Chapter 6

1630 Words
Bago pa makasagot sa akin si Lilo at bago ko pa matanong ang mga maid kung ano ang pagkakakilala nila sa akin ay nakita ko na ang bulto ng katawan ni Israel na papalapit na sa pintuan ng kusina. Kahit na nasa malayo pa siya ay napansin ko na agad ang buhok niyang basa pa. Tumutulo pa ang butil ng tubig sa dulo noon. Bihis na rin siya, sign na ready na itong pumasok sa trabaho that day. Ang mabangong halimuyak ng pabango niya ay walang awang nanunuot at tumatagos sa butas ng ilong ko. Samahan pa iyon ng mabangong after-shower gel product na hindi rin pamilyar sa akin. Well, mukhang ang lahat naman yata pakiramdam ko ay tila naranasan ko lamang sa unang pagkakataon. Wala namang bago. Tumingkad pa at mas na-depina ang pagiging magandang lalake niya sa suot niyang white polo shirt. Ang kulay itim niyang coat ay nakasampay sa kaliwa niyang braso. May bitbit din siyang leather bag na halos kasing laki ng laptop sa kanang kamay. Sigurado akong hindi naman laptop ang laman. Sa hitsura ni Israel ay handa na itong pumasok sa opisina niya. Out of the blue ay biglang sumulpot ang isang bodyguard at madaling lumapit sa kanya para kunin ang dala niyang leather bag. Hindi naman ipinagkait iyon ni Israel, kusa niya na iyong ibinigay dito. “Thank you.” Pagkatapos na yumuko ng bodyguard ay tumalikod ito at prenting naglakad na palayo. Iba talaga kapag mayaman ka. Masasabi ko na mabilis kumilos si Israel. Wala akong dahilan para pagdudahan ang aking alaala. Ilang minuto pa lang magmula ng iwanan ko siya sa kama, sigurado ako na tulog na tulog pa siya. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit narito siya agad at nakapagligo pa? Ibig sabihin lang ay gising siya kanina. Tama ang kutob ko. Gising na siya kaninang gumising ako. Siguro noong nakita niya akong nagsuot ng damit ay baka tinawanan niya pa ako. Hinintay niya lang din akong lumabas ng kwarto bago nagmamadaling pumasok sa banyo para maligo at maghanda. “Good morning—” Balak ko na sana siyang batiin ngunit hindi ko na ito nagawang tapusin. Hindi ko na iyon itinuloy dahil distracted na ako ng mga maid na halatang nag-rehearse. Base sa kilos nila, si Israel lang ang pinaka iginagalang nilang amo. Hindi ko alam kung bakit nawalan sila ng respeto sa akin gayong asawa naman ako mismo ng among pinagsisilbihan din nila. Ang unfair nila ha? Bias! Binati ko rin naman sila kanina, ang lapad pa nga ng ngiti ko pero hindi pa rin nila ako pinansin. Ang trato nila sa akin ay para lang hangin. Noong napansin nila si Israel na naroon at parating na ay taranta na sila sa pagyuko. Mabait pa nga ako na nagawa ko silang batiin. Tingnan mo nga naman, kapag si Israel ay kaya nilang maipakita nila ang paggalang, ngunit nang ako na lumapit sa kanila at take note binati ko pa sila, nagkunwari lang silang parang wala ni isang narinig. Halatang-halata noon pa man ay balewala na ako sa kanila, hindi ko rin naman sila masisisi kung may trauma pa sila sa pakikisalamuha. Kahit na, bilang asawa ng amo nila dapat maay respeto pa rin sila! Pasalamat silang good mood ako dahil kung hindi ay ginalitan ko sila. Hindi pwede itong ginagawa nila, kawalan iyon ng respeto sa akin. Sa bandang huli ay hindi na ako nag-react. Ayoko ng paguluhin pa. Maganda rin ang gising ko. Hindi ko naman pipiliing masira ito at buong araw na pagtiya-tiyagaan. Ako rin ang dehado. Hindi naman sila. Hintayin nila, pupunahin ko sila kapag nagkaroon ako ng time. Dapat nilang malaman na hindi ako nasisiyahan sa coldness nila. Iyong pakiusap na lang muna ni Israel ang pag-aaksayahan ko ng oras na isipin. Tama siya doon, hindi pa huli ang lahat para sa amin upang magbago. “Good morning, everyone!” Malakas at malinaw na tumugon sa pagbati niya ang mga maid. Sa timbre pa nga nito ay parang nag-rehearse pa sila para sabay-sabay ang pagbati nila. Ang bias talaga nila! Oo na lang, ako na ang masama sa kanila. Hindi na napigilang mapaawang ng bibig ko dahil di makapaniwala. Ano pa bang aasahan ko? Siya ang amo. Alangan namang mas malapit sila sa akin kung ang ugali ko ay magaspang sa kanila? “Good morning, Mayor Monroe!” Nginitian lang sila ni Israel at kapagdaka ay marahang tumango. Alam kong nakita niya na kami ni Lilo sa sulok ng mga mata niya at nagpapanggap lang na hindi. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o hindi ng dahil dito. Nagawa niyang bumati sa mga maid, tapos sa aming mag-ina ay hindi? Wow! Sure akong intensyon niya na hindi talaga kami pansinin. Wala iyon sa plano niya. Eh ‘di bahala siya! Basta ang alam ko ay naging akin naman siya kagabi. Ang tanong lang doon ay tanda niya kaya? “Mayor Monroe, luto na po ang almusal. Inihanda na namin sa hapag.” bida-bida ng isang maid. Itinaas ni Israel ang isa niyang braso upang sipatin na ang oras. Sa ginawa niyang iyon ay hindi nakaligtas sa mata ko ang bigla niyang pagiging gwapo. Oo na, alam kong gwapo siya pero lalo pa siyang naging gwapo sa mata ko. “Maraming salamat, Manang.” Dahil abala ako sa panonood sa bawat galaw niya at pag-iisip ng iba pang mga idea about sa kanya ay hindi ko namalayan kung ano pa ang naging takbo ng usap nila. Akmang tutungo na sa dining room si Israel nang makita siya ni Lilo na nagtataka kung bakit naroon pa rin kami sa pwesto. “Daddy!”bulalas nito na pumigil kay Israel na gawin ang plano. Awtomatikong humarap siya sa amin na parang noon lang kami napansin. Parang gusto ko siyang irapan, kung hindi lang makikita ng aming anak iyon ay kanina ko pa ginawa noong saglit na dumapo ang mga mata niya sa akin. “Oh, hi Lilo...” “Good morning, Daddy.” Nag-assumed ako na maayos na ang lahat sa amin ngayon dahil nagkasundo na kami kagabi. Mukhang mali yata ako ng intindi. Sa paraan ng tingin ni Israel ay parang ni katiting ay wala kaming maayos na napag-usapan. Hindi kaya lasing siya kagabi at wala ni isa siyang matandaan sa sinasabi? “Good morning too, Lilo. Kumusta ang tulog mo?” Talagang si Lilo lang ang binati. Tinawid na niya ang distansya ng pagitan namin ni Lilo sa kanya. I twitched my lips subconsciously, hoping that Israel will give me a good morning kiss kagaya ng ginagawa ng ibang mga couples pagkagising nila or after a long heated night. Hindi ko na matago ang excitement habang iniisip pa rin na gagawin ni Israel ito sa akin. Shit! Mukhang aatakehin yata ako sa puso oras na halikan niya ako! Kalmahan mo lang Eloise, tandaan mo na may karga kang bata! Parang bulang pumutok sa ere ang pag-asa ko nang hindi niya ginawa ang inaasahan ko paglapit. Si Lilo lang ang hinalikan niya sa noo kapagdaka ay hinaplos pa ang ulo nito. Mahinang ikinatuwa iyon ni Lilo na halatang sanay na rito. Totoo kayang napatawad niya na ako? O hindi? Posibleng ako lang ang nag-iisip ng bagay na ito. Hindi ko na napigilang titigan siya. “Mommy, baba ako.” Kung hindi ko pa narinig ang boses ni Lilo na nagsasabi noon ay hindi pa ako babalik sa tamang sarili. “Daddy, karga!” Ang walang emosyon ni Israel na mga mata kanina ay bigla na lang nagkaroon ng buhay at kulay. Ngunit sandali lang iyon. Nang tumingin na siya sa akin ay muli iyong bumalik sa dati na parang walang kasigla-sigla at lakas. Gusto ko rin sana siyang batiin pero baka mabigo lang ako na makakuha ng tugon sa kanya. Mapapahiya lang ako dito. “Bakit narito pa kayo, Lilo? Bakit hindi pa kayo naupo sa dining?” Lumingon si Lilo sa akin na para bang humihingi siya ng saklolo. Ibubuka ko pa lang ang bibig ko upang magpaliwanag pero nagawa na niyang hilahin si Lilo patungo na ng hapag-kainan. “Kumusta naman ang tulog ng munting dalaga ko?” “Ayos lang naman po, Daddy. Sana sa susunod na gabi ay katabi ko na kayong dalawa ni Mommy.” Pagak na tumawa si Israel na hindi man lang umabot sa mata niya. Halatang napipilitan lamang siya. “Let's do that, soon, Lilo kapag hindi na busy si Daddy at kapag magaling na ang Mommy. Okay?” “Okay, Daddy.” Matapos na iupo ni Israel sa harap ng table si Lilo ay masuyo niya itong hinalikan sa noo at saka hinaplos ng marahan ang ulo niya. Habang pinagmamasdan sila ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang saya nilang panoorin. Ang gaan-gaan din sa pakiramdam. Hindi nakaligtas sa akin ang hitsura ng mga mata ni Israel. Iba ito sa nakita ko kagabi na puno ng halo-halong emosyon. Mayroong pagnanasa subalit mayroon din namang pagmamahal. Kahit na nakakaranas ako ng hindi magandang pakiramdam ng pagkadismaya, pinilit ko pa ‘ring ngumiti. Gayunpaman, hindi siya nagbigay ng parehong vibes bilang kapalit sa ginawa ko. “Kumain na tayo ng almusal.” Maglalakad na sana si Israel palayo pero napigilan siya ni Lilo sa pamamagitan ng naging tanong. “Daddy, paano naman po si Mommy? Hindi mo ba siya bibigyan ng morning kiss kagaya ng ginagawa mo sa kanya dati?” I swear. Biglang nag-init ang pisngi ko sa tanong ni Lilo. Makahulugang sumulyap si Israel sa akin na para bang ang hiling ni Lilo sa kanya ay mahirap gawin. Wala akong kasalanan, ah? Hindi ko naman iniutos na sabihin iyon ni Lilo sa kanya kanina kaya huwag niya akong sisisihin dito! “Sige na po Daddy, kiss mo na si Mommy!” udyok pa ni Lilo dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD