Nakaramdaman na ako ng biglaang pagbigat ng dibdib. Parang nakokonsensya na sa mga sinabi. Ngunit saglit lang iyon. Ginalit niya akong muli sa mga sunod niyang sinabi patungkol sa pagtulong niya sa akin. Labag naman pala sa loob niya ang ginawa bakit kailangan niyang tumulong? Hindi na lang niya sana ginawa kung isusumbat lang. Nagngalit na naman ang mga ngipin ko. Parang lalabas ang puso ko sa lakas at bilis ng t***k nito. Patuloy na mas lumalim pa ang paghinga ko. Talaga lang ha? Utang na loob? Dapat na magpasalamat? Hindi ba dapat ay quits lang kami? Ginawa ko rin naman ang part ko sa pamilya niya bilang siya. At hindi man lang niya iyon nakikita? “Sana ay hindi mo na lang ako tinulungan noon kung isusumbat mo lang din sa akin ito ngayon. Hindi mo man lang naisip na tinulungan