Nang hindi ako sumagot ay lumapit pa siya sa akin at nilamon ang distansyang naghihiwalay sa aming dalawa. Hindi na ako nakapalag nang bigla na lang niyang hawakan ang baba ko at hulihin ang mga mata ko upang magtama ang mata. Nahigit ko na ang hininga nang mapatitig sa kanya. Para talaga akong nananalamin lang. Napapiksi ako at bahagyang napangiwi nang medyo dumiin ang hawak niya sa baba ko. Feeling ko ay bumaon ang matalas niyang kuko sa balat. “Alam mo kung ano ang pinakaayaw ko sa lahat? Iyong pinaghihintay ako ng matagal sumagot. Tinatanong kita ‘di ba? Willing ka bang—” Matapang na hinawi ko ang kamay niya upang bumitaw sa aking baba. Puno ng pagtitimpi ang matatalim na mga tinging ipinukol ko sa kanya. Natigilan na siya sa sasabihin ng gawin ko iyon. “Aba naman. Mukhang matapang