I'M standing in front of the mirror while fixing my polo's collar. Kailangan ko munang dumaan ng office para asikasuhin 'yong mga importanteng meetings ko. Balak ko munang i-move ang mga iyon dahil sa meeting na gaganapin sa resort ni Jervice. Kung tutuusin, ayoko talagang pumunta kaso hindi ako nito tinigilan kagabi. "Aalis ka na?" Napalingon ako kay Chary. Lumapit ito sa akin at agad akong niyakap sa likod ko. Tinanguan ko ito. "Yes, and I have to move quickly. Maraming nakapila na meetings today," "Stay in a bit, sweetie..." malambing na tinig niya at saka ako hinarap. Hinaplos nito ang dibdib ko at dahan-dahang hinagkan ang aking mga labi. Wala sa sariling gumalaw ang mga kamay ko at kumapit sa baywang niya. Hindi ko napigilang hindi mapahalik pabalik. Sa mga oras na 'yon, ina