Ganun na lang ang gulat ko nang makita si Israel pagharap ko sa entrance ng shop. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan nang magtama ang mata namin nito. Bagama't nakangiti siya ay mababanaag ang panlilisik sa kanyang mga mata. Nasa iisang linya ang kanyang mga kilay na halos ay magtagpo na. Halatang pinipigilan niya ang sumabog ng mga oras na iyon. Nilingon ko si Danny na napaatras. Diyos ko! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Parang magigiba naman ang dibdib ko sa labis na takot nang muli kong lingunin si Israel. Alam ko na kalmado lang siya ngayon dahil maraming tao, pero mamaya kapag kami na lang ay sasabog na. Ilang segundo pa lamang ang lumilipas nang pumasok sa isipan ko na what if makita kami dito ni Israel? Heto na nga, nangyari na kaagad! Ano na ngayong gagaw