Chapter 4

1508 Words
Ilang sandali akong nakatunganga lang sa kanya. Hindi malaman kung ano ang gagawin. Nang mahimasmasan ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa katawan. Natataranta akong lumapit sa kanya. “Israel?” mahinang tawag ko sa pangalan niya habang lumalapit. Amoy alak siya. Habang hinahabol ang aking hininga ay yumuko ako at tinapik ang isang balikat niya para sana gisingin siya sa pag-asang maibabalik ko siya sa ulirat mula sa dreamland. Pero mali ako. Para siyang nahimatay dahil kahit anong tapik ko ay wala pa rin siyang malay. In short tulog na siya! “Israel, gising! Bumangon ka diyan. Ang lamig ng sahig. Diyan mo ba planong matulog ha?” bulyaw ko sa mas malinaw at mas malakas na boses para marinig niya. “Israel naman?” Itinaas niya ang kanyang kamay at ginalaw ito ng isang beses na parang hinihiling niya na tulungan ko siya. Hindi ko pa man naaabot iyon ay isang malakas na kalabog na ang bumasag sa tahimik na silid matapos na ang kanyang kamay ay bumagsak pabalik sa sahig na parang piraso ng papel na nahulog. Muling sumara ang mata. Napabuntong-hininga ako nang mapagtanto na wala na akong magagawa kundi tulungan siyang tumayo. Pagtingin ko sa sarili ay napailing ako, ni hindi pa ako nakakapagbihis ng damit. Walang choice ay itinali ko ang robe at pagkatapos ay yumuko ako para hawakan siya gamit ang braso niyang isinabit ko sa aking balikat. “Israel...” Masyado siyang mabigat para mag-isang buhatin ko. Ganunpaman ay hindi na ako nag-aksaya na tumawag ng maid para magpatulong. Ayokong makaabala ng iba. Hindi ba siya pumasok sa trabaho? Siya ang Mayor ng bayang ito hindi ba? Bakit siya uminom ng alak at hindi man lang nagtira panglakad? Sa huli, nagawa ko siyang ilapit sa aming higaan, kung saan binitawan ko ang kanyang katawan na dumiretso sa kutson. Habang nakapamewang akong nakatayo sa kaliwang bahagi ng kama ay nag-isip ako ng susunod na gagawin hanggang sa nakita ko siyang naghuhubad ng kanyang sando. Baka naiinitan siya dahil sa epekto ng alak. “Kailangan kong hubarin ang mga damit niya at tulungan siyang magpalit ng bago, basa iyon.” bulong ko sa sarili habang nakatitig sa kanya. Habang lumalapit ako sa kanya ay sinuri ko siya gamit ang mga mata. Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko na parang malapit lang sa tainga. Ipinilig ko ulit ang ulo para manatiling focus sa dapat kong gawin. Sinimulan kong tanggalin ang mga butones, ngunit bigla niyang iminulat ang kanyang inaantok na mga mata. Ikinagulat ko na iyon. Hinawakan ni Israel ang pulso ko at bahagya niya akong hinila palapit sa kanya. “Eloise, bakit mo ginawa iyon? Bakit mo sinira ang perpektong pamilya natin? I gave you my everything ‘di ba? Itinigil ko na ang mga bagay na ayaw mong gawin ko para lang mapasaya kita. Hindi kita sinusumbatan. Masaya ako na ginawa ko ang lahat para sayo, pero ano pa ba ang gusto mo? May pagkukulang pa ba ako? May iba ka pa bang gusto na gawin ko? Sabihin mo.” Unti-unting nabasag ang boses niya. Hindi siya katulad ng dati niyang sarili, ngunit napakalinaw ng lahat ng kanyang mga sinabi. Bago ko pa malaman at mapuna iyon ay tumulo na ang mga luha ko na para bang nasaktan ako sa sinabi niya. Iyon din ang tanong ko ngayon sa sarili. Bakit ko ginawa ang mga bagay na iyon sa kanya? Ano ang kulang at wala siya? “Sabihin mo, Eloise. Hindi ba ako magaling sa kama? Hindi ba sapat ang yaman ko? Bakit hindi ka makuntento? Bakit hindi ako sapat para sa'yo? May mga pagkukulang ka rin naman sa akin ah, pero hindi sumagi sa isipan ko na lokohin ka. Hindi ko naisip na iwan ka o kundi naman ay palitan ka. Ang unfair mo naman sa akin.” Mas gugustuhin ko pang makitang sumisigaw si Israel sa galit sa akin kaysa ganito siya. Sad and broken, parang ako lang ang dahilan kung bakit siya patuloy na nabubuhay at humihinga. Ito ang kabilang side ng kanyang pagkatao na kinakatakutan kong makilala, malaman at maunawaan. Sa mga sandaling ito, hiling ko lang na bumalik na ang alaala ko para maibigay ko sa kanya ang lahat ng sagot na gusto niyang malaman, para maintindihan ko rin kung bakit ko nagawa ang ginawa ko sa kanya. Napalunok na ako ng laway at pilit na pinigilan ang sarili na magsalita. Pinanood ko siyang umupo habang pinagsalikop niya ang aming mga daliri sa palad. “Hindi ko kayang mawala ka. Ayokong mawala ka, Eloise. Kaya pa nating ayusin ito di ba? Please, ayusin natin ito. Ayusin natin ang pamilya natin, please.” pagmamakaawa niya na ikinagulat ko. Pakiramdam ko ay sinasakal ako ng sarili kong mga luha habang pilit na pinipigilan ang humikbi. Tinanguan ko siya ng ulo. Ngumiti lang siya ng maliit. Nakakatuwang makita siyang nakangiti sa akin habang nilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Alam ko kung ano ang gusto niyang mangyari at buong puso kong inaasahan iyon. Idinikit niya sa labi ko ang bibig niya na parang isang panaginip. Mainit iyon na parang may lagnat. Siguro ay dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya ang ganito pagkatapos kong matikman ang apoy ng kanyang galit. Nagtakda siya ng bilis at ritmo na hindi pamilyar sa akin. Ang paggalaw ng labi niya sa labi ko ay kakaiba. It's making me feel things that my heart is so sure na hindi ko pa naramdaman noon. With one swift move of his arm, natagpuan ko na lang ang sarili na nakasandal sa ibabaw ng kandungan niya. Marahang kinagat ni Israel ang pang-ibabang labi ko at bilang ganti sa kanya ay marahang sinabunutan ko ang ulo niya, na nakakuha ng mahinang halinghing mula sa akin. Kusang bumagsak ang talukap ng aking mga mata habang maingat niyang inilipat ang posisyon namin. Nasa ibabaw ko na siya ngayon. Nakadagan sa katawan ko ang buong bigat niya. Ganunpaman ay hindi nakaligtas sa aking mga mata ang perpektong hubog ng katawan niya na natatakpan ang hubad kong katawan. Unti-unting inilapat niya ang labi niya sa aking leeg. Out of the blue ay narinig ko ang sarili kong tinig na paulit-ulit tinatawag ang pangalan niya. Kusang gumalaw ang mga kamay niya at dalubhasang tinanggal ang tali ng suot kong roba. Ilang saglit pa ay tumambad na sa mga mata niya ang walang saplot kong katawan. Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko siyang nakatitig sa akin na puno ng bakas ng pagnanasa at saka lantarang pangangailangan ng katawan. Pinaglaruan ko ang ilang hibla ng kanyang buhok sa pagtatangkang pigilan ang aking pagkagutom sa katawan niya. I end up meeting his dry humps. Umarko ang likod ko sa sobrang kakaibang sensasyon na hindi ko magawang ipaliwanag habang ang basa at mainit niyang labi ay hinalikan ang u***g ko habang hinuhulma naman ng kamay niya ang kabilang dibdib ko, minsang kinukurot ang korona nito na siyang nagpapaungol sa akin dala ng sarap na di maipaliwanag. “I-Israel...” Nang bumitaw ang labi niya sa dibdib ko ay akala ko ay tapos na siya. Subalit ng sinimulan niyang kagat-kagatin ang pisngi nito para mag-iwan ng kanyang mapulang marka ay napaungol ulit ako. Mukha naman siyang nasisiyahan sa ginagawa pero mas tumindi ang kagustuhan ko sa kanya na ipagpatuloy iyon. Tinulungan ko si Israel na tanggalin ang kanyang sinturon. Ibinaba ko ang zipper niya gamit ang nanginginig kong mga kamay. Saglit na humiwalay si Israel sa akin para ibaba ang kanyang suot na pantalon at pagkatapos noon ay bumalik siya sa ibabaw ko. Ang mga alon ng pananabik at takot ay bumalot sa akin ng masilip ko kung gaano kalaki ang pagkalalake niya. Bigla kong tinanong ang sarili ko kung kaya ko ba siyang tanggapin ng hindi ako pinapasok sa emergency room pagkatapos. “Bakit, Eloise?” tanong niya nang makita kung gaano ako kaabala sa pagtitig sa pagitan ng mga hita niya. “Parang gulat na gulat ka yata?” Napalunok ako at tumingin sa mata niya na para bang nahingi ng paliwanag kung bakit malaki ito. “Natatakot na ako, Israel dahil ang laki ng...” hindi ko magawang ituloy iyon dahil nahihiya akong sabihin. “Ibig kong sabihin ay kaya ko ba iyan? Hindi ba ako mawawasak at masasaktan?” “It will fit, Eloise.” paniniguro niya bago tuluyang angkinin muli ang labi ko. “I'll make sure it will fit.” Lumalim pa ang matamis na halik niya sa akin. Patuloy na iniiwas ako nito sa sakit na hindi ko alam na naghihintay pala sa akin. Bumaon ng malalim ang mga kuko ko sa balat niya sa likod nang maramdaman kong tumarak ang pagkalalake niya sa akin na para bang hinahati nito ang katawan ko sa dalawa. Huminto si Israel sa kalagitnaan noon habang nalilito itong nakatingin sa akin. “Nakakailang ganito na naman tayo noon at saka may anak na rin tayo Eloise pero bakit ang sikip-sikip pa rin ng lagusan mo? Para bang ito lang ang unang beses nating ginawa?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD