CASZIANNA ZEID's POV (Ziana) NANATILING nakatingin sa malayo si Azenzo. Pilit kong iniisip kung ano ang gumugulo sa kanya. Bigla-bigla na lang itong tatahimik, siguro nga ganyan talaga siya. Hindi na 'ko magtataka. Ililipat ko na sana ang tingin ko sa harap ng laptop nang bigla ring tumunog iyong cell phone ko. "Hello?" sambit ko sa kabilang linya. "Ziana! Narito kami ni Vice sa labas!" Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at tinanaw ang gate ng bahay namin. Napansin ko ang isang itim na kotse na kapapark lang sa tapat niyon. "Te-Teka lang, bababa ako!" Ibinaba ko saglit iyong screen ng laptop ko. "Sino 'yon?" rinig kong tanong ni Azenzo habang nakatanaw sa labas. Nginitian ko siya. "Mga kaibigan ko," Habang bumababa ng hagdan ay inaayos ko ang buhok at suot kong damit. Hi