CHAPTER 1

1105 Words
Tulala lamang na nakatitig sa kawalan si Monique habang nakaupo sa labas ng Private Room ni Georgina. Hindi siya makapaniwalang magkakaganito ang kanyang matalik na kaibigan. Kung hindi niya sana ito iniwan saglit para humingi ng tulong ay baka hindi ito umalis at sumakay sa taxi palayo ng bar kung saan nila nakita si Don, na boyfriend nito, habang may kasamang babae. Awang-awa siya sa kaibigan lalo na at hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Pangatlong araw na itong nailipat sa pribadong silid dahil kaya namang gastusan ng pamilyang kumupkop dito. Hindi niya naman magawang sisihin si Don dahil wala rin siyang karapatan. Isa lamang siyang hamak na kaibigan. Nasa loob ng kuwarto nito ang taksil na nobyo ni Georgina at ang pinsan nito na kararating lang din mula sa New Jersey kaya lumabas muna siya roon. Naisipan niyang bumili na muna ng makakain sa labas. Wala siya sa sarili habang naglalakad at diretso lang ang tingin sa kanyang harapan. “Georgina . . .” wala sa sariling sambit niya. Hindi niya pansin ang mga nakasasalubong kaya nabangga siya sa pader nang hindi niya alam. Bakit matigas? “T*nga! May malambot bang pader?” saway niya sa sarili. Napaangat siya ng mukha at napanganga nang mapagtanto ang nabangga niya. Hindi niya mapigilan ang mapanganga sa harap nito. Isang guwapong lalaki na datapwat magkasalubong ang kilay ay mukha pa ring anghel sa kaguwapuhan. Muntik niya nang hawakan ang sariling panty at baka malaglag. “What are you? Deaf? Or blind?” bigla ay asik nito sa kanya sa malalim ngunit malamig na boses na nagpabalik sa kanyang huwisyo. Ang pansamantalang paghanga niya rito ay kaagad na naglaho. “I heard you saying Georgina’s name. Do you know where she is?” tanong nito na seryoso ang tono. Napakurap-kurap siya. Sino naman kaya ang guwapong kaharap niya? Hindi naman ito ang kapatid ni Georgina dahil kilala na niya si Andie. Si Dwight lang naman ang kamag-anak ni Georgina na naroon. “I’ll ask you again, Miss. Nasaan ang room ni Georgina Alonzo? Narinig kitang sinasabi ang pangalan niya,” untag ng guwapo niyang kaharap na hinawakan pa siya sa magkabilang balikat. Kahit naiirita na ang mukha nito ay hindi naman nabawasan ang kaguwapuhan nito. Para siyang sinapian ng espiritu ng katangahan lalo na nang maramdaman ang mainit nitong mga kamay sa kanyang balikat. D*amn! “Miss?” “Ah, Oo! Kaibigan ko siy—” “Then take me to her room now!” wika nito na bahagyang lumakas ang boses. Napipilan siya. Sino ba ito at kung makamando ay parang boss niya? “O-Okay! Sundan mo ako,” bahagya pa siyang nautal. Hindi niya alam kung bakit hindi niya ito kayang barahin ngayon. Bakit hindi siya makapagsalita ng kahit ano? Ayaw niyang masira ang tingin nito sa kanya kaya napasusunod na lang siya sa gusto nito. ‘Crush ko na yata siya! Parang ang hirap niyang kontrahin.’ Para kasing gusto niyang magpa-impress sa binata. Ang guwapo kasi nito at parang tinamaan siya sa unang kita niya pa lang. Pagdating nila sa labas ng room ni Georgina ay nagpaiwan siya sa labas. Ang lalaki naman ay dire-diretso na sa pagpasok sa loob. Napatitig na lang siya sa pinasukan nitong pinto dahil ayaw muna niyang pumasok. Tiyak na nagkakagulo pa sa loob. Galit ang pinsan ni Georgina na si Dwight. ‘Hay! Kailan ka pa magigising, ‘Ge?’ Naupo na lang muna si Monique sa mga upuan na ‘di kalayuan sa room ni Georgina. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang galit na mukha ni Dwight. Kung hindi dahil sa kalagayan ngayon ni Georgina ay hindi niya pa makikita ang mga naggaguwapuhang lalaki sa kuwarto ng kaibigan ngayon. Tanging si Don at Dwight lang ang kilala niya sa mga nasa loob. “Sino pa kaya ang dalawang guwapo na naroon? Suwerte naman ni Georgina. Pinapalibutan ng mga guwapong lalaki. Kahit isa lang sa akin ayos na. ‘Yong guwapo kanina,” napahagikgik siya sa naisip. Kakaiba kasi ang isang ‘yon. Masungit na guwapo at iyon ang masarap habulin. “D*mn that jerk!” narinig niyang mura ni Dwight kaya napalingon siya rito. Ano kaya ang nangyari sa loob? Ayaw niya namang lapitan ito at baka madamay pa siya sa galit ng binata. Matigas ang anyo nito na naglakad at parang hindi siya nakita. Bigla namang lumabas din sa pinto ng silid ni Georgina ang lalaking nakabangga niya kanina. Nakakunot-noo ito at nakatiim-bagang habang nakatayo sa labas ng pinto. Walang pag-alinlangang nilapitan niya ito ngunit pasimple lamang ang paraan niya. “Ahm . . . K-Kumusta na siya? Nagising na ba?” mahinang tanong niya. Napabaling ang tingin nito sa kanya. Wala siyang mabasa na reaksyon kung hindi blangko lamang. Hindi niya malaman ang nasa isip nito. Napatikom siya ng bibig. Mukhang may tensyon sa loob. “Sino ka?” malamig na tanong nito. Bahagya siyang kinabahan at tipid na napangiti rito. “Ako si Monique. Kaibigan ako ni Georgina,” pagpapakilala niya sa mahinang boses. Hindi na ito nagsalita pa at nag-iwas na ng tingin. Parang ayaw nitong mabasa niya ang nasa isip nito kung makipagtititigan pa ang binata. Nakaramdam naman siya ng hinayang dahil gusto niya sanang matitigan ang magaganda nitong mga mata. “Kaano-ano ka naman ni Georgina?” lakas-loob na tanong niya ulit dito. Salubong ang kilay nito nang lingunin siya. Nginitian niya ito pero pakiramdam niya ay ngisi iyon. Mukha kasi itong naiinis sa kanyang tanong. “Pasensya na pero kailangan ko ring malaman—” “For what? You don’t need to know,” malamig na saad nito. Mukha talaga itong mataray pero hindi naman siya apektado. Ewan ba niya at natutuwa siya na kausap ito kahit hindi ito nagiging magiliw sa kanya. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Parang lalo itong gumuguwapo sa kanyang paningin. Bigla namang tumingin sa kanya ang binata kaya nagkakatitigan sila. Bigla ay binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Napanganga pa siya nang matitigan ang napakaguwapo nitong mukha. Nakaaakit talaga itong pagmasdan. Parang gusto niya tuloy itong yakapin dahil kinikilig siya sa pakikipagtitigan nito. At ang bango pa nito! Wala sa sariling napapikit siya at sinamyo ang nakaaadik nitong pabango. ‘Hehe! Paranas ng yakap mula sa guwapong nilalang.’ “Mukha kang timang.” Bigla ay napamulat si Monique sa sinabi ng binata. Napapahiyang napaiwas siya ng tingin dito. “Ang guwapo mo kasi. Pasensya na.” Hindi niya napigilang madulas iyon sa kanyang mga labi. “Alam ko.” ‘Ay, p*ta! Narinig niya.’ Napakagat-labi siya dahil nadagdagan ang kanyang kahihiyan. Malamang iisipin nitong nagaguwapuhan siya rito dahil mas’yado siyang halata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD