Habang nakasunod kay Israel ay hindi ko mapigilan nang panginigan ng laman. Mabigat ang hakbang ng aking mga paa habang nakatitig sa malapad na likod niya. Ilang beses akong nagdasal na huwag naman sana niya akong pagbuhatan ng kamay. Wala naman akong masamang ginagawa. Ang lalakeng lang iyon ang bigla na lang yumakap. Hindi ako ang nag-insist. “Akala ko ba magbabago ka na?!” Gulat na gulat ako nang bigla siyang humarap sa akin matapos na pabalibag na isara ang pintuan. “Sinabi mo sa akin na aayusin natin ang pamilya dahil ayaw mong lumaki si Lilo sa broken family. Ano ito? Gumagawa ka na naman ng gulo!” Napasandal na ako sa pintuan at hindi ko na magawang igalaw ang mga binti. Naumid na rin ang dila ko sa loob ng aking bibig. Marami akong nais sabihin, pero hindi ko iyon mabigkas n