EPISODE 4

2531 Words
FEW DAYS LATER ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO “Mabuti naman at naisipan mo nang pumasok. Hindi mo nakalimutan na nag-aaral ka,” salita sa akin ni Albie. Magkasama kami ngayon dito sa school garden at nakaupo ng magkaharap sa isang pandalawahang mesa. Kakatapos lang ng isa naming klase. Ningitian ko si Albie. “Mabuti nga at hindi ko nakalimutan na nag-aaral ako,” wika ko. Maya-maya ay nagbaba ako ng tingin. ‘Pero si Yuri… haaay!’ sa isip-isip ko pa. Tumingin muli ako kay Albie at ngumiti ng pilit. “Oo naman. Ang dami ko na rin kayang absent at na-miss na lessons kaya dapat lang na pumasok na ako.” Tumango-tango naman si Albie. “Kumusta ka naman? Okay na ba ang pakiramdam mo?” tanong niya. “Oo naman. Papasok ba ako kung hindi pa ako okay?” pamimilosopo ko. Napatango lang ulit si Albie. “Eh siya, naalala mo na ba kahit kaunti lang?” pagtatanong na naman niya. Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Pinilit kong ngumiti. Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko pa siya naaalala. Pero habang kasama ko siya, unti-unti ko naman siyang nakikilala,” sagot ko. “Hay! Alam mo naman na nagloloko ngayon ang utak ko, ‘di ba?” tanong ko pa sa kanya. “Hindi lang tao ang nagloloko kundi pati rin ang utak,” sabi ko pa. Umangat naman ang kanang sulok ng labi ni Albie. “Ang hirap ng sitwasyon niyo ngayon. Lalo na para kay Yuri,” aniya. Huminga siya ng malalim. “Biruin mo, hindi ka maalala ng taong mahal mo. Ang sakit nun para sa kanya,” saad niya pa. “Kinokonsensya mo ba ako?” nakanguso kong tanong. Umiling-iling naman si Albie. Huminga ako ng malalim bago ulit magsalita. “Anong magagawa ko? Ayaw pang tumino ng utak ko. Gusto ko na nga siya maalala ang kaso kapag pinilit ko naman ng todo ‘yung utak ko na makaalala, baka may mangyari sa aking hindi maganda,” litanya ko. Nagbasa rin kasi ako ng mga articles regarding sa amnesia at sinasabi doon na ang mga pasyente raw na may ganoong kondisyon kagaya ko ay dapat hindi masyadong nag-iisip ng todo kasi nagre-resulta iyon ng mas matinding sakit ng ulo. Baka mamaya, tuluyan na akong hindi makaalala. Tumango-tango lang si Albie sa sinabi ko. “Ikaw? Kumusta naman ang panliligaw mo kay bes? Sa tingin mo ba, malapit mo ng makuha ang matamis niyang oo?” tanong ko sa pang-asar na tono. Nagsalubong ang kilay ni Albie. “Hindi ako nanliligaw sa kanya,” tanggi niya sabay iwas nang tingin sa akin at tumingin sa kung saan. Tumaas naman ang kanan kong kilay. “Hindi ka pa nanliligaw ng lagay na ‘yun? Halos mapuno mo na nga ng chocolate ang refrigerator namin ni Alona sa bahay dahil araw-araw kang nagbibigay tapos hindi pa pala panliligaw iyon?” natatawang tanong ko. “Baka nga mamaya magkaroon na ng diabetes si Alona dahil sa mga chocolates mo,” saad ko pa. Tiningnan ulit ako ni Albie.“Binibigyan ko lang siya ng chocolate. Walang ibig sabihin iyon,” pagmamaang-maangan niya pa. Umismid ako, “Weh? Utot mo blue! Maniwala sayo!” natatawang wika ko nang hindi naniniwala. Alam niyo ba na sa tuwing bibigyan niya ng chocolate si Alona, kinikilig naman ang bruha kong best friend. Hindi nagsalita si Albie kaya ako ipinagpatuloy ko ang dapat kong sabihin. “Alam mo? ‘Yung sinabi mo, linya ‘yan ng mga lalaking torpe. Paramdam nang paramdam tapos sasabihin wala lang iyon? Ang labo mo naman, tsong!” Hindi nagsalita si Albie. Minsan talaga, may pagkasinungaling ang lalaking ito. Sus! Wala raw ibig sabihin! Oo nga pala, alam na ng mga estudyante sa school na ito ang nangyari sa akin. Pati ang mga faculty at professors, alam na rin. Nalaman ko kasi na nabalita pa pala iyon sa radio and newspapers. Todo kumusta nga sa akin kanina sa klase ang professor namin kesyo okay na ba ako? May masakit ba ba sa akin at marami pang tanong na hindi ko naman nasagot lahat. Hay! Ganito pala ang buhay kapag sikat. Bwahahaha! Joke lang! Hindi ako ang sikat kundi iyong pamilya ng asawa kong si Yuri kaya pati buhay ko ata, gusto nilang gawing article sa mga newspapers at gawing headline sa TV. Maya-maya ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa. Kinuha ko ito at tiningnan. Nag-text pala si bes. ‘Happy birthday bes! Wow! Nineteen ka na! Hindi ka na bumabata! Hahaha! Libre mo ko, okay? Hehehe! Joke lang! Basta ang wish ko sayo, good health and more birthday to come. Love you bes!’ saad ni Alona sa text. Napangiti ako sa pagbati niya. Tiningnan ko si Albie. “Ang sweet talaga ni bes na future girlfriend mo,” sabi ko sa kanya. Iniwas lang niya ang tingin sa akin. If I know, sa loob-loob niyan, kinikikilg ‘yan. Hahaha! Oo nga pala, birthday ko pala ngayong araw na ito at sa pagkakaalam ko, ako at si bes lang ang may alam na birthday ko ngayon. “Miss… ha-ha-ha! Ellyse! Ha!” May bigla na lamang sumulpot na lalaki out of nowhere at binanggit niya ang pangalan ko sa pagitan nang paghingal niya. Mukhang napagod ito sa pagtakbo mula sa kung saan papunta dito. May kasama itong isa ring lalaki na hindi naman mukhang pagod dahil hindi yata tumakbo katulad ng isa. Infairnes, gwapo sila pero hindi ko sila kilala. “Anong kailangan niyo?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Ha! Ha! Ha!” Humihingal pa rin ang isang lalaki. “Uh… ha! Miss Ellyse! Ha!” Nagsalita iyong hinihingal pero hindi maipagpatuloy ang sasabihin kasi hinihingal pa rin siya. Napangiti ako. “Kalmahin mo muna ang sarili mo bago ka magsalita,” saad ko. Kinalma nga niya ang sarili niya. “Totoo bang hindi mo kami maalala?” tanong nang lalaki na diretso ang pagtingin sa akin. Napakunot ang noo ko. Kilala ko ba sila? Umiling-iling ako. “Dapat ba kilala ko kayo?” tanong ko. Tiningnan ko si Albie. Nagkibit-balikat lang siya saka nangalumbaba. “Ouch!” daing ng lalaki na akala mo nasaktan ko talaga siya. Napahawak pa ito sa dibdib niya, sa parteng puso. “Hindi mo talaga kami kilala- arayyy! Bakit ka ba namamatok g*go ka?!” malakas na sigaw ng lalaki doon sa kasama niya. Bigla kasi siyang binatukan nito sa ulo. “Mamaya ka na magpakilala sa kanya. Sabihin mo na kung ano talaga ang sadya natin sa kanya,” wika ng isa pang lalaki na ningitiana ko. Napahimas naman ng ulo ‘yung lalaking binatukan. “Oo nga pala Miss Ellyse, ako si Philipp at ito namang kasama ko na walang habas at konsensya na namamatok sa akin, ‘yan si Drew at kami ang mga kaibigan ni Yuri at speaking of Yuri… si Yuri! Nakikipag-away siya sa quadrangle!” Ano raw? Nakikipag-away si Yuri? Literal na napadilat ng malaki ang mga mata ko. “Nakikipag-away siya?” tanong ko. Nakikipag-away pala ang lalaking iyon?. “Oo! Kaya halika na at pigilan mo siya dahil ikaw lang ang makakapagpaamo sa kanya!” Ang lakas namang magsalita nitong si Philipp. Saka ano raw? Ako lang ang makakapagpaamo sa kanya? Ano siya? Aso? . Mabilis na lamang akong tumayo sa kinauupuan ko. Nagpaalam muna ako kay Albie sa pamamagitan nang tingin. Tumango lang siya habang nakapangalumbaba pa rin at chill na chill sa pag-upo pagkatapos ay kaagad na rin akong naglakad at tumakbo palabas ng garden. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin kong hindi sumunod sa akin ang dalawang kaibigan ni Yuri. Tiningnan ko sila. “Bakit hindi kayo sumunod? Tulungan niyo akong pigilan siya!” Umiling-iling ang dalawa. “Kaya niyo na ‘yan Miss Ellyse,” sabi ni Philipp. Kumunot ang noo ko.“Pero-” “Bilisan mo na, baka mabugbog na ni Yuri iyong inaaway niya,” sabat naman ni Drew. Pagkasabi nun ni Drew ay kaagad na lamang akong tumalikod sa kanila at lakad-takbo na tinungo ang quadrangle. Pagkarating ko sa bandang gitna ng quadrangle ay nagsalubong ang mga kilay kong bagong bunot ni Alona at kumunot lalo ang noo ko dahil sa pagtataka. Niloloko ba ako ng dalawa na iyon? Wala namang tao ngayon dito sa quadrangle! Nasaan si Yuri na sinasabi nilang nakikipag-away? Tapos na ba ang away? Nahuli ba ako ng dating? Nanlaki na lamang lalo ang mga mata ko. Gulat na gulat ang katawang lupa ko ng may biglang mga estudyante na lumitaw sa buong paligid ng quadrangle. Ang dami nila. May mga hawak sila na maliliit na cupcake na may nakasinding maliit rin na kandila sa ibabaw. Lahat sila ay nakatingin sa akin at nakangiti. Anong nangyayari? Pamaya-maya ng makumpleto na sila sa paligid ay sabay-sabay silang kumanta ng… “Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday dear Ellyse… Happy birthday to you!” Sabay-sabay nilang pagkanta kaya nangibabaw sa buong paligid ang mga boses nila. Para silang choir kaso mga sintunado nga lang. Sila ang sintunadong choir. Pero ang mas nakakagulat sa akin, paano nila nalaman na birthday ko? Nanlalaki tuloy ang mga mata ko na nakatingin sa kanilang lahat. “Happy birthday to you!” Bigla akong napalingon sa kung saan nanggaling ang boses ng nag-iisang kumakanta na iyon. Ang ganda ng boses niya. Nang mapalingon ako sa stage, nakita ko roon si Yuri. May hawak na malaking cupcake sa kaliwang kamay niya na may nakasindi ring kandila sa ibabaw at hawak naman nito sa kanang kamay ang microphone habang kumakanta ng happy birthday. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Maya-maya ay dahan-dahan siyang bumaba ng stage at lumapit sa akin. Kinakabahan ako habang palapit siya ng palapit sa akin. At the same time, nagtataka, paano niya nalaman na birthday ko ngayon? Sinabi ko na ba sa kanya iyon dati? Ewan hindi ko alam. Mas lalong dumagundong sa kaba ang puso ko ng mas lalong palapit na siya sa kinatatayuan ko. Patuloy pa rin ito sa pagkanta ng happy birthday to you. Napapalunok tuloy ako ng laway kasi parang natutuyo na ang lalamunan ko sa sobrang kaba. “Happy Birthday,” pabulong niyang pagbati sa akin nang makalapit na siya at nasa harapan ko na. Abot-tenga ang ngiti ni Yuri sa labi niya na nagpalabas sa magandang ngipin niya. Ibinigay niya sa akin ang hawak niyang malaking cupcake. Tinanggap ko naman kahit na nag-aalangan. Dulce de leche flavor ito na cupcake. Hindi ako makapagsalita. Ewan ko ba. Gulat na gulat pa rin kasi ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi ako makapaniwalang may ganitong surprise para sa akin. “Nagpapasalamat ako na kasama mo ako ngayon sa birthday mo,” may lambing na wika ni Yuri habang nakatitig sa mga mata ko. “Nagpapasalamat ako kasi hinayaan mo akong makasama mo sa mahalagang araw na ito sa buhay mo,” aniya pa. Napangiti ako ng maliit. Huminga rin ako ng malalim para mapakalma ang puso ko sa kaba. “Paano mo nalaman na birthday ko?” pabulong na tanong ko sa kanya. Ngumiti si Yuri sa akin. “Kasi mahal kita,” sagot niya saka kinindatan pa ako. Nagsalubong ang kilay ko. “At ano namang kinalaman nun para malaman mo ang birthday ko?” tanong ko ulit. May kinalaman na pala ang pagmamahal ngayon para malaman mo ang birthday ng isang tao? Ngumiti ulit si Yuri. “Kapag mahal mo kasi ang isang tao, dapat alam mo ang lahat ng tungkol sa kanya. Eh mahal kita kaya lahat ng tungkol sayo, alam ko,” aniya habang nagtataas-baba ang dalawa niyang kilay. Ewan ko ba kung creepy ba ang sinabi niya para sa akin o dapat ba akong kiligin? Alam niya ang lahat ng tungkol sa akin? Pati ba size ng mga underwear ko, alam niya? Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Muntik ko nang mahulog ang cupcake na hawak ko dahil sa gulat. Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi man lang siya naghihinay-hinay! Kalokang lalaki ito! “Happy birthday SiKo! Hindi mo man ako maalala ngayon, sapat na muna sa ngayon na kasama kita. Marami pa tayong birthday mo na pagsasamahan nating dalawa. Mahal na mahal kita, SiKo,” pabulong niyang sabi habang nakayakap sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. SiKo? Ano iyon? Kakanin? Mukha ba akong kakanin? Ay! Biko pala ‘yon! Ilang sandali pa bago niya ako bitawan mula sa pagkakayakap ng mga matitipuno niyang mga bisig sa akin. Nakatingin ako sa kanya na may pagtataka na mababanaag sa aking mukha. “Ganyan ka makatingin?” tanong niya sa nagtatakang tono. “Anong ibig sabihin ng SiKo?” balik-tanong ko. “Sisikuhin mo ba ako?” tanong ko pa. Okay, parang ang tanga ko ngayon. Mahinang natawa si Yuri. “Ang ibig sabihin nun, Sinta Ko. SiKo. Simula ngayon, ‘yun na ang magiging tawagan nating dalawa,” nangingiting sagot niya. Napangiwi naman ako. “Kailangan pa ba nang tawagan? Pwede namang first name na lang ang itawag natin sa isa’t-isa, ‘di ba?” tanong ko. Ewan ko pero parang ayaw ko ng tawagan. “Naisip ko kasi na kailangan rin natin ng tawagan. Para malaman ng iba na akin ka at ako’y sayo,” pagsagot ni Yuri sa akin nang nakangiti. Napangiti na lang ako ng pilit. Tutal, maganda naman ang ibig sabihin ng SiKo. Pwede na siguro. Nakatingin lamang sa amin ni Yuri ang mga schoolmate namin. Mga kinikilig. Saksi sila sa ka-sweetan ni Yuri. Bahagyang napailing na lamang ako. Aaminin ko. Masaya ako ngayon dahil sa ginawang ito ni Yuri. Inaamin ko rin na kinikilig ako sa kanya at mas lalong napapamahal ang puso ko sa kanya. Nakalimutan man siya ngayon ng isipan ko, nagagawa niya pa rin na pakiligin ako at nagagawa niya pa ring paibigin ako sa kanya. I think, this is the best birthday ever at dahil iyon kay Yuri. Thank you Lord at ibinigay mo siya sa akin. “Oo nga pala, kailangan mong i-blow ‘yung candle mo,” sabi ni Yuri. Tumingin naman ako sa hawak kong cupcake. “Pero patay na ‘yung apoy,” saad ko saka tiningnan si Yuri.. Natawa naman si Yuri. “Sisindihan ko ulit,” aniya. Tumango-tango na lang ako. Sinindihan nga ni Yuri ang candle sa ibabaw ng cupcake gamit ang kinuha niyang lighter sa bulsa ng suot niyang slack pants. “Make a wish,” sambit ni Yuri matapos niyang sindihan ang kandila. Napatango ako. Tiningnan ko ang cupcake na hawak ko. Ngumiti ako saka ipinikit ang aking mga mata. ‘Isa lang naman po ang wish ko ngayon… na sana… na sana ay maalala na ng utak ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon,’ sa isip-isip kong sambit. Hinipan ko ang apoy sa candle. Nakarinig ako ng palakpakan. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Bumungad sa aking paningin ang mukha ni Yuri na ang gwapo-gwapo. Ningitian ako ni Yuri. “Happy birthday, SiKo.” Mas lumaki ang ngiti sa labi niya. “Thank you,” pasasalamat ko habang nakatitig sa mga mata ni Yuri na kumikinang at tanging ako lang ang nakikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD