Chapter 15

1860 Words

Unti-unting lumambot ang loob ko sa kanya. Hindi ko suka't akalain na ganun kasama ang ugali ng dating ako. Guilty na ako sa mga ginawa ko. Oo nga naman, sino ang matutuwa sa mga ginawa ko? Kahit sino naman sigurong nilalang ay magre-react ng ganito. Sinubukan kong isipin na ilagay ang sarili sa pwesto niya at masakit nga naman iyon. Idagdag pa na lalake siya. “Hindi ka ba masaya sa piling ko? Ibinigay ko sa'yo ang lahat. Sinunod ko lahat ng luho mo. Binili ko ang lahat ng gusto mo. Saan ba magaling si Danny? Bakit kailangang palitan mo ako?” Dama ko ang sakit sa mga salita niya. “Tinutupad niya ba ang lahat ng pangako sa'yo? Mas marami ba siyang oras kumpara sa akin? Sana nauunawaan mo ako kung minsan na hindi ko magampanan ang pagiging asawa ko. Mayor ako, Eloise. May resposibilida

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD