EPISODE 6

3296 Words
THIRD PERSON Hinihilot ng may diin ni Yuri ang kanyang kanang sentido. Dahan-dahan niyang isinandal ang kanyang likod sa inuupuang swivel chair. Sumasakit ang kanyang ulo dahil sa kakabasa ng mga documents na kailangan niyang pag-aralan. Medyo naiinis nga siya dahil dagdag pa ito sa mga ginagawa niya. Nandito siya ngayon sa opisina ng daddy niya. After school ay dito na siya pumupunta at tinatapos ang mga dapat gawin niya para sa kumpanya para makauwi kaagad ng bahay at makita ang mahal na asawang si Ellyse. Siya muna pinakiusapan ng kanyang daddy na mamahala sa kumpanya nila habang wala ito. Tiningnan ni Yuri ang picture frame na nakapatong sa kanyang office desk. Napangiti siya. Picture kasi nila iyon ni Ellyse noong pumunta sila ng Korea. Pero nawala rin kaagad ang kanyang ngiti sa labi ng may biglang siyang naisip. ‘Kung ipapakita ko kaya ang picture na ito sa kanya, matatandaan niya kaya na pumunta kami ng Korea at masayang naglibot doon?’ Hindi pa rin mapigilan ni Yuri na malungkot minsan sa tuwing maaalala niya na nakalimutan siya ng asawa. Lahat ng pangayayari na sila’y magkasama at masayang pinagsamahan. Mga alaalang kay sarap isipin at balikan, nakalimutan nito sa isang iglap lamang. Hindi naman niya sinisisi si Ellyse dahil alam naman niyang hindi nito kagustuhan ang mga nangyayari ngunit nanghihinayang siya at hindi niya iyon itatanggi. Oo at nagpapasalamat si Yuri ngayon na kasama na niya si Ellyse araw-araw. Naipaparamdam niya sa asawa kung gaano niya ito kamahal. Hindi rin naman siya manhid, ramdam rin niya na mahal rin siya ni Ellyse kahit wala itong sinasabi. Pero hindi niya maitatanggi na kahit kasama niya ang taong mahal niya, pakiramdam pa rin niya ay parang may kulang. At ang kulang na iyon ay ang mga nawalang alaala ni Ellyse. Hindi sa nagrereklamo si Yuri. Sapat na sa kanya na kasama si Ellyse pero gusto pa rin niya na kasabay nang hindi paglimot ng puso ni Ellyse sa kanya, dapat pati ang utak nito ay hindi rin nakalimot. Gusto niya na sabay nilang alalahanin ang lahat ng pinagsamahan nila. Gusto niya, maalala nito ang lahat ng masasayang pangyayari sa buhay nila na magkasama. Gusto niya na kapag magkatabi sila at nagkwe-kwentuhan, parehas silang may sasabihin at matatawa kapag sabay nilang naalala ang mga masasayang alaala na iyon. “Sir, are you okay?” Naputol ang pag-iisip ni Yuri nang marinig niya ang sinabi ng sekretarya ng daddy niya na si Vanessa. Napansin kasi nito na parang hindi okay si Yuri. Tiningnan ni Yuri si Vanessa. “I’m okay,” matabang na sagot ni Yuri at iniwas na ang tingin kay Vanessa. Maganda si Vanessa. May kaliitan ang hugis ng mukha niya. Morena ang kulay ng makinis na balat. Sexy ang pangangatawan sa suot na puting blouse at pencil skirt na kahit sinong lalaki ay hindi maiiwasang tingnan siya. Sexy lips, mahaba at hanggang likod ang wavy nitong buhok na kulay brown. Malusog ang hinaharap at may katangkaran. “Are you sure, Sir? Baka may kailangan po kayo,” pagtatanong pa ni Vanessa. May pagka-flirty ang boses nito na matamang tinitingnan si Yuri. “Okay nga lang ako,” medyo naiinis na sagot ni Yuri nang hindi tinitingnan si Vanessa. ‘Ang kulit,’ sa isip-isip niya pa. “Baka po gusto niyo ng kape, juice or i-massage ko na lang ang- Pinanlakihan ng mga mata ni Yuri si Vanessa. “I’m said na okay lang ako! Bobo ka lang ba o wala ng utak ‘yang bungo mo?!” malakas na sigaw niya kay Vanessa na nanlalaki na ang mga mata at natulala. Alam naman ni Yuri na nilalandi siya ng secretary ng daddy niya kahit na alam naman nito na may asawa na siya. Kung magsalita kasi ito, parang inaakit siya. Minsan naman, bigla-bigla na lang siya nito hinahaplos sa braso na kaagad naman niyang iniiwas. Mabuti na nga lang at hindi nito nilalandi ang daddy niya dahil kundi, lagot ito sa mommy niya. Baka bago pa ito makalabas ng building ng kumpanya, wala na itong buhok dahil sa sabunot ng mommy niya. Hindi lang niya magawang tanggalin ito dahil sa secretary ito ng daddy niya. “I’m sorry, Sir.” Paghingi ng sorry ni Vanessa na mukhang natiklupan ng buntot. Inirapan ni Yuri si Vanessa. “Umalis ka na nga!” pantataboy niya sa magandang secretary na walang effect ang ganda sa kanya. Kaagad namang umalis si Vanessa na nagtatatakbo pa palabas ng opisina at iniwan na si Yuri na nag-iisa. Pagkalabas ni Vanessa ng opisina ay bumungad sa kanya si Ellyse na nakataas ang kanang kilay, nakasalikop ang mga braso na nakatayo at naghihintay sa labas ng pinto ng opisina ni Yuri. Tiningnan ni Ellyse si Vanessa mula ulo hanggang paa. Hindi na nito inangat ang tingin at nananatiling nasa paa lang ni Vanessa ang mga mata niya. “Mukhang paa,” bulong ni Ellyse na ikinalaki ng mga mata ni Vanessa. ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO “Where’s the office of Mister Del Pierro?” tanong ko sa receptionist. Nasa lobby ako ng kumpanya nila Yuri. Wala lang, pumunta ako dito para dalhan siya ng makakain. Nalaman ko kasi na siya muna ang pansamantalang namamahala ng kumpanya na pagmamay-ari ng daddy niya at dahil asawa naman niya ako, naisipan kong dalhan siya ng pagkain. Ewan ko ba pero sinasakyan ko na lang itong kabaliwan ng puso kong gustong-gusto siyang makita ngayon. “Good afternoon Ma’am, nasa eleventh floor po ang office ni Mister Del Pierro,” magalang at ngumingiting sagot ng babaeng receptionist. Wow! Mukhang kilala yata ako dito. Mabuti na lang at hindi ako mukhang basahan ngayon at kahit papaano nama’y nababagay sa lugar na ito ang suot kong damit. Simple but elegant. Hahaha! Siyempre! Hindi dapat ako magmukhang basahan, ‘no! Ningitian ko si ganda. “Salamat,” nangingiting sambit ko. Grabe! Ang taas at ang lawak ng building ng kumpanya nila Yuri. Sa pagkakaalam ko, isa lang ito sa mga building na meron ang kumpanya nila Yuri. Marami kasi silang kumpanya na pagmamay-ari. Tinungo ko ang elevator para sumakay. Alangan namang maghagdan ako. Hello! Nasa eleventh floor pa ang opisina ni Yuri. Nang nasa elevator na ako at humihinto ito sa bawat floor para magsakay pa ng iba, bawat empleyado ay binabati ako. Naks! Madam na madam lang ang peg ko. Hahaha! After dumaan ng elevator sa sampung floor ay sa wakas ay nakarating na ako sa eleventh floor. Tatlo lang ang room na nakita kong nandito. ‘Yung isa, mukhang malaking conference room. Tinted glass kasi ‘yung nagsisilbing wall kaya I think, conference room ‘yun or whatever. ‘Yung isa naman, hindi ko alam kung ano kasi nakasarado ‘yung pinto. ‘Yung isang kwarto naman sa kaliwa, nakabukas ng bahagya ang pintuan kaya pinuntahan ko iyon. Napahinto ako sa aktong pagpasok ko sa loob dahil nakarinig ako na may nag-uusap mula sa loob. “Are you sure, Sir? Baka may kailangan po kayo.” Narinig kong sambit ng isang boses malandi na ikinataas ng kilay ko. “Okay nga lang ako,” narinig kong sabi naman ni Yuri. Napangiti ako. “Baka po gusto niyo ng kape, juice or i-massage ko na lang ang-” “I’m said na okay lang ako! Bobo ka lang ba o wala ng utak ‘yang bungo mo?!” Narinig kong malakas na sigaw ni Yuri kaya pati ako nagulat. Kaloka! Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nilalandi ng babaeng iyon si Yuri. Nakaramdam tuloy ako ng inis at medyo pagkatuwa kasi sinigawan siya ni Yuri. Hahaha! Ang sama ko talaga. “I’m sorry, Sir.” Narinig kong wika ng babae na mukhang natiklupan ng buntot. Buti nga! “Umalis ka nga!” Tinaboy siya ni Yuri na ikinatuwa ko naman. Naghanda na ako. Tumayo ako ng may poise and elegance. Namaywang ako kahit na may hawak ako na paper bag kung saan nakalagay doon ang lunch box na naglalaman ng pagkain na dala ko. Itinaas ang kanang kilay. Kailangan magmukha akong mataray. Susubukan kong sindakin ang babaeng iyon na ahas na lumalandi sa asawa ko. Pagkabukas ng pintuan ay nagulat siya nang makita ako. Tiningnan ako nito. Hmm… maganda siya pero alam ko na mas maganda ako kaysa sa kanya. Ako nga daw ang pinakamaganda ayon na rin kay Yuri, ‘di ba? Hahaha! Tiningnan ko rin siya ng mataray. Tiningnan ko din siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko ibinalik ang tingin ko sa mukha niya. Ngumisi ako. “Mukhang paa,” mahinang sambit ko. Mahina akong natawa. “Nandito po pala kayo Ma’am.” Biglang gumalang itong haliparot na ito. Mabuti naman at kilala niya ako kundi baka gawin kong mas mapula ang labi niya. Iyong tipong namamaga pa. Hahaha! Nananatiling nasa paa lang niyang may suot na black shoes na may heels pa ang tingin ko. “Nasaan ang asawa ko?” tanong ko sa kanya saka ko na siya tiningnan ulit sa mukha. Sa pakiramdam ko naman ay hindi siya mukhang masama. May pagkamalandi nga lang pero nakakaramdam pa rin ng takot. Halata naman sa kanya. Pwede na pala akong maging kontrabida. May natatakot sa katarayan ko. Bwahaha! “Nasa loob po, Ma’am. May ginagawa po siya.” Ningitian ko siya ng plastic. “Ahhh… okay,” wika ko. Bago ako magpasyang pumasok sa loob ay nilapitan ko siya lalo. Mas matangkad siya sa akin. Ako, katamtaman lang naman ang tangkad. Tiningnan ko siya sa mga mata niyang natatakot naman na nakatingin sa akin. “Narinig kita kanina,” panimula kong sabi sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya. May pagkamataray ang boses ko kaya ramdam ko ang panginginig niya. “Kung lalandiin mo ang asawa ko, make sure na mas masarap ang labi mo compare sa labi ko. Maliwanag?” tanong ko pa. Tinaasan ko pa siya lalo ng kilay. “And make sure na mas higit ka sa’kin kasi kung hindi, uuwi kang kawawa,” nangingiting pang-iinsulto ko pa at tinapik siya sa kaliwang balikat at iniwan ko siya sa labas na tulala. Habang papasok ako ay natatawa ako sa sarili ko. Kaya ko palang magtaray ng ganun? Hindi ko inakala iyon. Hahaha! Nang tuluyan na akong makapasok sa office ni Yuri ay namangha ako sa ganda ng loob nito. Modern style ang interior ng office. Kumpleto sa mamahaling gamit sa loob at ang laki. May mini bathroom at kitchen pa nga at ang lamig-lamig. Parang condo unit lang. Tiningnan ko si Yuri. “Hi SiKo,” pagbati ko sa kanya na nakaupo sa swivel chair. Tumingin siya sa akin at halos malaglag siya sa kinauupuan nang makita ako. Nanlalaki pa ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Gulat na gulat? “Oh? SiKo, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Yuri sa akin sa nagtatakang tono. Tumayo ito mula sa inuupuan at lumapit sa akin. Napa-pout ako ng labi. “Parang hindi naman ako welcome dito sa klase ng tanong mong ‘yan,” saad ko sa nagtatampong tono. “Saka bakit ka ba gulat na gulat na nandito ako?” tanong ko pa. Lumapit ako sa sofa at umupo. Ipinatong ko naman sa mesang nasa gitna ang dala kong pagkain. “Hindi naman sa ganun. Hindi ko lang inaasahan na pupunta ka rito,” dahilan ni Yuri. “Ganun ba? Hindi mo inaasahan na pupunta ako?” tanong ko. Tumango-tango naman si Yuri na nananatiling nakatayo. “So ngayon asahan mo na pupunta ako rito any minute,” wika ko. “Pumunta pala ako dito para dalhan ka ng pagkain,” saad ko pa. Hindi ako nagluto kundi si manang. “Talaga?” excited nitong tanong. “Ikaw ang nagluto?” tanong pa nito na tuwang-tuwa. “Hindi ako, si manang,” sagot ko. Napa-pout ng labi si Yuri na parang bata. Mahina akong natawa. “Akala ko naman ipinagluto mo ako,” sabi niya pa na boses bata. Tumayo ako at lumapit kay Yuri. Kinurot ko siya sa magkabilang pisngi niya. Ang cute kasi. “Aray naman SiKo! Nangungurot ka diyan? Hindi mo na nga ako ipinagluto tapos sasaktan mo pa ang gwapo kong mukha!” sigaw niya sa akin habang hinihimas ang nasaktang pisngi. “Sinisigawan mo ako?” nagtataray kong tanong. Bigla namang tinikom ni Yuri ang bibig niya. “Yabang mo rin, ‘no? Gwapo daw siya,” sabi ko na kunwari hindi naniniwala pero totoo naman na gwapo siya. Niloloko ko lang. “Bakit hindi ba?” tanong ni Yuri at nag-pogi sign pa. Natawa ako. “Oo na! Gwapo ka na!” salita ko pa habang patawa-tawa. Pumunta ako sa swivel chair na inuupuan niya kanina at ako ang naupo doon at parang bata akong nagpaikot-ikot habang nakaupo. “Parang bata ka diyan,” nangingiting sabi ni Yuri. “Bata pa naman ako,” usal ko. Inihinto ko ang pagpapaikot ko sa swivel chair nang mahagip ng mga mata ko ang isang litrato na nakapatong sa office desk niya. Kinuha ko iyon at tiningnan. Tiningnan ko si Yuri. “Ako ito, ah! Saka ikaw. Saan kinunan?” tanong ko. Nakita ko ang bahagyang paglungkot ng mukha niya pero again, nawala kaagad ang lungkot sa mukha ni Yuri. Ningitian niya ako. “Sa Korea. Doon tayo nagbakasyon nung semestral break natin,” sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko. “Talaga? Nakapunta na tayo ng Korea?” pagtatanong ko. Tumango si Yuri bilang sagot. Ano ba naman iyan, bakit pati iyon nakalimutan ko. Hindi ko tuloy alam na nakapunta na pala ako ng Korea. “Ano ba naman iyan! Pati ba naman iyon nakalimutan ko! Kainis naman!” nagmamaktol na sambit ko. Siyempre, malay ko may mga magagandang lugar kaming pinuntahan doon. “Maaalala mo rin iyon. Hayaan mo, ipapagawa ko iyong phone mo. Nandun ang maraming pictures na kinunan mo nung nandun tayo sa Korea,” bulalas ni Yuri. Ang tinutukoy niyang phone ko ay ‘yung nasira nung na-aksidente ako. Bago kasi itong gamit kong phone ngayon. Ningitian ko na lang si Yuri. Napatingin ako sa braso ko kung saan may nakasuot na bracelet. Itinaas ko ito at ipinakita kay Yuri. “Ikaw ang nagbigay nito, ‘di ba?” tanong ko sa kanya. Tumango si Yuri bilang pagsagot sa tanong ko. “Saan galing?” tanong ko pa. “Sa Korea.” “Ahhh…” ang nasabi ko na lang. Kaya pala kakaiba. Saka cherry blossoms ang design. Galing pala ito sa ibang bansa. Pamaya-maya ay bigla kong naalala iyong secretary ni Yuri na malandi. Tumaas ang kanang kilay ko. “Oo nga pala, anong pangalan ng secretary mo? ‘Yung nakita ko sa labas ng opisina mo?” tanong ko. Nakaramdam na naman ako ng inis sa babaeng iyon. “Siya? Si Vanessa, secretary ni daddy,” sagot ni Yuri. “Bakit mo naitanong?” pagtatanong niya pa. Umiwas ako ng tingin kay Yuri. Pinaikot ko ang swivel chair at tinalikuran ko ang mesa at tumingin sa malaking salaming bintana. Wow! Kitang-kita ko mula dito ang buong syudad. “Wala lang. Narinig ko kasi siya kanina mula sa labas na parang nilalandi ka,” wika ko. Hindi ko naitago sa aking boses ang pagkainis sa babaeng iyon. “Ganun ba? Alam mo ba na araw-araw siyang ganun? Iyong tipong araw-araw niya ako nilalandi?” sunod-sunod na tanong ni Yuri. Inikot ko ulit paharap ang swivel chair at tiningnan si Yuri. “Ano?!” malakas na sigaw ko sa kanya. Hindi ko na talaga maitago ang… selos? “Wala ka man lang ginagawa para matigil ang panlalandi niya sayo?” hindi makapaniwalang tanong ko. Nagkibit-balikat si Yuri. “Anong magagawa ko? Ang gwapo ko kasi kaya maraming babae ang nahuhumaling sa akin at isa na si Vanessa doon,” nagmamalaking sambit niya. Aba! Nagmamalaki pa talaga ang loko-loko. “Hindi ko naman siya pwedeng paalisin kasi secretary iyon ni daddy kaya wala ako sa posisyon na paalisin siya.” “Ewan ko sayo!” singhal ko na lang sa kanya at inirapan siya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nakatikim ng masamang tingin ang pader. Hindi ko namalayang pumunta sa likuran ko si Yuri at niyakap ako habang nakaupo pa rin ako sa swivel chair niya. Ipinatong nito ang baba sa balikat ko. “Huwag ka ng magselos, SiKo. Hindi ko naman papatulan iyon kahit sexy at maganda siya. Mahal kaya kita,” bulong niya sa’kin. Pumiglas ako sa pagkakayakap niya at tiningnan siya ng diretso. “At sino namang nagsabi sayo na nagseselos ako?” mataray na tanong ko kahit na ang totoo naman ay nagseselos nga ako. Ayoko lang malaman niya dahil baka asarin niya ako. Napangiti si Yuri. “Hindi na kailangan na may magsabi na nagseselos ka. Kitang-kita naman sa mukha mo,” nakakalokong sagot niya. Inirapan ko nga siya ulit. “Che! Ewan ko sayo! Halika na nga at kumain tayo ng dala kong pagkain. Mukhang nagugutom ka na kasi kung anu-ano ang pinagsasabi mong kalokohan!” paglilitanya ko pa. “Okay!” sabi lang ni Yuri at pasipol-sipol pa habang nakatayo sa likod ng inuupuan ko. Hindi ko na nga lang siya pinansin at tumayo na ulit ako at nilapitan ang gitnang mesa. Hinanda ang pagkain na pagsasaluhan naming dalawa. Habang inihahanda sa mesa ang mga pagkain ay tiningnan ko ulit si Yuri. Nangingiti ang loko habang nakahalukipkip ang mga braso at tinitingnan ako. Inirapan ko ulit siya with all my heart and soul saka minadali kong ihanda na ang pagkain. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. “Grabe siya magselos,” narinig kong bulong pa ni Yuri na muli kong ikinatingin sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin. Lumaki naman ang ngiti sa labi niya. Aba! Tuwang-tuwa na nagseselos ako. Napailing-iling na lamang ako at iniwas ang pagtingin sa kanya. THIRD PERSON Nakatayo nang tuwid si Yuri sa hindi kalayuan. Nangingiti ang kanyang labi habang pinagmamasdan ang asawa na si Ellyse na ngayon ay nagdidilig ng halaman sa bakuran nila. Tila nagliliwanag ito sa paningin niya dahil sa pagtama ng sinag ng araw. Medyo mahangin kaya naman hinahangin din ang maganda nitong buhok na tila nagsasayaw kasabay ng mga halaman. “Sobrang ganda niya,” manghang-mangha na wika ni Yuri sa mahinang boses. Mas lalo pang gumanda si Ellyse sa paningin niya ng amuyin nito ang mga bulaklak. Nakaramdam naman si Ellyse na may nakatingin sa kanya. Tumingin siya sa direksyon ni Yuri. Kumunot ang noo niya at tinaasan niya rin ito ng kanang kilay nang makita niya ito. “Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” nagtatakang tanong ni Ellyse. Lalo namang lumaki ang pagngiti sa labi ni Yuri. “Ang ganda mo kasi,” nangingiting sagot niya. Bigla namang nahiya si Ellyse. Kung saan-saan siya tumingin. “Parang tanga ‘to,” nahihiyang litanya niya pagkatapos ay nangiti. Hindi naman nawawala ang ngiti sa labi ni Yuri. Tiningnan naman ulit siya ni Ellyse pero kaagad ring nag-iwas. Muli nitong hinarap ang mga halaman at diniligan. “Haaay! ‘Yung daddy niyo gandang-ganda sa’kin,” nangingiting pagkausap ni Ellyse sa mga halaman. “Kunsabagay, maganda naman talaga ako, ‘di ba?” tanong niya pa sa mga halaman. Nananatili namang nakatingin si Yuri kay Ellyse. Pinamulsa niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang tokong short. “Baka naman malunod na ‘yang mga halaman,” wika ni Yuri kay Ellyse. Napatigil naman si Ellyse sa pagdidilig. Nilingon niya si Yuri. Ningitian naman siya ng huli. “Tara at mag-miryenda tayo,” pag-aaya ni Yuri kay Ellyse. Nagbaba nang tingin si Ellyse. Medyo nahihiya pa rin siya. Mahina namang natawa si Yuri. “Tara na!” pag-aaya niya ulit sa asawa. “Sandali lang!” pagpayag na lang ni Ellyse na ikinalaki ulit ng ngiti sa labi ni Yuri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD