Chapter 1

1690 Words
Bago tuluyang mawalan ng malay si mama ay pumasok na sa pinto ang lalakeng kanina ay kumuha sa bata. Karga niya pa rin ito. Ibang-iba ang itsura niya ngayon kumpara kanina na halos ay walang anumang buhay. Nangungusap na ang mga emosyon sa kanyang mga mata. “Hijo, mabuti at dumating ka. Itong si Eloise, ang asawa mo...” hindi magawang ituloy iyon ni Mama na namumutla ang mukha habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. “Walang kahit na anong maalala ang asawa mo, Israel na gawa ng aksidente.” patuloy niya gamit ang garalgal na boses. “Anong gagawin na natin? Hanggang kailan siya magkakaganito? Bakit nangyayari ito?” Asawa? Tama ba ang dinig ko? Asawa ko siya? Tinitigan niya ako ng abot sa kalamnan ko. May ipinapahiwatig iyon at masyado akong bobo para hulaan. Agad na nanlisik ang mga mata niya. Hindi ko pa rin maunawaan kung bakit ganun ang reaction niya sa halip na mag-alala. Hindi ako umiwas ng tingin. Sinalubong at nilabanan ko ito. Sa ginawa ko ay siya na ang unang nagbawi ng tingin na para bang siya ay napaso. “Anong ibig nitong sabihin, Doc?” Sa sandaling iyon ay nasa Doctor na ang mga mata niya. Sa Doctor, na nakatitig sa papel na resulta raw ng CT scan na ginawa sa akin. “Mr. Monroe, ayon sa kung paano tumugon ang iyong asawa sa mga tanong ko ang aksidente ay maaaring sanhi ng kanyang pansamantalang pagkawala ng memorya. Sa ngayon ay iyon ang paliwanag na naiisip ko. Hindi lamang ang mga nakapaligid sa kanya ang hindi niya kilala o maalala. Wala rin siyang maalala sa sarili niya, kahit ang pangalan niya. That explain why.” Naging malikot ang mga mata ng Doctor at saglit na lumingon sa akin. Ilang sandali lang ay ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Israel. “M-May amnesia ang asawa ko?” “I think. Ikinalulungkot kong ipaalam iyon. Wala naman akong ibang makita pang rason. Let me do some laboratory test again on her later.” Nabalot ng katahimikan ang paligid. “Ganunpaman ay huwag kayong mabahala Mr. Monroe, temporary lang 'yon. Maaalala niya rin ang nakaraan. Kung tutulungan mo siyang alalahanin ang nakaraan niyong mag-asawa, malaki ang maitutulong noon sa kalagayan niya. Limang taon kayong kasal at matagal na kayong magkasama, sigurado akong mabilis na babalik ang mga alaala ni Mrs. Monroe dahil kasama ka.” Hindi ko na nasundan ang sinasabi ng Doctor dahil pinag-aralan ko isa-isa ang reaksyon nila. Ang aking mga magulang ay nagpakita na hindi makapaniwala, habang ang asawa ko naman ay parang normal lang sa kanya ang nalaman. Sa una lang ito medyo nagulat. Iyong tipong parang inaasahan niya ng mangyayari iyon paggising ko. Hindi ko tuloy mapigilan na lalo pang maging curious sa mga nangyari sa akin. Napunta ang mga mata ko sa mukha ng batang babae na may malawak na ngiti habang nakatitig pa rin sa mukha ko. Halatang kinukuha niya ang atensyon ko at nagpapapansin. Gayunpaman, hindi pa rin kami kumonekta bilang mag-ina. Wala pa rin akong maramdaman na lukso ng dugo. “Don't worry, Mommy, Daddy will take care of you. Ako rin, tutulong ako na alagaan ka so you can be healthy and fully recovered soon.” Ang mahabang litanya ng bata ay nagpatigil saglit sa pagsasalita ng Doctor para tingnan siya. Mukhang naiintindihan nito ang mga nangyayari. Kinuha pa niya ang isang kamay ko at ang kamay ni Israel para paghawakin. “Daddy, hawakan mo ang mga kamay ni Mommy.” Naramdaman ko ang mariing pagtutol sa mga mata nang lumingon sa akin saglit si Israel, ngunit hindi niya binawi ang kamay niyang nakapatong na sa palad ko. Sa halip, ngumiti siya sa bata at marahang hinaplos ang ulo nito. Narinig ko na ang mahina nitong pagtawa. “Sure Lilo, si Daddy na ang bahala kay Mommy.” Malawak na ngumiti ang mga magulang ko, pati na rin ang Doctor. Itinuloy ang ipinapaliwanag. “Tulad ng sinabi ko kanina ay wala kayong dapat ikabahala. Babalik din ang mga alaala ni Mrs. Monroe dahil hindi naman ito permanente. Maaaring bukas, makalawa, sa susunod na araw, o sa isang buwan. Kadalasan ay tumatagal lamang ito ng isang taon. Nasasabi ko ito dahil marami na akong nahawakang parehong kaso sa asawa mo, Mr. Monroe.” “Salamat, Doc.” Nagpaalam na ang doctor matapos ang kanyang pangungusap. Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa aking asawa dahil hindi pa niya natatanggal ang mainit na palad na iniabot ni Lilo kanina. “Mom, Dad, pwede bang lumabas muna kayo saglit kasama si Lilo?” utos ni Israel, may iba akong kutob. “May pag-uusapan kaming importante.” Saglit nagkatinginan ang mag-asawa at kapagdaka ay tumango at saka tumayo. “Oo naman, Israel.” Kinuha ni Mama ang kamay ni Lilo at inakay na ito palabas ng kwarto. Tahimik na nakasunod lang si Papa sa kanila. Hindi maalis ang mga mata ni Lilo sa akin habang paalis na para bang sinasabi niya na huwag na akong mag-aalala. “Pwede ba? Tama na ang pag-iinarte mo, Eloise!” pahablot na bawi ni Israel sa akin ang kamay at pinunas pa iyon sa harap ng suot niyang damit. Gulantang na napako ang mga mata ko sa kanya. Ngayong kaming dalawa na lang ang narito ay bigla na naman siyang parang naging ibang tao. “Nakita mo di ba? Umalis na sila. Huwag ka ng magpanggap. Tayong dalawa na lang ang narito. Stop acting like you have lost some of your memories of who you are now, Eloise! Talaga ba? May amnesia ka? Napakasinungaling mo naman!” Hindi na ako makaumang. Sinubukan kong muling abutin ang kamay niya pero hinawi niya lang. Ilang beses na napalunok ako ng laaway. Nang muli ko siyang tingnan ay madilim na ang mukha niya at halata na ang labis na galit. Blangko ang mukhang tiningnan ko siya. Anuman ang sinasabi niya ay wala akong alam at hindi maintindihan. Ano ba talaga ang nangyari sa pagitan namin bago ang aksidente? Nag-away ba kami? “Alam kong umaarte ka lang kaya pwede bang tigilan mo na? Huwag mo ng bigyan sila ng dahilan para mag-alala. Alam kong nagpapanggap ka lang na walang maalala para pagtakpan mo ang mga kalokohang ginawa mo sa akin!” Nagngalit ang ngipin niya at umigting ang panga. “Palagi mo itong tandaan, Eloise!” nanlilisik ang mga matang turo niya sa akin na ikinatuyo ng lalamunan ko. Wala pa rin akong masabi. “Kahit na gaano ka pa magpanggap na inosente at walang kahit anong malaala sa mga nangyari, hindi mo ako matatakasan. Hindi mo ako magagawang iwan at paglaruan muli! Sa akin ka pa rin babalik anu't-ano man ang mangyari. Naiintindihan mo? Hindi ka makakawala, Eloise!” “Ano bang pumasok sa isip mo para sabihin na nagpapanggap lang ako? Ni hindi ko nga masabi na kilala kita. Hindi ko matandaan ang pangalan ko tapos sasabihin mo ngayong—” Lumapit siya sa akin na naging dahilan para matigilan ako. Mababanaag sa mga mata niya ang mas tumindi pang apoy ng galit. Sa aking tantiya ay nasa anim na talampakan ang taas niya kung kaya naman kinailangan kong tumingala para magtama ang mga mata namin. Kitang-kita ko ang pag-igting ng kalamnan sa kanyang panga nang tawirin niya ang distansya. “Tama na, pwede ba?! Naririndi na ako sa mga kasinungalingan mo! Punong-puno na ako!” hindi malakas ang boses ng sabihin niya iyon pero puno ng pagbabanta at saka sakit. “Eloise naman, please lang kung anuman ang plano mo ngayon pa lang ay itigil mo na habang mabait pa ako. Baka mamaya ay hindi ko mapigilan ang sarili at saktan ka na physically sa pagkapuno!” Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. “Nang dahil sa ginagawa mong ito ay lalo mo akong ginagalit. Huwag mong hayaang isipin ko na ginagawa mo lang itong dahilan. Do not even bother trying to fool me now! Hindi ako papayag na subukan mong muling tumakas at umalis. Wag mong piliing iwan kami ng anak mo para lang makasama ang ibang lalake. Naririnig mo ako?!” Sinabayan pa iyon ng marahas na paggulo niya sa kanyang buhok. Hindi ko masundan kung bakit ganun na lang ang galit niya. Litong-lito ako. “Baka nakakalimutan mo rin kung gaano kadalas na hilingin sa akin na isuko ka at pakawalan ka? I bet, sasabihin mong oo. Tandaan mo hindi kita hahayaang sirain ang reputasyon ng pangalan ko. Hindi ka maaaring mapunta sa ibang lalake habang nabubuhay pa ako. Hindi pwede, Eloise.” May lalake ako? Kaya ba galit na galit siya? Nakipagrelasyon ako sa ibang lalake kahit may asawa at anak na? Bakit? Bakit gagawin ko ito? Nagawa ko pa siyang lokohin kahit na halos perpekto na ang hitsura niya? Paano? Bakit? Nang ilapit niya ang mukha sa akin ay nahigit ko ang hininga. Halos maduling na rin ako. Sa itsura ng ugat sa leeg ay parang malapit ng pumutok. Nang hindi ko na makayanan ang init ng galit niya ay pumikit ako. Nais na siyang takasan. Madiin na akong nakahawak sa kumot. Sa mga titig niya ay parang hinihigop noon ang lakas ko. Pagtingin ko sa mga mata niya ay nakaramdam ako ng matinding takot sa buong katawan. Kahit na nagsasalita siya sa malambing na boses na puno ng awtoridad, puno ng galit naman ang kanyang mga mata. Natatakot ako na kapag nagkamali ay bigla na lang niya akong saktan. “Narinig mo? Hindi ako papayag na kahit ang kamatayan ay handa kong kalabanin mapigil ka lang. Handa akong lumaban ng patas. Hindi mo magagawang sirain ang aking kredibilidad bilang isang tao at alkalde ng bayang ito. Wala akong pakialam kung gaano kadalas na maaksidente ka at magdulot ng kaguluhan sa tuwing tatangkain mong tumakas. O kung gaano kamahal ang pagpapagamot sa basag mong mukha. Hindi pa rin ako susuko at pakakawalan ka. Gagawin ko ang lahat maayos at maibalik lang sa lahat dati! Hindi ka makakatakas ! Itaga mo man sa bato ang sinasabi ko. Mananatili kang asawa ko at Mrs. Monroe, ngayon, bukas, at magpakailanman hanggang sa araw ng iyong kamatayan!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD