EPISODE 5

2088 Words
ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO Nagkalat sa paligid ang mga magkasintahang halos langgamin na sa sobrang pagka-sweet. Nagkalat rin ang mga flowers, teddy bears, chocolates at iba pang ibinibigay ng mga boys sa kanilang mga iniirog. Wow! Iniirog talaga. Hahaha! Ang bilis talaga ng takbo ng panahon. Akalain ninyo, Valentines day na! Hay! Sa panahon ring ito, nauuso muli ang New Year. If you know what I mean. Putukan na! Hahaha! Habang naglalakad ako sa kahabaan ng quadrangle ay may mangilan-ngilan rin akong nakikita na schoolmate ko na parang ordinary day lang ang araw na ito. May mga mukhang bitter rin sa araw na ito. Iyong mga taong nag-iisip na sana February fifteen na o ‘di kaya ay iniisip nila na magbe-break din ang mga ‘yan, malalanta rin ang flowers mo, tataba ka lang sa chocolate na binigay ng syota mo at iba pang ka-bitteran na pinag-iisip. Palibhasa, wala silang ka-valentines. Wala namang masamang maging single. ‘Yung iba, in-enjoy ito at mas gusto nila ang ganun. Ang masama ay ‘yung bitter na single. Speaking of ka-valentines, feel ko rin wala akong ka-valentines. Huhuhu! De joke! Hindi ko kasi kasabay ngayon na pumasok si Yuri sa school. Ewan ko ba doon kung bakit mas maaga siya sa akin pumasok. Bahala na siya. Hindi rin naman ako umaasa na may surprise siya sa akin ngayong araw. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako maka-get-over sa ginawa niyang surprise nu’ng birthday ko na dinaig niya pa ang araw na ito dahil sa sobrang kilig na naramdaman ko. Oo nga pala, after ng surprise niyang iyon, marami pang nangyari nu’ng araw na iyon. Pagkatapos ng klase ay kaagad kaming umuwi sa bahay para naman pagsaluhan ang isang munting salo-salo. Present doon si Alona at ang mga parents ni Yuri. Infairnes naman, mababait sila at magaan ang loob ko sa kanila. Sa wakas ay nakarating na ako sa classroom ko para sa una naming klase. Hanggang sa classroom ay ramdam na ramdam ko rin ang Valentine’s fever dahil sa dami ng magjo-jowa na nagkukumpulan sa isang tabi at nag-uusap ng puro ka-sweetan. ‘Yung iba nga ay halos magkapalit na ng mukha sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa. Pumunta na lang ako sa upuan ko. Nagulat pa ako ng may nakapatong sa mesa ko na tatlong ecuadorian roses na nakatanim sa isang paso na hugis cupcake. Ang ganda at buhay pa ang halaman. Pero teka, sino ba ang nagbigay nito? May nakita akong card na nakapatong rin sa mesa ko. Kinuha ko iyon at binasa kung ano ang nakasulat doon. To my one and only SiKo, Tulad ng ecuadorian roses na ‘yan ang pagmamahal ko para sayo, hindi basta-basta mamatay dahil nakatanim na ito sa kaibuturan ng puso ko. Hahaha! Ang corny ko ba, SiKo? Hayaaan mo na, Valentines naman at araw ngayon ng mga corny. Saka sayang naman ang itinuro sa akin ni Philipp na technique para magpakilig ng babae. Hahaha! Anyway, Happy Valentines Day, SiKo. Mahal na mahal kita at kahit hindi araw ng mga puso, araw-araw mo pa rin mararamdaman ang pagmamahal ko para sayo. Araw-araw mong maaalala na may isang Yuri Angelo Del Pierro na nagmamahal at magmamahal parin sayo. Love, Your handsome SiKo PS: Magkita tayo mamaya, may date tayo. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o dapat talaga akong kiligin. Hahahaha! Oh, sige na nga, kinikilig na ako! Hahaha! Akala ko naman, wala na siyang gagawin na ikakikilig ko. Grabe talaga siya. Grabe talaga! “Para kang kiti-kiti diyan.” Narinig kong bulalas ni Albie na nakaupo sa upuan katabi ng upuan ko. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kanang kilay. “Inggit ka lang kasi si Yuri, marunong magpakilig eh ikaw? Hanggang ngayon, natotorpe ka pa rin kay Alona,” wika ko saka ningisihan siya. Naupo na ako sa aking upuan. Hindi ko na inalis sa mesa ko ang paso na may bulaklak. “May date ba kayo ni Alona?” tanong ko pa kay Albie na hindi nagsalita kanina. Nagkibit-balikat lang si Albie sa tanong ko. Oww! Mukhang may date sila. “Silence means yes tama ba? May date kayo?” tanong ko ulit. Hindi na naman nagsalita si Albie. Ningitian ko siya.“Galingan mo. Gusto ko na pakiligin mo ng todo ang bes ko. Huwag ka nang totorpe-torpe diyan dahil kung ganyan ka palagi, hindi malayong makuha siya ng iba,” pananakot ko. Again, hindi nagsalita si Albie. Na-pipe na yata. Lumipas pa ang ilang sandali ay dumating na ang professor namin. Bumati ito ng happy valentines sa aming lahat pagkatapos ay nag-umpisa na ang klase. --- “Bakit mo ako dito dinala? Akala ko ba magde-date tayo?” tanong ko kay Yuri na nakakunot ang noo. Nandito kasi kami ngayon sa park. Medyo pagabi na at ang araw ay palubog na. Hindi nagsalita si Yuri. Dala namin ang fishball, kwek-kwek at juice ay naupo muna kami ng magkatabi sa isang bench dito sa park. Ipinatong ang mga nabili naming pagkain sa lamesa. May lamesa kasi sa harapan ng inuupuan namin. Kaya ko naitanong ‘yan sa kanya kasi karamihan ‘di ba kapag nagde-date, kundi sa restaurant, sa amusement park. Saka sa palagay ko kasi, hindi type ni Yuri ang makipag-date lang sa park. “Dito tayo unang nag-date noon.” Sa wakas ay nagsalita na si Yuri. Hindi ito nakatingin sa akin bagkus ay nakatingin ito sa papalubog na araw. “Nag-date na tayo?” tanong ko. Hindi ko kasi maalala na nag-date na kami. Ahhh, oo nga pala, may amnesia ako kaya nakalimutan ko. Tumingin si Yuri sa akin. “Actually, hindi date iyon. Dinala mo lang ako rito noon para maglibot,” aniya. “Ahhh,” sabi ko lamang at napatango-tango. Tumingin kaming dalawa sa papalubog na araw. Ang ganda nitong pagmasdan na unti-unting lumulubog. Ang ganda rin tuloy pagmasdan ng dagat na kalma lang ngayon ang alon. “Ang ganda talaga pagmasdan ng sunset lalo na kapag kasama mo ang taong mahal mo.” Narinig kong bulalas ni Yuri kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin ito sa papalubog na araw. Ngumiti ako. “Tama ka diyan. Isa ang sunset sa mga magagandang nilikha Niya dito sa mundo,” saad ko. Tumingin sa akin si Yuri. Hindi pala tingin kundi titig. “Pero ang nangungunang pinakamaganda para sa akin na nilikha Niya dito sa mundo ay ikaw,” sincere na sabi niya. Nakaramdam na naman ako ng kaba. Napapalunok pa ako niyan dahil parang nanunuyo ang aking lalamunan sa tindi ng kaba. Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko kasi makayanan ang titig niya sa akin. Parang anytime kasi, pwede akong mag-collapse dahil sa sobrang kaba na nararamdaman. ‘Yung tingin pa naman niya, nakakatunaw at parang sinasabi na ako lang ang mahal niya. Naramdaman ko na lamang na umakbay sa aking balikat ang braso ni Yuri at parang ikinukulong ako nito. Nakalapit na pala siya sa akin ng hindi ko alam. Halos mapasandal naman ang likod ko sa katawan niya kaya ramdam ko ang pagiging matipuno niya. “Ramdam mo ba ang mabilis na pagpintig ng puso ko?” tanong niya sa akin ng pabulong. Oo nga, ang bilis nang pagpintig ng puso niya na parang anytime, pwede ng lumabas sa ribcage niya. Hindi ako nagsalita bagkus ay tumango lang ako. “Hindi talaga nagbabago ang t***k ng puso ko kapag kasama kita. Laging ang bilis na akala mo’y tumakbo ako ng one hundred kilometers ng walang pahinga,” bulong pa ni Yuri. Hindi muli ako nagsalita. Kasabay rin kasi ng mabilis na pagtibok ng puso niya ay ang mabilis rin na pagtibok ng puso ko. Parang gumagawa ng ritmo ang mga ito na ang sarap sa tenga pakinggan. “Nagustuhan mo ba iyong binigay ko sayo?” tanong ni Yuri sa akin. Ang tinutukoy nito ay ang bulaklak na bigay niya sa akin. “Oo naman. Bigay mo kaya iyon. Salamat,” pasasalamat ko. Pinauwi ko na muna sa driver ang bulaklak na iyon kasi nga baka masira kapag dinala ko pa sa ibang lugar. Sa bahay, safe iyon. “Ito ang first valentines nating dalawa. Ang susunod naman nating aabangan ay ang first anniversary natin bilang mag-asawa,” sabi niya. Napatingala ako para tingnan ang gwapo niyang mukha. “Kailan ba ang first anniversary natin?” tanong ko. Nakita kong bahagyang lumungkot ang mukha niya pero kaagad rin iyong nawala at ngumiti na parang wala akong sinabi na nakasakit sa damdamin niya. “Malapit na. Basta malalaman mo rin iyon.” Ningitian ko si Yuri. “Happy Valentines SiKo,” malambing kong sambit. Para kahit naman papaano ay hindi na siya malungkot. Alam ko naman na nalulungkot pa rin siya dahil sa sinabi ko at itinatago niya lang. Yumuko si Yuri at tiningnan ako. “Ang sarap namang pakinggan kapag ikaw ang nagsasabi ng SiKo. Ramdam na ramdam kong para sa akin talaga iyon,” aniya. Nginitian ko na lang ulit siya. Tumingin muli kaming dalawa sa papalubog na araw. Naramdaman kong napunta ang braso ni Yuri sa aking baywang at niyayakap ako ng mahigpit. Hindi naman ako nagpumiglas sa ginawa niya bagkus, dinama ko ang init ng kanyang yakap. Saksi ang papalubog na araw sa date namin ni Yuri. Saksi siya sa walang hanggang pagmamahal ni Yuri para sa akin. Mahal ko rin naman si Yuri pero masasabi kong mas matimbang ang pagmamahal niya compare sa akin. At dahil doon, malaki ang pasasalamat ko na binigyan ako ng isang kagaya ni Yuri. --- THIRD PERSON Patingin-tingin lang si Albie sa mga bulaklak na nasa loob ng flower shop ni Alona. Kunwari ay namimili siya pero ang totoo, hindi naman talaga ang mga bulaklak ang ipinunta niya rito kundi ang may-ari mismo. Sobra siyang kinakabahan habang mabagal na naglalakad. Sa totoo lang, nahihiya na naman siya na kausapin si Alona. Palagi na lang siyang ganito at minsan nga ay naiinis na siya sa kanyang sarili. Nasa counter naman si Alona. Nakasunod lang ang tingin niya kay Albie na hindi man lang siya tinitingnan. Napanguso siya. “Nahihiya na naman siguro siya,” bulong ni Alona. “Hindi ba niya ako aayain mag-date ngayon? Valentine’s kaya,” aniya pa. Sa tuwing magpupunta si Albie, palagi na lang nahihiya at siya ang gumagawa ng move para magkausap sila at maibigay rin sa kanya nito ang dalang chocolates. Ramdam naman niya na may gusto sa kanya ang binata at may gusto rin naman siya sa kanya pero ‘yun nga, palagi itong nahihiya. Pamaya-maya ay nagbuga nang hininga si Alona. Umalis siya sa counter saka napagpasyahang lapitan si Albie. Huminto sa paglalakad si Albie. Tipid siyang napangiti habang nakatingin sa pulang rosas na nakatanim pa sa paso. ‘Mas maganda pala ang rosas kapag nakatanim,’ sa isip-isip niya. Ilang sandali lang ay nakaramdam si Albie na may kumalabit sa kanya. Nilingon niya iyon at bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita si Alona na diretso ang pagtingin sa kanya. Hinarap niya ito. “A-Alona-” “Iikot-ikot ka na lang ba dito sa loob ng flower shop ko o aayain mo akong mag-date?” diretsahang tanong ni Alona. Napaismid siya. “Kanina ko pa kasi hinihintay ang pag-aaya mo pero mukhang wala kang balak na ayain ako,” aniya pa. “Baka eleven-fifty-nine mo pa ako ng gabi balak ayain diyan kaya nilapitan na kita,” bulalas niya pa. Natameme si Albie sa mga sinabi ni Alona. Maya-maya ay kumamot pa siya sa kanyang batok. Napangiti naman si Alona. Nakita niya ang pagkinang ng mga mata ni Albie. “Huwag kang mag-alala kasi naka-kota naman na ako ngayong araw kaya pwede na akong makipag-date sayo,” aniya. “Ang diretso mo naman,” mahinang sambit ni Albie na narinig naman ni Alona. Mahinang natawa si Alona. “Ikaw kasi ang bagal mo,” wika niya. “Kung babagal-bagal ka at wala naman akong gagawin, baka abutin na ako ng sixty years old sa kakahintay sayo,” sabi pa niya. Bahagya namang ngumuso ang ibabang labi ni Albie. Nagbaba siya ng tingin. “Sorry,” mahinang bulalas niya. Napangiti naman si Alona. “Hindi mo kailangang mag-sorry,” saad niya. “Sa totoo lang, gusto ko rin ang pagiging mabagal at pagiging kalmado mo,” aniya. Hindi naman nagsalita si Albie. Napangiti siya sa sinabi ni Alona. Lumaki naman ang ngiti sa labi ni Alona. “Dalhin mo ako sa magandang lugar, okay?” tanong ni Alona saka kumindat pa. Mas lumaki naman ang ngiti sa labi ni Albie. Tumango-tango siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD