Chapter 2

1516 Words
Pinagmasdan ko siyang lumabas ng kwarto. Gulat na napaawang ang bibig ko sa gulat. Hindi man lang talaga siya nag-abalang lumingon para tingnan at pansinin ang reaksyon ko. Anong klase siyang asawa? Paglabas niya ng kwarto ay hindi na siya bumalik pa kinagabihan. Ang mga magulang ko na lang ang bumalik na may dalang tinake-out na pagkain. Hindi na rin nila kasama iyong bata kanina. “Nagtataka ka siguro na wala ang asawa at anak mo Eloise, nakauwi na sila. Nagwawala na si Lilo, gutom at pagod na iyong bata kaya umuwi na sila. Sabi lang ng asawa mo ay babalik na lang daw silang mag-ama bukas.” Hindi ako kumibo ni ang sumulyap sa kanila ay hindi ko ginawa. Ano namang sasabihin ko? Wala. Habang nakatingin sa kanila ay hindi ko maiwasang mapatanong kung magulang ko ba talaga sila? Hindi komaramdaman ang lukso ng dugo na madalas na inilalarawan ng iba kapag nakikipagkita sa miyembro ng kanilang pamilya. Mawala man ang alaala ko, dapat kilala sila ng puso ko, hindi ba? Iyon ang sabihin ng matanda. “Pagkatapos mong kumain ay magpahinga ka na para may lakas ka bukas. Ang sabi ng iyong asawa ay malapit ka na ‘ring ma-discharge. Sang-ayon naman sa desisyon ang doctor mo.” “Magandang ideya po ba iyon, Mama?” “Anong ibig mong sabihin, Eloise? Maganda nga na lumabas ka na dito para makasama mo na ang pamilya mo. Malaking factor iyon anak para makatulong sa'yo sa pagbalik ng mga alaala mo.” Hindi ako kumbinsido. Iba ang kutob ko. “Sa tingin mo iyon Mama? Paano kaya kung manatili na lang muna ako dito hanggang sa mabawi ko ang aking mga alaala sa nakaraan?” Paano kung sinasaktan ako ng asawa ko dahil doon sa kasalanang sinasabi niya? O may ibang dahilan na nagdulot na piliin kong ibangga ang sasakyan? Hindi ko iyon malabo pero hindi ko alam. “Eloise, anak hindi ka naman seryoso diyan sa sinasabi mo ‘di ba? Bakit mo naman naisipang manatili dito kaysa bumalik sa mansyon n'yo? Mas komportable ka doon at isa pa kaya kang alagaan ng—” si Papa na agad kong pinutol. “Papa, what if nga po? Magagalit kaya sa akin ang asawa ko kapag nag-suggest ako sa kanya?” “Malamang ay oo anak. Kilala mo naman si Israel. Ang pangalan at reputasyon niya ay mahalaga sa bayang ito pangalawa sa pamilya niya.” Ini-angat ko na ang ulo para tingnan ang ama. Wala akong maalala, kaya paano ko maaalalal ang ugali na mayroon ito at paano ako makakakuha ng karagdagang impormasyon mula sa kanila? Kailangan kong mag-ingat kapag nakauwi na. Siguradong malalaman ko rin ito paunti-unti. “Ano po ang ibig niyong sabihin?” Binigyan niya ng malalim na tingin si Mama at tumalikod. Mukha yatang nakalimutan niya na wala nga akong maalala kaya nagulat siya. “Eloise, sigurado ka bang wala kang maalala?” muling tanong ni Mama. “Hindi ka nagbibiro?” Mukha ba akong hindi nagsasabi ng totoo? Nagpapanggap? Bakit ba ayaw nilang maniwala sa akin? Naging pusikat na sinungaling ba ako sa kanila noon? Mahina akong umiling. Tinanggap ang kutsarang inaalok niya at pinunasan na iyon ng tissue. “Wala po, kahit na anong pilit ko.” “Ilang taon na ang nakalipas mula ng maitalaga ang asawa mo bilang alkalde ng bayang ito. Dahil sa maayos na pamumuno niya ay maraming beses na siyang muling nahalal. Nagustuhan ng mga tao sa bayang ito ang pamamahala niya.” Natigilan ako sa gagawin sanang pagsubo. Ano? Nasa pulitika ang asawa ko? “Siya po ang Mayor ng bayan?” Kapwa lang sila tumango. Nagulat pa rin ako sa nalaman kahit na hindi naman dapat. Ito ba ang dahilan ng kanyang galit kanina dahil sa may mahalagang papel siya sa bayang ito? “Anak, alam mo na-miss ko ang pagiging inosente mo. Tulad ng dati na wala kang kaalaam-alam sa mundo. Ipinapaalala mo sa akin ang batang ikaw. Curious sa lahat ng bagay at walang alalahanin.” Paharap na naupo siya sa tabi ko. Umangat ang isang palad niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko upang itago iyon sa likod ng aking tenga. Nakatitig na ang mga mata sa mukha ko. “Tama Eloise, ang asawa mo ang Mayor sa bayan natin kaya dapat mag-ingat ka sa mga galaw mo para hindi masira ang imahe niya. Tingnan mo kung paano naging headline at kumalat sa buong komunidad itong naging aksidente mo. Hindi ko sinasabing pangit iyon at dapat na itago. Ang ibig kong sabihin ay parang bukas na libro ang buhay niyo sa buong nasasakupan niya.” Gets ko naman iyon kahit nawala ang alaala ko pero hindi naman ako tanga. “Isipin mo ito, ano kaya ang mangyayari kung kakalat sa kanila na wala kang anumang maalala? Magiging mainit na usapin iyon kahit na pigilang lumabas. Maaaring si Israel ay makakuha ng simpatiya pero magandang huwag na lang sanang kumalat pa para hindi nakaka-stress.” Doon ko pinagtagpi-tagpi kung bakit galit na galit si Israel sa mga paratang niya kanina. Kung talagang naligaw ako ng landas at niloko siya, malaki nga ang banta noon sa pangalan niya. Ang gusto kong maalala agad ay kung bakit ko iyon ginawa. Mukha namang responsable at mapagmahal siyang tao base sa mga nakita ko. Ano bang kulang sa kanya na hinanap ko sa iba? Oras? Pagmamahal? Mukha namang mahal niya kami ng bata. Dagdag pa rito, curious ako sa pagkakakilanlan ng third party. Ngayon pa lamang ay gulo na ang utak ko. Marahas kong ginulo ang buhok. Gusto ko ng maalala ang lahat sa lalong madaling panahon. “Eloise, kumain ka na. Kailangang mong maghanda bukas. Mukhang bukas na rin yata ang labas mo.” Tama ang mga magulang ko sa sinasabi nilang desidido si Israel na ilabas na ako. Hindi pa man lubos na nakakadilat ang aking mga mata kinaumagahan nang marinig kong pumasok si Israel sa kwarto. Kasunod nito ang Doctor. Humingi ito ng paumanhin nang makita na naalimpungatan pa ako. “Pasensiya na kung nagising ka namin, Mrs. Monroe.” Dumiretso si Israel sa gilid ng aking kama at inalalayan akong maupo. Ano na naman ito? Nagpapanggap na naman siya sa harapan nila. Pambihira ang mood niya, aba, pabago-bago. “Gising na at bumangon ka na, Eloise. Mas maganda kung itutuloy mo ang pagpapahinga sa bahay dahil doo ay walang mang-iistorbo sa iyo.” his voice sounds lovely to my ears, o guni-guni ko lang din ang mga paglalambing niya? “Lalabas na tayo. Di-discharge na kita ngayong araw.” Dumukwang pa siya palait sa akin para alalayan ako at tulungang makatayo. Wala akong nagawa kundi ang tumango bilang pagsang-ayon. Hindi pa siya natapos doon at umupo pa siya sa tabi ko dahilan para yumundo ang kama. Humarap kami sa doktor para sa karagdagang paliwanag. “Mr. Monroe, ipapakiusap ko lang sana ay huwag niyong ipagpaliban at balewalain ang mga appointment ng iyong asawa sa doktor o ang pag-inom ng gamot. Makakatulong ito upang agad na bumuti ang kanyang pakiramdam at bumalik ang nawalang alaala. Kung siya naman ay medyo makakaranas ng matinding sakit ng ulo, ang dapat niyong gawin ay agad siyang dalhin sa malapit na ospital. No second thoughts, Mr. Monroe. Just bring her para ma-test kaagad.” After noon ay humarap siya sa akin. Para akong robot, na tatango-tango o iiling-iling sa tuwing tatanungin ng doktor. Ang buong konsentrasyon ko ay nasa asawa dahil nga nakakapanibago. Ang friendly din ng mukha nito ngayon. May dalawang magkaibang personality ba siya? Ilang sandali pa ay iginiya na kami ng ilang nurse papunta sa parking lot ng ospital. Hindi binago ni Israel ang pakikitungo niya sa akin. Subalit, pagkasara ng pintuan ng sasakyan, nakita ko kung paano umigting ang panga niya habang nakatingin sa harapan. Biglang nagbago ang hilatsa ng mukha niya. Pakitang tao na naman. Napagpasyahan kong huwag na lang pansinin ang kanyang ginawa sa pamamagitan ng pagtutok ng atensyon sa labas ng bintana, sa gilid ng kalsadang aming patuloy na binabagtas. “Since you claim you don't remember anything after waking up. I just wondering iyong lalake ba na may relasyon ka ay nabura rin ba siya sa isipan mo?” puno ng sarkamong tanong niya. “Iyong pagiging immoral mo nakalimutan mo rin? Baka naman nagpapanggap ka pa rin? Ginagamit ang aksidente para takasan ang kasalanan mo?” Hindi ko napigilang tumitig sa kanya. Bakit? He treats me nicely when other people are around; gayunpaman, kapag kaming dalawa na lang ay biglang nagiging ibang tao na siya. Magsasalita na sana ako nang pigilan niya ako sa pamamagitan ng pagtataas ng isa niyang kamay. “Huwag mo ng subukang magpaliwanag kung paulit-ulit mo lang sasabihin na hindi mo pa rin maalala ang lahat gaya na lang ng pangalan mo. Pagod na ako sa mga kasinungalingan mo, Eloise. Huwag mo ng dagdagan dahil kahit paulit-ulit mong sabihin sa akin na wala kang maalala wala pa rin namang magbabago. Niloko mo pa rin ako, pinagtaksilan, sinira ang tiwala ko at binuwag mo ang magandang samahan ng ating pamilya!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD