bata pa kami pareho at malakas pa ay gumawa na agad.” Sagot ni Sandro.
“Ikaw ang bahala, basta ang payo ko sa iyo ay galingan mo bukas kung gusto mong makapag honeymoon kayo sa Baguio.” Saad ni Leon sabay tapik sa balikat ni Sandro.
“Gagalingan ko, sige susunduin ko na si Suzy tapos ay mag inspeksyon ako ng mga gulong ay makina ng motor ko para ready na bukas.” Sagot muli ni Sandro.
“Sige, kita tayo dito bukas. Mag full tank ka pala ng gasolina mo para hindi ka biglang itirik.” Payo pa ni Leon.
Tumango lang si Sandro at tumingin sa race field bago umalis.
“Shane? Totoo bang balak mong umuwi ng pilipinas?” tanong ni Amanda ang kapwa nito na pinoy habang nag-aayos sila ng files ng mga pasyente sa rehabilitation sa Physical theraphy section ng hospital.
“Oo, gusto ko kasing gamiting ang leave ko. Kinasal ang kakambal ko nung nakaraan na buwan hindi man lang ako nakadalo.” Sagot ni Shane.
Itutuloy