KINATOK ko ang kuwarto ni mama. Ilang segundo pa ay binuksan ko na ang kuwarto nito. Pumasok ako at lumapit sa kanya. Alas-diyes na ng umaga ngunit mahimbing pa rin ang tulog nito. “Mom... mom, wake up!” “Hhmmm...” Gumalaw na ito kaya napangiti ako. Na-miss ko kung paano ko siya gisingin ng mga ganitong oras. “We have a surprise for you, mom!” Pumupungay pa ang mga mata ni mama nang magmulat ito ng tingin. “What? What are you saying, son?” naguguluhan pang aniya. “C'mon! And you will see...” Bahagyang natawa si mama. “What is it, Clynt? Are you playing pranks again? Don't lie to your mom!” Isinuot nito iyong mga tsinelas niya at tumayo. Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos iyon. “Mom, always remember that you are special to us. At ngayon ang espesyal na araw na inihanda nam