Chapter 9

1082 Words
“Bigla naman ako kinabahan sa sinabi mo na hindi natin alam ang buhay, kung ano ang pwede mangyari.” Nakasimangot na sabi ni Suzy. Piningot nito ang tenga ng asawa saka sinabing, “Kaya nga sinasabi ko sa iyo na huwag kang sasali sa racing. Hindi ba inaaya ka ni Leon? Huwag na huwag mong tatangkain na sumali dahil talagang mag-aaway tayo.” Hindi naman agad nakakibo si Sandro. Napaiwas siya ng tingin sa asawa at napayuko. Medyo guilty siya dahil nagsisinungaling siya sa kabiyak. “Sandro, naririnig mo ba ako? Huwag kang sumali sa motor racing. Delikado at siguradong kapahamakan lang ang dulot nito. “Oo naman. Hindi naman ako basta-basta sumasali sa mga ganung kompetisyon. Manonood lang ako at mag-aalok ng mga motorcycle partes sa mga manonood. Masaya lang din kasi manood at marami akong nakikilala na mga possible buyer.” Sagot ni Sandro. “Mabuti. Hindi ko kasi kaya na ikaw ang nandun sa loob ng track na punong-puno ng panganib. Marami na akong nababalitaan tungkol sa mga aksidente sa motor racing, at ayoko nang maexpose ka sa ganoong sitwasyon.” Medyo naluluhang sabi ni Suzy. Inalo naman ng lalake ang asawa, “Huwag kang mag-alala, Suzy. Hindi ako magiging reckless sa pagmomotor. May safety gear naman ako at kabisado ko na ang mga safety protocol. Hindi ako papasok dun kung hindi ako handa pero hindi ako sasali huwag kang mag-isip ng masama.” “Naniniwala ako sa iyo, Sandro, pero hindi ko mapigilang mag-alala. Hindi mo ba naiisip na may mga bagay na hindi kayang kontrolin sa motor racing? Kung may mangyari sa iyo dun, hindi lang ikaw ang apektado, pati na rin kami ng mga magulang mo at kapatid.” “Alam ko yan, Suzy. Kaya nga hindi ko ito gagawin kung hindi ako handa. Pero may mga bagay na kailangan kong gawin para sa sarili ko. Hindi ko na kaya na magtrabaho lang araw-araw na walang ginagawa para sa sarili ko. Gusto ko rin mag-explore ng ibang bagay, at itong motor racing ang nagbibigay sa akin ng excitement at challenge na hinahanap ko. Pero sa ngayon ay kuntento na ako sa panood muna.” “Sige, Sandro. Naniniwala ako sa iyo. Pero please, promise me na mag-iingat ka at hindi ka gagawa ng mga bagay na magdadala ng panganib sa iyo.” “Oo naman, Suzy. Hindi ko naman kayang mawala sa iyo dahil lang sa motor racing. Basta alam mo na hindi ko gagawin ang mga bagay na makakapinsala sa akin o sa inyo.” “Okay, sige na, umalis ka na. Mag-ingat ka sa byahe mo. Alam mo naman na marami pa rin na mga kaskasero sa daan.” “Salamat, love. Don't worry, susunduin lita dito ng ligtas.” Si Suzy naman ay hindi mapakali dahil sa nararamdaman niyang hindi lahat ay totoo sa sinabi ni Sandro. Parang mayroon siyang feeling na may nililihim itong hindi niya alam. Pero nagpasya siyang ipagtiwala na lang kay Sandro at hindi na ito alalahanin. Pero sa huli, hindi na siya nakapagpigil. Sumunod siya kay Sandro at balak na hindi rin pumasok sa kanyang trabaho. Nakatayo si Suzy sa harap ng opisina nila habang nakikipag-usap sa kanyang boss. “Ma'am, pakiramdam ko po ay hindi ako makakapasok ngayon. Masama po ang pakiramdam ko at baka magdulot pa ng panganib sa ibang kasamahan ko.” “Ganoon ba? Sige, Suzy. Magpahinga ka na lang muna at uminom ng gamot.” “Salamat po, Ma'am.” Mabilis na sumakay ng taxi si Suzy at pilit inalala kung saan ang nasabi noon ng asawa na lugar kung saan ito nag-aalok ng mga parts ng motor. “Manong, sa Calle Uno po tayo.” Ani Suzy sa Taxui driver. Samangtala, nagkita na Calle Uno sila Sandro at Leon. “Sandro! Mabuti at maaga kang dumating. Narito na rin ang mga iba pang contestant. Handa ka na ba sa racing event mamaya? Ang daming manonood ngayon kaya siguradong bawi na ng organizer ang mga premyo na ipapamigay.” Natatawan sabi ni Leon. Tumango si Sandro, “Oo, handa na ako. Sana nga ay magsimula na upang matapos rin agad. Gagawin ko ang lahat para manalo at maging sulit ang pagsisinungaling ko sa asawa ko.” “Naku! Hindi niya pa rin ba alam? Eh basta mag-ingat ka, Sandro. Alam kong kaya mong ipanalo ito” “Salamat, Leon. Malaki talaga ang passion ko sa motor racing mula ng makanood ako. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na kaya kong manalo dito.” Samantala, nakapasok naman na si Suzy sa lobo ng racing camp at hinahanap ang kanyang asawa. Naisipan niyang magtanong sa mga tao, “Excuse me, nakita niyo ba si Sandro? Kilala ninyo ba siya? Nagbebenta at alok siya ng mga motor parts.” “Hindi ko po siya nakita, ma'am.” sagot ng isa. “Wala rin po akong nakitang lalaki na ganyan ang pangalan.” Saad naman ng isa. “Ganoon ba…” Napahinga ng malalim si Suzy. Narito nga kaya ang asawa o baka masayo lang negative ng isip niya sa lalake?” Paalis na sana siya pero nakita niya si Leon kaya lumapit siya rito. “Leon, nandito ka pala. Nakita mo ba si Sandro? Narito ba siya?” Napakunot noo naman si Leon at nag-aalinlangan na sumagot, “Ah, hindi ko siya nakita. Medyo maraming tao ngayon dito.” “Talaga? Nga-aalala kasi ako sa kanya dahil baka sumali sa racing.” Tugon ni Suzy. Napaubo naman si Leon at napakamot ng batok, “Baka nasa deliver siya ngayon.” “Siguro nga sige, salamat. Tatawagan ko na lang siya.” Nakangiting sabi ni Suzy. “Oo, sige ingat.” Samantala, habang nasa racing event si Sandro ay nanginginig ang kanyang puso dahil sa pagsisinungaling niya sa asawa. Alam niya na hindi ito papayag kung malaman nito ang katotohanan. Pero hindi niya rin maiwasan na hindi sumali dahil talagang malaki ang pagnanasa niya sa motor racing. “Sandro, dapat mag-focus ka na sa racing. Hindi mo dapat pabayaan ang pagkakataon na ito. Mananalo ka, Sandro. Mananalo ka.” Ito ang paulit-ulit na sigaw ng kanyang isip. Si Suzy naman ay hindi mapakali sa kanyang paghahanap sa asawa. Mayroon siyang feeling na mayroong hindi maganda na nangyayari sa kanyang asawa. “Nasaan ka ba Sandro? Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako mapakali. Parang mayroong hindi maganda na nangyayari sa iyo?” malungkot na sabi niya habang sinusubukan na tawagan ang lalake. To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD