Chapter 5

1411 Words
Tinatamad na idinilat ko ang mga mata nang maramdaman kong kanina pa parang sasabog sa ihi ang pantog ko. Iginalaw ko ang aking katawan sa mabagal na paraan, iniingatan na hindi mabulabog ang katabing tulog pa. Natigilan ako saglit at ilang minuto pinagmasdan si Israel sa tabi ko. Ang amo ng mukha niya. Payapa iyon at ibang-iba kapag gising. Matapos na humugot ng isang malalim na buntong-hininga ay maingat kong binuhat ang isang braso niyang nakayakap sa akin. Nakadantay iyon sa may bewang. Napapiksi ako nang maramdaman na medyo masakit at mahapdi ang sensitive spot sa pagitan ng mga hita ko. Hindi ko na mapigilan ang sariling mapangiwi matapos na pumikit muli. Ganito ba palagi after niya akong gamitin? Hindi ko rin ito maalala. Israel and I had a wild night. Paano ko nasabing wild night? Basta iyon na ‘yon. Hindi ko alam kung paano iyon ilalarawan sa mga salita pero masasabi kong best night ang nangyari kagabi sa pagitan namin. Siguro dahil na rin sobrang tagal naming walang contact ang mga katawan, ito ang dahilan kung bakit sakit ang kinalabasan. Wala akong maisip na rason bukod dito. Napakagat ako sa pang-ibabang ng dumaan sa isipan ko ang mga ginawa namin. Feeling ko nga hindi ako iyon dahil sa pagsabay sa bawat indayog ng katawan niya. Palaging mayroon akong sukli sa bawat pagbayo ni Israel sa akin. Ako ba talaga iyon? IIang minutong napako ang mga mata ko sa dingding sa kabilang side ng kwarto namin. Malaki ang kama, ngunit nagawang itulak ako ni Israel malapit sa gilid at sulok. Hindi na ako umangal dahil alam ko namang buong magdamag ay mahigpit na yakap niya ako. Mahimbing pa rin ang tulog niya ngayon. Sigurado ako roon dahil naririnig ko ang mahina at madalas niyang mga munting hilik. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kung hindi ako uminom ng gamot para sa lagnat, pakiramdam ko ay magkakaroon sakit. Ganito ba ang nangyayari sa katawan ko tuwing ginagamit niya ako? Baka nanibago lang ako kung ilang buwan akong nakaratay sa ospital. Nagpasya akong magkibit-balikat. Nai-imagine na lang na normal lang iyon kasi wala akong malay for the past few months. Posibleng kulang iyon sa katawan ko kaya ganoon na lang ang reaksyon nito. Sa paulit-ulit kong pag-iisip sa ginawa namin ni Israel kagabi ay bigla na lang lumakas at bumilis ang t***k ng puso ko. Kasabay ng parang kinikiliti ang kalamnan ko. Napasapo na ako sa noo nang madama kong bigla ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Kusang sumara ang aking mga mata nang biglang lumitaw sa balintataw ko ang paraan ng paghawak niya sa katawan ko kagabi. Puno iyon ng pag-iingat. Idagdag pa ang mga daing at halinghing ko sa bawat pagtulos niya papasok ng aking lagusan. Parang panaginip lang ang lahat. “Nasa kay Israel na ang lahat, Eloise kaya naman paano mo naatim na gawin siyang lokohin?” I can judge that he loves me very much. Nakikita ko iyon sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Kailanman ang mga mata ay hindi sinungaling gaya ng mga mata niya sa family portrait namin. Mahal ko rin naman siya. Napatunayan ko sa ginawa kong pagpapaubaya dito kagabi. Kung may nais man akong malaman ngayon, ay ang dahilan kung bakit nagawa kong maghanap ng iba sa kabila ng pagiging almost perfect niya na. Hindi ko mapigilang titigan siya. Magandang lalake naman siya. May ayos na trabaho. Magaling din siya sa kama at satisfied ako rito. Siya iyong tipo ng tao na literal na nasa kanya na ang lahat, at wala nang ibang hihilingin pa. Wala rin naman akong nararamdamang matinding kulang sa kanya. O ako lang ito? Baka ang dating ako ay hindi na masaya sa piling niya? Nang umabot na naman sa tenga ko ang litanya ng mga ungol niya kagabi ay mariing kinagat ko ang labi. Isang pilyong ngiti ang lumitaw sa aking labi. Hindi ko na mapigilang pangilabutan ako ng biglang parang may sumipa sa loob ng aking tiyan na kalokohan. Bagama't ako'y nangangapa sa dilim dahil sa walang alaala, batid ko namang kaya ko pa rin siyang pasayahin at tumbasan ang mga pagkukulang ko bilang asawa niya kagabi at kita ko iyon sa mata niya. “Eloise, ikalma mo nga iyang perlas mo! Hindi pwedeng kung kailan mo gustuhin ay gagawin.” Napaiwas na ang mga mata ko kay Israel dahil baka hindi ko mapigil ang sarili at halikan ko siya kahit na tulog pa sabay dakma sa tulog niya ‘ring alaga. Nate-tempt akong gawin iyon, pero syempre pilit kong pinigilan ang sarili. Aba, nakakahiya! Baka mamaya kapag nagising siya ay isipin niyang hindi ako natulog buong gabi at pinagpantasyahan siya. Tinatanggal ko na ang kumot na nasa katawan at ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko. Wala ni isang saplot ang katawan ko, oo nga pala. Naka-roba lang ako kagabi kaya mabilis niyang natanggal iyon. Napahilamos na ako ng palad sa mukha nang muli kong pagbaling kay Israel ay ang hubad na katawan nito ang bumungad. Hindi rin pala siya nagsuot ng anumang saplot. Higit ang hininga na muli kong kinuha ang kumot at ibinalot sa katawan niya. Hindi ako ang unang gagawa ng hakbang para maulit iyong nangyari kagabi. Unless siya iyong unang magpakita ng motibo. “Tama ka, Israel. Ayusin natin ang pamilya natin dahil hindi pa naman huli ang lahat para gawin iyon. I swear, from now on, hindi ako hihinto sa pagsisikap na mapalapit sa inyong dalawa ni Lilo upang makamit ang kapatawaran mo. Magsimula tayong muli. Balikan natin ang umpisa ng kwento natin noong wala pang Lilo kahit na ikaw lang ang siyang nakakaalala.” Maingat na akong bumangon sa kama. Napagdesisyunan ko na ngayon ang unang araw na magiging responsable akong ina kay Lilo at mabuting asawa kay Israel. Pumunta na ako sa closet para kumuha ng damit na isusuot. Habang pinapasadahan ng tingin ang mga damit na naroon ay saglit akong nag-alinlangan na isuot ang mga iyon. Karamihan sa mga damit ay gawa sa mamahaling seda at feeling ko hindi deserve ng katawan ko. Sa akin ba ang lahat ng ito? Nagkaroon ako ng parehong pakiramdam kahapon na parang wala sa mga damit doon ang pag-aari ko. Sa huli, nagpasya pa rin akong kumuha ng damit dito. Ang pangit namang tingnan kung magpapalaboy-laboy ako sa buong mansyon na hubo't-hubad. “Good morning, everyone!” Natigil sa kanilang ginagawa ang lahat ng pagbukas ko ng pinto ng kusina ay malakas na bati ko. Kitang-kita ko ang pagkawala ng mga ngiti sa mukha ng lahat. The way they looked directly at my face ay parang sinasabi nilang first time kong gawin ito buong buhay. Ay teka nga lang, don't tell me na naging masama ako sa kanila? “Anong inihanda niyong breakfast ngayong umaga?”muling tanong ko kahit hilaw ang pakikitungo nila. Nilakipan ko pa iyon ng tawa sa tonong nakikipagkaibigan. At nadismaya lang ako dahil wala man lang nagtangkang sumagot. Hindi ba nila ako narinig? “Mahirap sagutin ang tanong?” Nanatili pa rin silang tahimik. “Good morning, Mommy!” Nang makilala ko ang boses ni Lilo ay malapad ang ngiting lumingon ako. Mabilis na siyang tumatakbo palapit sa akin, naging dahilan ito kung bakit mas lumawak pa ang ngiti ko. Nasa likod niya ang yaya na malalaki ang mga hakbang. “Lilo, huwag kang tumakbo at baka madapa ka!” Napaluhod na ako sa isang tuhod at maligayang ibinukas ang magkabilang braso ng medyo malapit na siya sa akin. Mabilis siyang nangunyapit at yumakap sa akin ng mahigpit. Nakapantulog pa siya at magulo pa ang buhok niyang kulot na halatang hindi pa nasusuklay. Literal na parang bagong gising pa lamang siya. “I miss you so much, Mommy!” Pinaulanan niya na ako ng mga halik. Binuhat ko na siya at tumayo na. Walang pakundangan niyang ipinatong ang kanyang mukha sa isang balikat ko, ang kanyang dalawang maliliit na braso ay kusang nakayakap pa rin sa leeg ko. Marahang hinagod ko ang likod niya habang hinehele siya. “Kamusta ang tulog mo kagabi, Lilo?” Hindi nakalagpas sa paningin ko ang gulat ng mga nasa paligid namin nang makita nila ang ginawa ko. Titig na titig sila sa amin na ang iba ay mga na-estatwa pa. Puno ng pagkamangha habang nakatitig sa amin ni Lilo. Ano ang mali sa ginawa ko? Don't tell me never ko ‘ring tinatrato ang anak ko ng ganito dati? Ganun ba ako kasamang ina at asawa sa paningin nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD